Thank you. You may now read.
*****
PRECEDENCE
"Kumusta ang publishing company na pinagtatrabahuan mo?"
Napatingin ako kay Mom at Dad na kasalukuyang nag-uusap. Umakto ako na umiinom ng kape habang nagbabasa ng magazine na para bang nasa isang live advertisement ako. Maigi akong nakikinig sa pinag uusapan nila.
"So far, okay naman. Better than before where I had been intensively rotten in hell."
Palihim akong nagkagat labi. Buti naman at nakapag resign na si Dad sa trabaho niya. Mapanlinlang ang mga namumuno sa kompanyang pinagtatrabahuan ni Dad noon. They don't deserve the trust and fidelity that Dad has lithely lavished to them.
Dalawang taon nang lumipas iyon. Alalang alala ko pa kung paano unti-unting kinunan ng buhay si Dad. Ang Diyos na mismo ang gumawa ng paraan para bigyan siya ng ikalawang buhay. Ikalawang buhay para mabuhay. Ikalawang buhay para mabigyang hustisya ang lahat. Ikalawang buhay para tugisin ang mga taong muntik nang pumatay sakanya.
Napakuyom ko ang kamay ko. That company will be thrown on Satan's pandemonium sooner ahead. They deserve a wicked place more than anything else. They deserve to bunk in a stagnant and miserable place like hell.
"Mom! Dad!"
Napatingin ako sa bandang pintuan. Si Kuya Henrix lang pala. Napakunot noo ako nang maisip na ang aga niyang umuwi gayong mamaya pang gabi ang off niya sa trabaho. Nilapitan niya sila Mom at Dad.
"Hi, Mom. Hi, Dad."
Hinalikan niya ito sa pisngi. Nagmano rin sya at maatim na luminga linga sa paligid nang mahagip nya ang tingin ko.
"Ba't ang aga mong umuwi?"
Humalukipkip na tanong ko. Tumawa siya at nilapitan ako. Bahagya niya akong bineso at niyakap. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Mas lalong lumapad ang ngiti niya.
"Ayaw mo talagang nandito ang Kuya mo no?" Tanong niya at tumawa. Tinapik niya ang balikat ko at umiling iling.
"Ask yourself."
Ayaw ko talaga andito ang kurimaw na ito. Palagi nalang akong inuutusan niyan e'. Para bang walang mga yaya sa paligid e', nandiyan naman sila palaging nakabuntot sakaniya. It seems like this is his daily default deed just for me to show out a despicable frown infront of his filthy face.
"Bakit nga pala ang aga mo anak?"
Tanong ni Dad sakaniya. Umiinom rin ng kape si Dad.
"May business meeting kasi 'yung manager namin sa new clients na dadating sa among kompanya this Saturday."
Sabi ni Kuya. Kinuha niya yung apple pie sa plate na nakahain sa mesa. Nanlaki ang mata ko. Napamura ako sa aking isipan nang akma na niya itong ilalamon sa bibig niya.
"Hoy, akin 'yan! Kapal ng mukha mong agawin ang pie ko!"
Nanlaki ang mata niya nang makitang parang umuusok ako sa inis. Bahagya lang niyang iniwas ang kamay niyang may hawak sa pie ko at tumawa na siyang nagpakulo bigla ng aking ulo. Ikinasaya niya talaga na inisin ako ng ganito.
"Mayroon pa naman doon sa loob ng refrigerator anak. Kumuha ka nalang."
Ani ni Mom sa akin. Napabuga ako ng hangin. What a disbelief! Sana talaga hindi nalang umuwi ang mokong na ito. Sakit sa ulo e. He really has this nerve-wracking attitude that could instantly provoke my head in just a fleeting matter of time.
Nakita ko ang pagkindat niya sakin habang tumayo ako. Inirapan ko nalang sya at nakahalukipkip na pumuntang kusina. Narinig ko pa syang bahagyang tumawa. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng pie sa refrigerator. Bumalik ako na dala ang isang malaking package nito. Napatingin sa akin si Kuya Henrix. Inirapan ko lang siya.
"Anak, hindi ba may preparation kayo ngayon para sa Xavier University Festival?"
Ani ni Mom. Umupo ako sa tabi ni Dad. Humalukipkip ako. I bit my lower while trying to wriggle and weigh the some thoughts inside my mind. Oo nga pala. May preparation ngayon para sa Xavier University Festival. I almost forgot due to the reason that I have been spacing out lately. Muntik ko ng makaligtaan na isa ako sa mga kasapi ng production committee.
"Tinatamad ako, Mom."
I despondently sighed out of cognizance and lazily crossed my arms around the chest. Napatingin naman ako kay Kuya na kasalukuyang naglalagay ng juice sa baso niya.
"What the hell is that, my dear sister?"
Asar na tanong Kuya habang ngumingiti. Mas lalo akong humalukipkip at tinignan siya ng seryoso. This man is interjecting conversations out of his own purpose of making me madly insane. Bumuntong hininga si Mom.
"Pumunta ka na, Quen."
Biglaang pagpayo ni Dad sa akin kaya napalingon ako sakaniya. Alam na alam talaga nila na certified tamad ang ugali ko. Natigilan ako nang humagalpak ng tawa si Kuya. Ang hilig talaga mang asar ng taong ito.
"Nga pala, bukas na ang kasunduan sa korte."
Singit ni Dad. Nakita kong may tinitignan siya sa phone niya. Natigilan ako. Bukas na pala? I thought that case needs more set of testimonials before we can proceed to the court?
"Well, you have to be there, Drin."
Ani ni Mom at tinapik ang balikat ko. Tumayo ako. Kailangan ko nang pumunta ng Xavier University. Kailangan ako doon.
"Sure, I will be there. I'll be the witness of my father's case."
Malamig na sabi ko at umalis na doon upang magtungo sa kwarto. I don't know why I feel so unbearably listless whenever we converse about case. I hate Shikibara Company. Walang kasalanan si Dad. Muntik na nga nilang mapatay yung tao e. Ano pa bang kailangan nila? Pwede namang i-urong ang kaso, ha? Bakit pa kami aabot sa ganito?
Umupo ako sa kama at hindi namalayang may lumandas na palang luha sa pisngi ko. I've been too traumatized the day the crime happened in front of my own vision.
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
General FictionStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...