CHAPTER 40:

1.5K 47 2
                                    


Author's P.O.V.

Noong hinalikan ng Supremo ang Kamay ni Maine. Napansin ni Richard na Nakatulala si Maine sa Supremo.

"Maine? Maine!?" Agad namang Bumalik sa Katinuan si Maine

"Hu? Ay! Pasensya na po... Ahmm... Kayo po ba talaga ang Supremo?" Tanong ni Maine

Natawa naman ang Lalaking Kaharap nila "Sa aking palagay hindi ka talaga Makapaniwala sa Itsura ko"

"Ahmm.. Uhm. Uhm" tumango siya habang Nakangiti kay Maine

"Maine, Siya ang sinasabi kong Supremo" sabi naman ni Richard

"P-pero p-paano po Nanatiling ganyan ang Itsura nyo?" Nagtatakang Tanong ni Maine

"Mamaya ko na Ipapaliwanag, Sumunod kayo sa akin sa Itaas... Richard Dala mo ba ang Ipinapakuha ko sa'yo?"

Tumango si Richard, at Sinundan nila sa Itaas ang Supremo. Pagpasok nila sa Isang Kwarto mapapansin agad nila ang Napakadilim nitong kulay, Halos lahat ng Makikita sa Kwarto ay Kulay Pula at may Fountain na Dugo ang nilalaman. Walang Bintan sa Kwartong iyon at Nakakatakot ito kapag ordinaryong tao lang ang Makakakita

"Paano kaya niya ito Naipagawa? Nakikita rin kaya ito ng Matandang Babae?" ito ang mga tanong na Tumatakbo sa Isipan ni Maine habang iniliibot niya ang paningin sa buong paligid

"Umupo muna kayo, para Makapagpaliwanag ako ng Maayos" umupo naman sila sa napakahabang Itim na Sofa

Magkatabi si Maine at Richard sa Sofa samantalang Nakaupo naman sa mas Maiksing Sofa ang Supremo

"Ipagpaumanhin nyo Mahal na Prinsesa kung ginusto ko pong makilala kayo, Alam naman nating Malapit ng Manumbalik ang kapangyarihan ng mga Demons, kaya Handa akong tumulong bilang Natitirang Supremo ng ating Kaharian, maaari ko bang Makita ang Librong itim?"

Kinuha ni Richard ang Librong Itim na Nakatago sa loob ng Hood niya. Tinignan ito ng Supremo bago niya ito kunin.

"Ang Librong Itim" ito lang ang nasabi ng Supremo

"Ano po bang Gagawin nyo sa Librong Itim?" Tanong ni Maine

"May Titignan... Lang... Sana... ako... Ugh! Ang Hirap ngang Buksan nito" Pilit itong binubuksan ng Supremo

"Mawalang Galang na po, Pero..."

"Baka kailangan pa ng Malakas na Pwersa" pinipilit parin itong Buksan ng Supremo

"Ahmm... Mahirap po bang Buksan?...Kasi po, Kaming mga Prinsesa ng Imahinarnya ang tanging Nakakapagbukas ng Librong itim" sabi ni Maine kaya Itinigil ng Supremo ang pagHigit nito

"Ah. Pasensya na kayo Mahal na Prinsesa at Richard, medyo Naexcite lang ako sa Pagbukas ng Librong itim"

"Maaari ko po bang Makuha muna ito? Ako na po ang Magbubukas para hindi na kayo mahirapan"

Kinuha nga ni Maine ang Libro at Biglang Lumiwanag ang Librong Itim na Ikinagulat naman ng Supremo

"Ito nga ang Librong Itim na kinakailangan ko" mahinang sinabi nito pero Narinig naman ni Richard

"Iyan po ba yung Mission na sinasabi nyo? Pero Hindi nyo pwedeng Sabihin sa amin?"

"Oo, Iho... Kaya Salamat sa Pagtulong mo sa akin at Nagpapasalamat ako sa'yo dahil Dinala mo ang Prinsesa dito sa Pamamahay ko"

"Wala po kayong Dapat na Ipagpasalamat sa akin dahil Kayo ang tumutulong sa akin noong napadpad ako dito sa mundo ng mga Tao"

Tumayo ang Supremo at May kinuhang Tatlong Gintong Baso na Nakapatong sa Itim na Lamesa. Kinuha rin nito ang Mamahaling Bote na Naglalaman ng Dugo.

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon