Chapter 23:

1.3K 57 0
                                    

Nadine's P.O.V.

"Reidario?" Napakunot noo ako habang nakalutang

"Ibaba mo siya" Utos ng babae na nakabihis ng magarang damit

"Ipagpaumanhin nyo ang nagawa ko pero siya po ang..." Hindi na naituloy ng Kamukha ni James ang sasabihin niya dahil nagalit yung babae "Ibaba mo siya!"

"Opo mahal na Reyna" napayuko ito at dahan dahan akong ibinaba

Naguguluhan parin ako dahil Hindi ako pwedeng magkamali, Siya si James ang pinakaEvil at Pinakamayabang na nilalang sa School namin, Ano ba Talagang Trip ng mga taong ito? Imposible namang nagpalit siya ng pangalan

"Iha, Ayos ka lang ba" nilapitan ako nung babae at Inayos ang buhok Kong Gulo-gulo

Tumango naman ako, Nakita Kong nakatingin sa akin yung lalaki "Patawad po Mahal na Prinsesa, Hindi na po mauulit"

"Mahal na Prinsesa? Saglit lang, Hindi Prinsesa ang pangalang ko, Nadine ang pangalan ko" sabi ko sa kanila

Nagkatinginan naman yung dalawa na parang sila lang ang nagkakaintindihan, Tumango yung Lalaki at lumabas ng kwarto

"Mawalang galang na po, Nasaan po ba ako ngayon? At bakit po nag-iba yung damit ko? Baka po kasi nag-aalala na sa akin si Mommy" sunod sunod na tanong ko

"Umupo muna tayo" sabi niya at Umupo kami sa Kulay Silver na Upuan sa paahan ng Kama

Nakita Kong maluha luha siya habang kinakausap ako "Napakalaki mo na... Noong bata ka palang Alam Kong Lalaki kang Isang napakaagandang Dalaga... Pasensya ka na talaga kung naiiyak ako" pinunasan niya ang pumapatak na luha sa mata niya

"Bakit po kayo umiiyak?Nagkita na po ba tayo dati?" Tanong ko sa kanya pero Tinignan niya ako at Hinawakan sa Pisngi

"Masaya lang ako, Iha kamusta na ang kalagayan mo? Ayos ka lang ba?" Taong ng babae

Hindi ko alam kung bakit parang ang Gaan ng loob ko sa kanya lalo na noong hinawakan niya ako sa pisngi.

"OK lang po ako, Gusto ko lang pong makauwi na, Baka po Nag-aalala na si Mommy sa akin"

Natahimik naman siya at Tumayo sa kanya kinauupuan "Hindi mo ako maiintindihan, Pero hindi ka maaaring Umalis dito"

"Mawalang galang na po pero hindi po ako pwedeng magtagal dito, Tatlong Araw na akong nawawala sa Amin baka nag aalala na si Mommy... Nasaan na ba yung Phone ko..."

Agad kong hinanap sa Paligid ng Kama ang Cellphone ko pero Wala naman doon, Sumagi sa Isip ko na baka Kidnapping ang nangyayari ngayon

Tahimik lang na nakatingin sa malayo yung babae at Tumingin siya sa akin noong natahimik ako "Iha, Hindi na ulit kita hahayaang mapahamak sa labas ng Wizardian Topia, Minsan ka ng Nalayo sa akin at hindi ko na hahayaang mangyari yun"

Mas lalo ako natahimik at dahan dahang umupo sa Kama, Aaminin Kong mas naguguluhan na ako sa mga nangyayari "Kilala... nyo po ba ako? Parang..."

Natigilan ako noong may Sinabi siya "Alam Kong naguguluhan ka pa ngayon, Pero Hindi ko alam kung ito na ang tamang oras para malaman mo ang Totoong pagkatao mo"

"Totoong pagkatao? Saglit lang po anong totoong pagkatao?" Napakunot noo nalang ako habang nakaupo parin sa Kama

Lumapit siya at umupo ulit sa tabi ko, Tinignan niya ako at hinawakan ang Mga kamay ko, Pumikit siya at Naramdaman ko na Sumakit ang Magkabila Kong Kamay, Parang Umiinit ito at Napansin Kong Umiilaw ang Braso ko, Kahit Long Sleeve ang damit ko Bakas ang Marka na Umiilaw sa Braso ko, Nakakamangha pero hindi ko maiwasang magtaka

Iminulat niya ang mga Mata niya at Agad na nagsalita

"Ang markang iyan, Ang Nagpapatunay na nagbalik na ang Prinsesa ng Kahariang Ito"

Binitawan na niya ang mga kamay ko pero hindi ko parin maialis sa paningin ko ang mga Braso ko, Nakakamangha ang Markang Lumitaw dito na hanggang ngayon ay Umiilaw parin

"So... Ako... Ako nga yung Prinsesa na tinutukoy nyo?"

Tumango siya habang nakangiti "Maligayang pagbabalik sa Tahanan mo, Mahal na Prinsesa"

Narinig Kong bumukas ang pinto at Nakatayo doon yung kamukha ni James, Napatigil siya noong Naaninag niya ang umiilaw kong Braso, Dahan-dahan siyang lumapit

"Siya nga ang Prinsesa" mahinang sinabi niya at kasunod niya ang 4 pang lalaki na hindi ko kilala

Nagulat ako noong yumuko sila sa harap ko "Maligayang Pagbabalik Mahal na Prinsesa"

Yung totoo? Pakikurot nga ako kung Totoo bang nangyayari ang mga Ito, Baka nananaginip lang ako...

AUTHOR'S NOTE

Pasyensya na po, Masyado na po akong Abala sa mga gawain, pero good luck nalang sa gingawa Kong Ito kung matatapos ko 😂

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon