Kathryn's P.O.V.
Nasa Himpapawid kami ngayon at Mula sa Itaas natatanaw namin ang Usok sa Malayong Parte ng Dark Forest
"Ayos lang po ba kayo, Mahal na Prinsesa?" Tanong sa akin ni Hilarious
"O-ok lang ako"
"Hilarious Kilangan na nating Magmadali, Hindi Maganda ang Pakiramdam ko sa mga nangyayari dito" nag-aalalang sinabi ni Marcus
"Steeve kanina ka pa tahimik may Problema ba?" -Clever
Napatingin ako kay Steeve na seryoso ang Tingin sa Unahan niya. Hindi niya Pinansin ang sinabi ni Clever
"Sa aking Palagay, Huminto na ang Paggalaw ng Lupa" -Marcus
"Huwag kang Pakasisiguro, Dito muna tayo sa Himpapawid para sigurado tayo, Alam kong mahihirapan tayong Malaman ang Daan papuntang Lagusan ng mga Fairy pero kailangan din nating siguraduhin na Magiging ligtas ang Prinsesa" -Hilarious
Habang Nasa Himpapawid kami, Naalala ko yung Sanga na Muntikan ng Bumagsak sa akin. Akala ko talaga Mahuhulugan na ako ng Sangang iyon, Mabuti nalang may mga Kasama akong Mandirigma. Pero kamusta na kaya sila Maine at Nadine?
Hindi ko kasi nakita si Maine bago kami Umalis sa mundo ng mga Tao. Dapat Kasabay namin silang pupunta dito sa Imahinarnya pero Hindi na sila Nagpakita. Imposible namang Nauna na sila sa amin
Ano kayang ginagawa nila Richard ngayon? Kahit ilang beses kong isipin na wala silang Relasyon ni Maine Kapansin-pansin naman na palagi silang magkasama at Parehas silang Nawala noon.
Hayst! Bakit ko ba Ngayon Iniisip ang mga Ito? Dapat yung Kaligtasan ko at ng mga Kasama ko ngayon ang Inaalala ko.
Napalingon ako sa Paligid at Pumasok naman sa isipan ko ang Mukha ni DJ. Siguro mag-isa lang siya ngayon, Baka Nahihirapan na siya sa kalagayan niya. Sa Oras na Makapasok ako sa Lagusan ng mga fairy, Gagawin ko ang Lahat para Mahanap ko rin si DJ, Alam kong Maiintindihan ako ng mga Kauri ko kaysa sa mga Wizard na ito.
Siguro naman may Paraan para bumalik sa Dating anyo nya si DJ. Hindi naman niya Ginustong maging Black Fairy, pero hanggang Ngayon Palaisipan parin sa akin kung Paano siya naging Black Fairy
Habang Nag-iisip ako, natanaw ko ang Kakaibang Puno na Kakaiba talaga sa Iba pang puno sa Kagubatan. Mas Malaki ito at Makikitang Kakaiba rin ang Kulay nito kaysa sa Ibang mga Puno.
"Nakikita nyo ba ang Nakikita ko?" Pumikit ako ng Ilang beses at Kinusot ko ang mga Mata ko Dahil ang Punong Ito ay Gumagalaw at Nagulat ako noong Natanaw kong May Mga Mata ito
"Ang Alin po, Mahal na Prinsesa?"
"Ayun!" Itinuro ko ang Direksyon
"Mga Ordinaryong Puno lang po ang Nakikita Namin" sabi nila at Pansamantalang Tumigil kami para Makita ng Iba ang Itinuturo ko
"May Nakikita akong Kakaibang Puno" sabi ko
"Kakaibang Puno?" -Clever
"Baka iyon na ang Hinahanap natin" -Hilarious
"Pero Bakit hindi naman namin makita ang Kakaibang puno na Tinutukoy nyo?" -Marcus
Paanong Hindi nila Makikita? Eh, Ang linaw naman ng Mata ko na Nakikita kong Kumikinang ito at may mga Mata. Nagulat ngalang ako noong Nakita kong Nawala ito sa Paningin ko at parang Nagpapalipat lipat ito.
"Hu? Paanong?..."
"Bakit po Mahal na Prinsesa?" -Marcus
"May Puno bang Nagpapalipat lipat? Nawala siya bigla..." Inilibiot ko ulit ang Paningin ko "AYUN!"
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...