ALDUB&KATHNIEL
Balik naman tayo sa nangyayari sa mga Vampires at sa Prinsesa ng mga Fairy...
Tahimik na nagmamasid si Maine sa malayo, Bakas sa kanyang mukha ang Lungkot at Halatang malalim talaga ang iniisip niya
Maya-maya napansin na ito ni Richard na mabilis na nilapitan si Maine
"Nababahala ka pa ba? Wag ka ng mag alala, Diba lagi kong sinasabi sa iyo, Ako ang bahala" nakatingin din Ito sa malayo kung saan nakatingin si Maine pero tahimik na Umupo si Maine
"Anong problema?" Nagtatakang tanong nito "Wala, pumunta ka na doon, mas kailangan ka nila"
Ngumiti nalang si Richard sa narinig niya "Oh, Bakit ka nakangiti?" Tinignan niya ang kaibigang Vamzard at Seryosong tinanong ito
"Wala, Tigilan mo na ang pagsimangot" sabi ni Richard
"Hindi naman ako nakasimangot, Napapaisip lang ako" mas naging seryoso si Maine
"Ano bang Bumabagabag sa loob mo na parang lalamunin ka na ng Lupa" nagtatakang tanong into
"Wala lang, naalala ko nanaman kasi si Ina, Malapit na ang Kabilugan ng Buwan kailangan na nating mahanap ang Prinsesa ng mga Wizard" nalungkot nanaman si Maine
Hinawakan ni Richard sa Ulo si Maine at ginulo ang Buhok at tinapik sa Braso "Alam mo, Huwag ka na masyadong mag isip dahil lahat ng mga nangyayari ngayon ay nakatadhana na, Isipin mo Ito, yung nakabangga pala sayo ang Prinsesa ng mga Fairy kaya napakagaling lang ng pagkakataon"
"Kung sa Bagay may Punto ka, Pero Sana mahanap na natin sa madaling panahon ang Isa pang prinsesa"
"Basta tandaan mong naandito lang ako para tumulong para sa IMAHINARNYA" ngumiti si Richard Kay Maine na halos maningkit na ang mga Mata nito at lumalabas nanaman ang Dimples niya
Napatahimik si Maine at agad tumingin sa malayo dahil baka Matulala na siya Kay Richard
"Wag ka ngang ngumiti" seryosong sinabi nito na halatang pigil ang Ngiti
MAINE'S P.O.V
Nakakainis talaga itong Vamzard na ito, Mas nakakasilaw pa sa araw kung ngumiti, Tutunawin ba niya ako pero parang bumibilis nanaman ang Tibok ng Puso ko, Pasensya na Pinalaki kasi akong Sandata at Pakikidigma ang Alam...
"Sige na nga, Bababa na ako para makapagmanman ako ng mabuti"
"Sige, Ingat... Este Bantayan mo yung prinsesa, basta bumaba ka na ngalang"
Napangiti siya habang patalikod at palakad pababa sa Bubong, Kaya hinintay ko muna siyang umalis bago ako Ngumiti
At Nagulat nalang ako sa mga Ikinikilos ko dahil hindi talaga Ito normal, Ano ka ba Maine!? Umayos ka nga!! Intindihin mo yung Mga binitawan mong Pangako at tungkulin
KATHRYN'S P.O.V.
*Kinabukasan*
"Ma, Papasok na po ako sa School" sigaw ko habang nagsusuklay ng buhok
"Sige anak, mag ingat ka" sabi ni Mama habang naglalaba sa likodbahay
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng lalaking Vampire sa Likod ko "Saan po kayo pupunta Prinsesa" tanong nito sa akin
Napaiwas naman ako ng tingin, Alam nyo ba kung bakit?
Ganito kasi yun, Mahimbing ang pagtulog ko dahil sa umiiyak ako dahil nabasag yung salamin na regalo sa akin ni Papa noong 7th birthday ko, na binasag ni DJ dahil sa kalikutan at basta bastang pagpasok sa Kwarto ko
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...