Chapter 36:

1.6K 54 5
                                    

Kathryn's POV

Noong nagising ako Hindi ko namalayang Nakatulog pala ako sa may Lamesa Kakareview ko para sa Quiz namin, Hindi ko na napigilan ang pagsara ng Talukap ng Mata ko, kaya Ngayon ay pupungas-pungas pa ako habang Nag-iinat at Isinara ko na ang Librong Nakatulugan ko

Anong Oras na ba? Namilog ang mga mata ko noong Nakita Kong 10:30 na pala ng Umaga, Agad Kong inilagay sa Bag ang Libro ko at Inipitan ko na ang Buhok ko para Hindi humarang sa Mukha ko ang Buhok ko

Napansin Kong Wala na Sila Nadine sa Kama kaya Alam kong nasa baba na sila. Agad akong bumaba dahil nakaramdam narin ako ng Gutom

Habang pababa ako ng Hagdanan Nakarinig ako ng Ingay sa may Likod Bahay, Parang Kakaiba yung tunog na yun, medyo weird Pero nakakarinig rin ako ng mga Nag-uusap...

"Siguro sila Nadine na yun, Pero ano namang ginagawa ng mga Wizard na yun sa Likod Bahay?" Sabi ko sa isip ko

"Anak, Tinanghali ka na ng Gising"

Sabi ni mama habang Lumalakad ako papuntang Kusina at Nakita ko siya na inaayos ang mga Pinagkainan

"Ahmm.. Napasarap lang po ang Tulog"

"Ah. Alam Kong nagreview ka pa kagabi, Sinilip pa kita bago ako matulog"

Naupo naman ako at kumuha nalang ng Kanin at Ulam dahil Naririnig Ko na ang tunog na Nililikha ng Tiyan ko

"Mama, Ano nga pala ang ginagawa nila doon?"

"Yung mga wizard ba ang tinutukoy mo? Tinuturuan kasi nila si Nadine na Gumamit ng Sandata"

"Sandata?... Ah, Para saan daw po iyon?"

"Para malaman ng Prinsesa Nadine ang kanyang Kakayahan at Sa tingin ko talagang Kailangan yun ng Prinsesa"

"Ahh... Mamaya nalang po ako manonood sa kanila kapag Tapos na akong Kumain" At agad akong Sumubo ng Kanin

NADINE'S POV

Sa Likod Bahay, Naririnig ko na ang Pagaspas ng mga Dahon mula sa matatayog na Puno,kasabay ng Ingay ng Paglalakad namin sa Malulutong na Dahon na nagkalat sa Paligid at Nararamdaman ko rin ang Sariwang Hangin na Dumadampi sa Balat ko, masasabi ko ngang Malawak ang Likod Bahay nila Kathryn at Halata namang Pangmayaman ang Lugar nila. Kahit may mga Kapitbahay sila, Malayo-layo ito at Nasasaraduhan ng Matataas na Haligi ang Bawat sulok ng lugar na ito kaya Wala talagang Makakakita sa amin

8:00 am ako nagising, pero mas Maaga pang nagising ang mga Wizard na ito, Pinanood ko muna silang Mag-ensayo at Nakita kong Magaling talaga sa Pakikipaglaban ang mga weird na ito

"Bakit ngayon ka lang nagising?"

"AY! IMPAKTO!" Nagulat ako dahil paglingon ko sa Kanan, mukha agad ni Reidario ang Nakita ko kaya Napaatras ako

"Bakit ba ang Dami mong tawag sa akin?"

"Nakakainis kasi yang Mukha MO!"

"Ano namang Problema sa mukha ko? Parang Hindi naman ako Mukhang IMPAKTO, Prinsesa ANTUKIN" nagpapacute pa ang Mokong na ito, pahawak-hawak pa siya sa Baba niya

"Hayst! Maghanap ka nga ng KAUSAP MO! akala mo naman kung sinong Gwapo hayst! Mas natatakot pa nga ako sa mukha niya eh"

GRABIII! ang Aga-aga pa para sirain niya ang Araw ko kaya Lumayo nalang ako sa kanya

"Saglit lang! PRINSESANG ANTUKIN!
... MARCUS! Tumigil muna kayo sa Pag-eensayo"

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon