Nadine's P.O.V.
Ano nga bang nangyari sa akin kanina? Ay. oo nga pala, Nawalan ako ng Malay at Ngayon naramdaman Kong Nakahiga ako sa Isang malambot na Kama, At Medyo malamig parang nasa isang kwarto ako, May nakabalot sa akin na Malambot na kumot at Feeling ko nananaginip ako kahit gising naman ang Diwa ko
Pero Naalala ko ulit yung ginawa ni James sa akin, Hala! JUSKOLORD, Anong....? Minulat ko agad yung mga Mata ko at Inilibot ko sa paligid ko
Napakalaki ng Kwarto parang Pang Prinsesa at Bigla akong napaisip dahil napansin Kong Nag-iba yung Damit ko, Nagulantang ako at Nataranta
"JUSKOLORD... BAKIT! NAG-IBA YUNG DAMIT KO? Hala. Baka nag-aalala na sa akin si Mommy" yan ang sinasabi ko sa Isip ko
Tumayo ako sa higaan at dahan-dahan akong lumapit sa Pintuan at dahan dahan din akong sumilip, May nakita akong Nakahood at Nakatayo lang siya, Mukhang Bantay ko yata ang Taong Ito
Pero may naririnig akong Boses na nag-uusap, Parang si James yung Isang Boses at yung Isa hindi ko na alam
"Gising na ba ang Prinsesa?" Tanong ng isang Babae sa Nakatayong Nakahood
"Sa aking pagkakaalam Hindi pa po siya Gising"
Agad akong tumakbo palayo ng Pinto, Dahil papalapit na sila buti nalang mabilis akong Tumakbo and then talon sa Higaan... Kunyari Tulog parin ako, Sakto naman ang Pagbukas ng Pinto...
"Iho, Ano bang ginamit mong Mahika sa kanya bakit hindi pa siya nagigising? Tatlong Araw na siyang natutulog dyan" naramdaman Kong Umupo siya sa Kama
"Hindi ko po alam mahal na Reyna, Ganyan na po siya noong iniligtas namin siya sa mga Hunter"
(Hunter~Kahit anong klaseng nilalang pwede maging Hunter, basta tapat sila sa Haring Regregator at Handa nilang sundin lahat ng Inuutos ng Evil Master na Tatay naman ni Richard, Sila ang mga Anak at dating Kampi sa kabutihan pero Naging masama sila dahil Sa kapangyarihan at kasakiman)
Naramdaman Kong hinawi ng Babae ang Buhok na nakaharang sa Mukha ko pero Nagkukunwari parin akong tulog...
"Sa Oras na Handa ka ng Imulat ang iyong mga Mata, Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat" Hinalikan niya ang Noo ko at Umalis na sila sa Kwarto
Alam nyo ba yung LUKSO NG DUGO? ganyan ang naramdaman ko kanina, Parang kilala ko siya pero Hindi ko lang maalala...
Unti-unti kong iminulat ang mga Mata ko at Umupo, Napapaisip tuloy ako kung ano na bang nangyayari at Ano bang ginagawa ko dito? Sino yung Prinsesa na sinabi nila?
Uyyy! Assuming ako 😊😂😊 Feelingera lang, Pero Real talk na talaga, Ano na bang nangyayari? Baka nag aalala na si Mommy pero paano naman ako makakaalis sa lugar na Ito?
Before 3 Days...
AUTHOR'S P.O.V.
Sa Kaharian ng mga Wizard...
Hindi mapakali si Reyna Joddi, Kinukutuban siya kaya Naglakas siya ng Loob kausapin ang mga myembro ng Enchanted Councils
"Kailangan na nating tignan sa Mahiwagang Bola ang Kinalalagyan ng Prinsesa, Malapit na ang Itinakdang Panahon"
"Pero mahal na Reyna, Ipinagbabawal po sa Batas ng Wizardian Topia na Tumingin ang isang Maharlika sa Mahiwagang Bola"
"Sumasang-ayon po ako sa Sinabi niya"
Nag-isip ng mabuti ang Reyna at Agad na nagsalita "Hindi naman kailangang ako ang Tumingin , Ipatawag ang Mahuhusay na mandirigma sa Buong Wizardian Topia"
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...