Kathryn's P.O.V
Nakalipas na ang isang Gabi pero hindi parin Bumabalik si Maine, Ano kayang nangyari sa Vampire na yun, Baka may masamang nangyari na dun, sana naman Wala..
Naramdaman kong bumukas ang Pinto ng kwarto ko, "Iha, May bisita ka sa baba" sabi ni Mama habang nakaupo ako sa Working place ko at Nakatingin sa Libro Itim
"Sige po Mama, Susunod na po ako" Isinara niya yung pinto at Tumayo narin ako para itago sa Aparador ang Librong Itim
Bumaba na ako at Nakita kong Nakaupo si DJ sa sofa habang hinihintay ako "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko
Tumayo naman siya "Hindi mo ba ako namiss?" Sabi niya
Natawa naman ako "Baliw ka ba? Eh! Iilang oras palang tayong nagkakalayo, Ipapaalala ko lang sa'yo Nagkita tayo kagabi"
"Alam ko, Ahmmm... Kath?" parang Hindi mapakali si DJ habang nakatayo sa harap ko
"Hui! Naiihi ka ba? Ano iyon?" Tanong ko sa kanya
"Kasi Ano...Kath...Ano kasi... Bwisit! Hindi ko talaga masabi" Napakunot naman ang Noo ko dahil nagiging Weird na ang lalaking ito
"Baliw na itong lalaking ito, Hay Nako! Kung wala ka namang sasabihin, kung puro ANO lang naman ang lumalabas sa Bibig mo, Mas mabuti pang UmAno ka na este Umalis ka na wala ako sa Mood makipaglokohan sayo" tumalikod ako para umakyat na sa Taas pero Nagsalita si DJ kaya humarap ako
"Saglit lang...Kath, Pwede ba kitang yayaing lumabas mamaya? Kahit mamayang Hapon nalang"
"Hu? Bakit? Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya na mas Ikinaiwas niya ng Tingin at Napahawak pa siya sa Batok niya
"Sa.. Sa Ano.. Basta kung saan man dito sa Pilipinas, Saan mo ba gusto?"
Napangisi naman ako "Sa Palawan, Sabi mo kahit saan sa Pilipinas" sabi ko naman
Nanlaki naman ang mga Mata niya "Wag naman dun, Basta ako nalang ang bahala kung saan tayo pupunta, May mahalaga lang akong sasabihin sa'yo"
Nagtataka na talaga ako sa ikinikilos niya "Bakit kasi ayaw mong Sabihin sa akin ngayon? Kailangan pa nating lumayo?"
"Hindi pwedeng sa ganitong lugar ko Aminin yung... Yung ano"
"Yung Ano? Alam mo DJ, nakakailang ano ka na! aANOhin na talaga kita dyan"
"Basta Malalaman mo din yun" sabi niya at Nabigla ako noong hinawakan niya ako sa braso
"Basta Kath, Kahit anong mangyari magiging magkaibigan parin tayo kung hindi mo man tanggapin yung Ano ko.."
Tinanggal ko naman yung Kamay niya sa Braso ko "Nakakailang ANO kana! Ang aga-aga DJ, isang ANO mo pa! At Ano yung Ano mo?"
"DJ!? Dito ka na MagTanghalian" sigaw ni Mama na nasa kusina
"Sige po, Dito nalang po ako Magtatanghalian" sagot naman ni DJ
Parang Anak narin ang turing ni Mama kay DJ dahil laging naandito si DJ noong mga bata palang kami, Dito siya Natutulog noong bata palang kami at Madalas din ako sa kanila noong buhay pa ang Mama at Papa ni DJ
"Hoy! May Trabaho ka pa diba? Baka hanapin ka ng bagong boss mo"
"Nagpaalam na ako sa kanya" sabi niya "At pinayagan ka naman?" Tanong ko ulit sa kanya
"Oo, bakit? Ayaw mo akong makasama?" Tanong niya
"Hindi naman sa ganun pero..."
"Ayaw mo pala akong makasama, Sige aalis na ako" akmang aalis na sana siya pero Nagsalita ako at Hinawakan ko siya sa braso
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...