Kaharian ng mga Wizard
Nadine's P.O.V.Bakit pakiramdam ko ang INIT-INIT dito?
Naririnig ko ang mga nag-aalab na apoy na nasa Paligid ko, At Naamoy ko ang Usok na Bumabalot sa Lugar na Kinalalagyan ko ngayon... Pero kahit isang boses wala akong Naririnig... Parang Nagkaroon ng Gera dito kaya Maririnig talaga ang Katahimikan na Apoy lang ang Nananaig
Unti-unti Kong iminulat ang mga Mata ko, Mukhang tama ang Hinala ko sa Nangyari sa Lugar na ito
Mga Nasusunog na kabahayan, Mga Patay at Duguang Tao.. Pero tao ba talaga sila? ... Tumayo ako sa pagkakahiga ko kaya mas lalo Kong nakita ang Kabuuan ng Pagkawasak ng Lugar na ito
"A-anong nangyari dito?"
Nakita ko na ang iba sa kanila ay nakahood, At yung iba naman ay mga bata pa lang Pero Kinuha na agad ng Maykapal, Naglakadlakad ako para maghanap ng Buhay pero Wala akong nakita
Napansin ko ang Napakalaking Palasyo na Gumuguho na at Umaaapoy ang bawat Kwarto nito, Napansin ko rin na Kulay Pula ang Kalangitan na parang Nagdidilim
"Parang Alam ko ang Lugar na ito ah.."
Pumasok ako sa Loob ng Palasyo kahit medyo Mausok dahil nawawala na ang Apoy sa Paligid, Nakita ko ang Sira-sirang Kagamitan at Nawala Ang mga Picture na Nakadisplay dati sa Sulok ng Bawat DingDing
Umakyat ako sa hagdanan, at may Napansin akong Larawan na Nakita ko na dati, Ito lang ang Natira pero Nasunog narin ito ng Bahagya, Puro Abo na ang nasa Paligid nito pero nanatili itong Buhay at Gumagalaw parin ang Larawan
"Yung batang Reyna, Bakit Umiiyak na siya sa Larawan habang Nakaupo sa Damuhan?"
Unti-unti nitong Inangat ang Mukha niya at Tinignan ako, Pinunasan niya ang Luha niya pero May Lungkot parin sa kanyang mga Mata
Habang Nakatitig ako sa Larawan, May Narinig akong Sumigaw ng Pagkalakas lakas
"BITAWAN NYO AKO!!... Hindi nyo makukuha ang Kahariang ito!... Kahit anong gawin nyo Mananaig parin ang Kabutihan... Ahh!"
Narinig ko ang Paglalatigo sa Babaeng kanina lang ang Sumisigaw, Kahit hindi ko nakikita kung sino yung Babae Alam kong Nasa Kasunod na Kwarto sila Malapit sa Kinatatayuan ko
Dahan Dahan akong Lumapit sa may Pinto pero Tumigil ako noong Narinig kong may mga Yabag na papalapit sa Kinaroroonan ko, Malakas at Mabigat ang mga Ito kaya mararamdaman mo talaga
Natataranta na ako, Hindi ko alam kung saan ako pwedeng Magtago, Hindi ko alam kung saan ba ako Pupunta, Pero sa mga Sandaling iyon Nakakita ako Ng Isa pang Kwarto pero Hindi ko alam kung mabubuksan ko ba ito
Papalakas ito ng Papalakas kaya Tumakbo na ako sa may Pintong iyon at Agad kong pinihit ang Doorknob nito
Bago pa man ako maabutan ng mga Nilalang na nakaHood agad na akong Nakapasok sa Kwartong iyon, Maingat ko itong Isinara para hindi ako marinig
"Hay Salamat... Muntik na ako dun ah.." Huminga ako ng Malalim at Napahawak ako sa Dibdib ko dahil ang lakas ng Tibok ng puso ko
Habang Nasa loob ako ng Kwartong Iyon, Nakarinig ako ng Pagbukas ng Pinto at Lagitik ng Latigo kaya mapapaSigaw sa Sakit ang Kahit na Sinong Ginagawan nito
"AHHH!!... ahh!... (Naghahabol ng Hininga) "
"Bantayan nyo ang Reyna, Huwag nyo siyang Patatakasin"
"HARU!" Sabay sabay na Sinabi ng mga NakaMaroon na Hood
Hindi na talaga maganda ang Kutob ko sa mga Nangyayari, Pakiramdam ko may Dapat akong gawin para Mailigtas ang Babaeng iyon, Habang Naririnig ko ang Sigaw niya kasabay ng mga Latigong Lumalagitik, Parang Dinudurog ang Puso ko dahil Halata sa Boses niya ang Panghihina at Pagod na Nararanasan niya
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfic((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...