Kathryn's P.O.V.Lumipas ang Dalawang Araw na nasa isang Kwarto ako at Binabantayan nila Hilarious. Gusto kong Hanapin si DJ at Ibalik siya sa Mundo ng mga tao, Baka sakaling, kapag nakabalik siya sa mundo ng mga Tao bumalik narin siya sa Dati.
Infairness sa Kwartong Kinalalagyan ko ngayon, Ang Cute ng mga Design ng Bawat Furniture. Prinsesang-Prinsesa ang Dating ko dito, Kahit Hindi Kalakihan ang kama na may Kurtina sa Uluhan, Mas Feel na Feel ko ang Kulay ng Kwarto na NakakaRelax sa Mata.
Maya-maya Narinig kong may Pumipihit ng Doorknob kaya Agad akong umayos ng Higa ko at Nagpanggap akong Natutulog.
Naramdaman kong Bumukas ito at Naririnig ko narin ang mga Yabag na Nililikha ng Dalawang Wizard. Si Hilarious at Steeve lang naman ang Palaging nakabantay sa akin.
"Nagtutulog-tulugan nanaman siya, Ikaw na ang Kumausap dyan" boses yun ni Hilarious
"Saglit lang, Saan ka Pupunta? Kailangan nating Makumbinse ang Prinsesa na Pumunta sa Reyna" -Steeve
"Hindi naman yan Susunod, Kaya ayaw ko sa mga Babae eh! Masyadong Maarte" -Hilarious
Naramdaman kong May Pumasok ulit sa Kwarto
"Tulog siya?" Boses yun ni Clever
"Nagtutulog-tulugan lang yan, maniwala kayo sa akin" Tumagilid ako habang Nakapikit parin
"Paano mo ba nasasabi ang mga iyan? Malay mo Tulog talaga siya" boses naman ni Marcus
"kumukurap-kurap kasi yung Mata niya at Imposibleng Maayos siyang Matulog, Napansin ko kasing Malikot siyang Matulog tuwing gabi" sabi ni Hilarious
Hindi kaya ako malikot matulog, Dipende lang kung Namamahay ako.
"Siguro palagi mong Pinagmamasdang Matulog ang Prinsesa kaya Alam na Alam mong Hindi siya Natutulog ngayon noh?" boses ni Marcus
"A-ano b-ba yang p-pinagsasabi mo? Malakas lang ang Pakiramdam ko sa mga Ganyan"
"Kunyari ka pa, Ayaw mo nalang Aminin" pang-aasar ni Steeve
"Tigilan nyo nga ako!"
Ipinikit ko ng Mariin ang Mata ko, Kailan ba sila aalis ng Kwartong ito? Hayst! Hihintayin nanaman nilang Magising ako
Naisipan kong Bumangon at Sinamaan ko sila ng Tingin
"Sabi ko sa inyo Nagtutulog-tulugan lang yan eh" sabi ni Hilarious kaya Siniko siya ni Steeve na Katabi lang niya
"Paano ako makakatulog kung ang iingay nyo?!"
"Patawad po mahal na Prinsesa" sabi ng Tatlo pero tahimik lang si Hilarious
"Ipinapatawag po kayo ng Mahal na Reyna, May mahalaga po siyang sasabihin sa inyo" Sabi ni Clever
"Sige, Susunod na ako" pagkasabi ko nun agad silang Yumuko ng Bahagya at Lumabas ng Kwarto
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...