Maine's P.O.V.
"Tumakas ka na Maine, Iligtas mo ang Iyong sarili, Dalhin mo ang Librong ito"
"Pero Ina, Nagsanay ako para dito kung sakaling magbalik ang mga Demon"
"Basta, tumakas ka na!" Itinulak ako ng malakas kahit alam kong may lungkot sa kanyang mga Mata
"Hanapin mo ang dalawang huling Prinsesa ng mga Fairy at Wizard, sila ang tutulong sa iyo"
"Kailangan na nating buksan ang lagusan papuntang Mundo ng mga Tao" Sabi ng isang Wizard
Pagkabukas ng lagusan tatawid na sana ako pero dumating ang mga Armazilians
"Tumawid ka na!" sigaw ng aking Mahal na Ina habang nakikipaglaban ito...
"Ina, ayaw kong umalis! Makikipaglaban nalang ako... GRRR!" Agad kong pinagkakalmot ang mga Demons na sumusugod sa akin..
Lumapit sa akin si Ina at hinila ako papuntang Lagusan..
"Tandaan mo ito... ikaw ang magbabalik ng kaayusan ng mundong ito, Kaya Tumawid ka na!" Sabay tulak sa akin papasok ng Lagusan
"INAAAA!!" Sa pagtulak niyang iyon nakita kong napaslang ang aking ina at Naglalaho ito at nagiging ABO
Biglang pumatak ang mga luha sa aking Mata, tila ayaw kong umalis pero kailangan kong tuparin ang bilin sa akin ni Ina..
"Hahanapin ko Sila, At maghihiganti ako" Hinawakan ko ng mabuti ang Librong ITIM kung saan Naroroon ang mga mahihiwagang mahika at Kwento ng IMAHINARNYA
------------------------
Saglit lamang ay Nakarating na ako sa Mundo ng mga tao, Nakakapanibago dahil masyadong maliwanag, Pero Lumabas ako sa isang Puno ng Balete...
Subalit ang tanging nasa isip ko ay ang Habilin ng aking Ina pero paano ko mahahanap ang Dalawang Huling Princesa ng mga Fairy at Wizard kung ganito kalaki ang mundo nila...
Buti nalang may Hood akong suot kaya ito ang nagsilbing balabal ko para hindi masilaw sa sikat ng araw..
Sa aking palagay manghihina yata ako sa Init at tindi ng sikat ng araw, Dahil kahit nakahood ako ay ramdam ko parin ang init, Marami akong nadadangging tao pero hindi ko sila nililingon
"Ano ba yan hindi manlang marunong MagSorry" sabi ng isang babaeng nadanggi ko
"Sorry?Ano yun?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko pero bilang paggalang binigkas ko ito sa babae
"Sorry" Agad kong binilisan ang paglakad dahil hindi ko na kaya ang tindi ng sikat ng araw
Nang makarating ako sa isang liblib na lugar napansin kong nawawala ang Librong ITIM kaya nag umpisa na akong mag alala
"Ang LIBRONG ITIM, nasaan?"
pumasok sa isipan ko ang babaeng Nabangga ko kanina, kaya Inalala ko ang mukha at ang mga palatandaang Amoy ng babaeng ito
(Mahusay sa pang amoy ang mga Vampire)
"Kailangan kong mahanap ang babaeng iyon, Hindi pwedeng mapasakamay ng kahit sino ang LIBRO"
Agad kong isinuot ang Hood ko para mahanap ang babaeng nakakuha ng Libro, Pero papalakad palang ako ng makakita ako ng mga nakahood ding nilalang..
Nagtago ako sa may malaking Puno, At ng tanggalin nila ang Hood nila...
"Mga ARMAZILIANS" napasandal ako sa punong iyon dahil sa oras na makita nila ako tiyak na mapapasabak ako
"Paano kaya nila ako nasundan?"
Sinilip ko ulit sila at napansin kong papalapit sila sa kinaroroonan ko, Nagulat ako dahil may namumukaan akong Isa pero nakasisiguro akong Hindi siya Armazilian..
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...