CHAPTER 31:

1.4K 58 2
                                    

KATHRYN'S P.O.V

"Saglit lang... Nasasaktan na ako, BITAWAN MO NGA AKO! Tulong! Ano bang Ginawa kong masama sa inyo"

Hindi parin niya binibitawan ang Kamay ko kahit Nagpupumiglas na ako, Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya, Namumula na ang Kamay ko

"Sabing nasasaktan na ako... ANO BA!?" mas lalo pa niya akong Kinaladkad at Ipinasok sa isang Kwarto, Ibinalibag niya ako sa kama kaya napahiga ako pero umupo naman ako agad at Umurong sa Sulok ng Kama

"A-anong ginagawa natin dito? Sino ka ba talaga!?"

Tumingin ako sa Paligid at Napansin kong parang Garden na may Napakalaking kama at mga Gamit na gawa sa Halaman ang Kwartong ito, Maliwanag ang paligid pero Walang bintana, Ang mga Pader ang nagsisilbing Liwanag dito

"Napag-utusan lang ako" Ito lang ang Sinabi niya at Dahan-dahang lumapit sa akin, Masyadong Takip ang mukha niya kaya hindi ko makita ang Mukha niya

"LUMAYO KA SA AKIN!" umurong ako para makaiwas sa kanya pero lumalapit parin siya

"A-ANONG BINABALAK MO!? HUWAG KANG LALAPIT!" sabi ko sa kanya at Ibinato ko yung Unan na Nakuha ko pero nakakailag agad siya

"TULONG! TULONG! LUMAYO KA SA AKIN! TULONG!" sigaw ko pero hinawakan niya ako sa paa at Maya-maya nasa ibabaw ko na siya

Tinulak ko siya para lumayo siya sa akin pero hinawakan niya ang Dalawang Kamay ko, Nakita ko ang mga Labi niya na medyo pamiliar sa akin

Pumikit nalang ako at sumigaw "TULOOOONG!!!"

Napabangon ako sa kinahihigaan ko, Napansin kong Maliwanag na, Mukhang mahaba yata ang Tulog ko ngayon pero Linggo naman kaya Wala rin akong pasok

"Buti nalang panaginip lang iyon...pero parang may Posibilidad na Totoo ang mga sinabi ng Hari ng mga Demons O baka naman Niloloko lang ako ng Nilalang na iyon kaya hindi dapat ako maniwala...Pero Walang Sinabi si Mama tungkol sa tunay kong Ama... Baka naman...(Napahinto ako sa pag iisip) Huwag ka ng mag-isip Kathryn, PA-NA-GI-NIP lang iyon, OK? ok! Walang Totoo sa Panaginip" Sabi ko sa sarili ko habang kinakalma ko ang Sarili ko dahil napakabilis talaga ng tibok ng Puso ko

Pagtingin ko sa Orasan, Nakita kong 10:00 am na pala ng Umaga kaya Bumaba na ako para Kumain, Nadatnan ko naman si Mama na Nagtitiklop ng Damit sa Sala

"Oh! Iha, Gising ka na pala? Kumain ka muna dyan sa Kusina, Alam kong gutom ka dahil hindi ka kumain kagabi"

"Nagderederesto po kasi ang Tulog ko, Feeling ko po Sobra akong Pagod"

"Iha, Kung tungkol ito sa nangyari Kahapon..."

"Ma, Ok lang po ako at Hindi ko na po iyon iniisip, Ahmmm... Kakain na po muna ako sa Kusina"

Tumango naman si Mama at Dumeresto na ako sa Kusina para Kumain At Pagkatapos kong Kumain tinulungan ko si Mama na Maglinis ng Bahay, Nagwalis ako at Naghugas ng Pinggan

Inubos ko ang oras ko sa pagtulong sa Gawaing Bahay, Nagprisinta akong Magluto ng Tanghalian para hindi na ako Mag-isip ng mag-isip pero Tumulong parin si Mama sa pagluluto, Pagkatapos naming Kumain Ako narin ang Naghugas ng Pinggan

"Iha, Parang ang Sipag mo ngayon? Ganyan pala ang mga nagagawa mo kapag Naiistress ka, Parang gusto ko tuloy na lagi kang Stress" pagbibiro ni mama habang Pinupunasan ang mga Pinggan na Inaanlawan ko

"Mama Naman! Naguguluhan na nga po ako lalo na noong nanaginip ako tungkol sa..." Napahinto ako dahil Iniisip ko kung itatanong ko pa ba iyon kay Mama

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon