Nadine's P.O.V.
Kinakati na talaga ako sa Pinturang nasa katawan ko dahil hanggang dito sa Mall pinagtitinginan parin ako at hindi ko na matiis na Center of Attraction ako
Pero habang papunta kami sa Fitting Room nakarinig ako ng mga Babaeng nagbubulungan
"Ano ba yan, hindi na siya nahiya sa itsura niya pero tignan mo yung kasama niyang Lalaki, Ang Gwapo" sabi ng isang babae "Oo nga, mas bagay siya sa akin"
Kaya sinabi ko kay James na Pupunta muna ako sa Cr para hugasan ang buhok ko at mga Braso ko
"Sige, Basta bumalik ka dito, Patay ka sa akin kapag hindi ka bumalik"
Malapit lang ang Cr kaya dumeretso agad ako sa lababo para banlawan ang ang buhok ko at Braso..
"Bakit pa kasi ako sumama sa lalaking yun, Ikaw kasi Nadine mabilis kang Masindak dapat ginamit mo sa kanya yung Tiger Mode mo" Habang kinakausap ang sarili sa Salamin
"Ang hirap, Hirap namang tanggalin ng Pinturang Ito, Ano kayang Pintura ang ginamit ng Mokong na yun" Kudkod dito, KudKod doon ang ginagawa ko sa Cr..
"Ang tagal mo namang Kausapin ang sarili mo" Nagulat ako dahil sumulpot nalang bigla sa labas ng Pinto si James
"Anong ginagawa mo dito, Hindi mo ba nabasang Girls ComfortRoom ito, Body Guard ba kita?"Naiinis na tanong ko sa Kanya
"Pumasok ba ako? Naandito lang naman ako sa Labas" habang nakasandal siya sa may gilid ng pinto
"Ewan ko sayo, Tamong ang Hirap hirap tanggalin ng Pinturang ito" Habang pinipiga ko ang Buhok ko at nilinis ko narin ang Eyeglasses ko dahil medyo may pintura din ito
Maya-maya may papasok na Babae sa Comfort Room at mukhang nagtataka siya kung bakit nakaharang sa may pinto si James
"Excuse me sir, Doon po yung Comfort Room ng mga lalaki"
Napansin kong LadyGuard pala siya ng Mall kaya natawa ako..
"Ahm. may hinihintay lang ako" sagot naman nito
"Sir, Doon nalang po sa may FoodCourt" sabi naman ng Ladyguard
Pagkatapos siyang sitahin tumingin muna siya sa akin "Nerd, Bilisan mo!" at agad na umalis..
more than 20 Minutes bago ko matanggal yung pintura buti nalang may Tissue sa Loob ng Cr para panuyo
"Oh! Ano? Are you done, Can't you make it Fast? Time is Gold" Sumulpot nanaman siya
"Hindi ka ba marunong maghintay? Ang hirap kayang tanggalin"
Pero sa hindi ko alam na Dahilan bigla siya natawa "O, may nakakatawa ba sa Istura ko?" tanong ko sa kanya
"Wala lang, Napansin ko lang, Mukha kang basang Sisiw" sabi nito habang natawa
"Che!mukha ka namang Engot" Sabi ko naman sa kanya
Lumabas na kami ng Cr at dumeretso kami sa Botique na Pinuntahan namin kanina para magsukat ng Damit at Habang papunta doon Naisipan kong magsuklay dahil mukha na akong Bruha
"Isukat mo ito, ito, ito" Sabay bigay sa akin ng mga damit na Nakikita niyang maganda
"Ang Dami naman nito" Sabi ko sa kanya
"Ako naman ang magbabayad diba?" Sabi niya sa akin
"Edi, IKAW!" pumunta na ako sa Fitting Room para isukat ang mga damit
JAMES' P.O.V
Napakatagal naman niyang magsukat ng Damit kahit kailan talaga napakabagal niya, Kanina sa Cr tapos ngayon sa Fitting Room, I Just want to make her Beautiful, As my Future Fake GirlFriend, Siya ang gagamitin kong pangganti sa Manloloko kong Girlfriend pero hindi ko pa nasasabi sa kanya, siguro mamaya ko nalang ipapaliwanag sa Nerd na ito kapag nasa sasakyan na kami
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...