DJ's P.O.V.
"Hindi parin siya Nagigising..." Sabi ni Clever
"Kathryn?... Namumutla na ang Labi niya"
"Hala, Ano nang Gagawin natin?" -Clever
Hindi ako mapakali dahil Wala paring Malay si Kathryn. Gusto kong Lumapit sa kanya pero Hindi ako sigurado sa Maaring Mangyari
Umalis lang ako saglit, tapos pagbalik ko Nadatnan ko siyang Nakahiga sa Damuhan habang walang Malay. Nakapalibot pa sa kanya ang mga Wizard na Nag-iisip ng Paraan para gisingin siya
"Marcus, Wala ka ba Talagang Alam na Pwede nating Gawin para magising ang Prinsesa?" Tanong ni Hilarious sa Kapwa Mandirigma niya
"Nag-iisip pa nga ako eh... Pero Ang nag-iisang Bagay lang na Alam kong Nakakapagpagaling sa amin ay yung sikat ng Araw" sabi ni Marcus
Hindi sumisikat ang Araw dito sa Dark Forest dahil Madilim ang Kalangitan dito na Nagdadala ng Ulan, Kulog at Kidlat. Kaya Posibleng ito nga ang Dahilan kung Bakit Nanghina si Kathyn
"Problema nga iyon kung Nagkataon, Hindi naman kasi Sumisikat ang Araw dito Dark Forest" -Hilarious
"Kailangan na nating magmadali, Ako na ang Bahalang Magdala sa Prinsesa" sabi ko sa kanila
Pero Bubuhatin ko palang si Kathryn, Agad namang Kumontra si Hilarious na Palagi namang UmeEpal kapag Lalapitan ko si Kathryn
"Hindi ako Papayag, Ako ang Mag-dadala sa kanya" sabi nito
"Mas Mapapadali kapag Ako ang Nagbuhat sa kanya, Dahil Kaya kong Lumipad"
"Paano kung Higupin mo nanaman ang Kapangyarihan niya kapag Nangailangan ka ng Lakas? Baka mas lalong Malagay sa Panganib ang Buhay niya"
"Alam mo! Ikaw, kanina pa ako Nagtitimpe sayo eh! Parang Gustong gusto mo na akong Palayuin kay Kathryn"
"Ginagawa ko lang iyon dahil alam kong Makakasama ka sa Prinsesa"
"Sumosobra na iyang Pananalita mo ah!"
Gusto ko na talaga siyang Gamitan ng Kapangyarihan ko pero Hindi ko pwedeng Gawin yun para Magawa ko pang Hawakan si Kathryn nang hindi ko Nahihigop ang Kapangyarihan niya
"TUMIGIL NA KAYO! Sa Tingin nyo ba Matutuwa ang Prinsesa kapag Narinig niya kayong Nag-aaway? Nasa panganib na nga ang Buhay niya mas Inuuna nyo pang Magsagutan!"
Naririndi na siguro si Clever kaya Agad na siyang Nagsalita. Pero may Punto naman siya sa mga Sinabi niya, Hindi ko na dapat Pinatulan ang Hilarious na ito
Nilapitan ako ni Steeve para Kausapin "Sigurado ka bang Hindi mo Hihigupin ang Kapangyarihan ng Prinsesa?"
Tumango nalang ako
"Huwag mong Sabihing Pumapayag ka sa kanya, Steeve?" Pagkontra nanaman ni Hilarious
"Alam naming Ikaw ang Nagsisilbing Pinuno namin ngayon pero mas Mapapadali kung si DJ ang magdadala sa Prinsesa" sabi ni Clever
"Magtiwala nalang Tayo sa kanya" -Marcus
Tinignan ko sila, Bago ako Lumapit kay Kathryn. Inalalayan ko muna ang Ulo niya para Hawiin narin ang Buhok na nakaharang sa kanyang Mukha
Naging Blonde ang kanyang Buhok pero Nakikita ko parin sa kanya ang Kathryn na Kilala ko. Mas Lalo siyang Gumanda at mas Lalo kong Hindi matanggal ang Paningin ko sa kanya.
Dahan-Dahan ko siyang Binuhat at Hinanda ko na ang Pakpak ko sa Paglipad. Nakita kong Masama ang Tingin sa akin ni Hilarious pero Hindi ko nalang siya Pinansin.
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfic((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...