MANUAL START UP: PART 4
Lalapit na sana ako nang hinawakan ng mga lalaki ang kamay ko. Nagpupumiglas na naman ulit ako.
"Bitawan niyo ako!"
Singhal ko. Pinilit kong lapitan sinDad pero masyado silang malakas para hawiin sila palayo sa kinatatayuan ko.
"Not that fast, honey."
Ngumisi si Mr. Okinawa. Nabigla ako nang nagpaputok sila ng baril sa kawalan. Napatakip ako ng tainga at nasulyapan nalang na pinaulanan nila ng suntok at sipa si Dad. Marami silang nakapalibot at kitang kita ko ang pagbuga ni Dad ng dugo. Napamura ako sa aking nasaksihan at para akong hinugutan ng hininga.
"Dad! Tigilan niyo 'yan! Wag niyo siyang saktan!"
Tuloy tuloy na ang pagbagsak ng luha ko habang nagpupumiglas ng hawak sa tatlong lalaki na nakahawak sa akin. Umigting ang bagang ko nang makitang tumatawa lang si Mr. Okinawa. You should die, old hag.
"Hayop kasi ang Lolo Esmerald mo e, nilugi pa ang kompanya namin noon, kaya nabaon pa kami sa utang at paghihirap. Oras na para maghiganti ngayon. Sisiguraduhin kong kayo naman ngayon ang mamamatay sa hirap. Namatay ang asawa ko dahil sa paghihirap namin! Dahil sa kasamaang ginawa ng Lolo mo gamit ang kompanya niya! Pareho pareho lang kayong masasama! Ang dapat sainyo ay manalaytay sa impyerno!"
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang labi sa aking narinig. Tama ba ang pagkakarinig ko? Bakit nasali si Lolo Esmerald sa usapan?
Matagal nang patay si Lolo Esmerald at matagal naring wala ang kompanya niya. Ni isa hindi ko narinig o nasaksihan man lang na nagkaproblema sa kompanya ni Lolo. Anong bankrupt ang pinagsasabi niya? Talagang sinisi pa nya si Lolo sa pagkamatay ng asawa niya. Hindi ko alam na ganito pala kasama ang ugali ng Hapones na ito. Naguguluhan na ako dito.
"Shut up!"
Singhal kay Mr.Okinawa kaya natigilan sya at kumuyom ang panga. Napalingon ako kay Dad. Halos marami nang pasa at galos ang buong katawan niya lalo na ang kanyang mukha. Napahiyaw ako dahil sa emosyong nararamdaman ko.
Marahas akong pumiglas sa mga lalaking humawak sa akin. Kinagat ko ang kamay ng isa kaya napabitaw siya. Hinigit ko ang tsansang sipain sa gitna ng hita ang isa pang lalaking nakahawak sakin.
"Hawakan niyo siya!"
Umalingawngaw na sigaw ni Mr.Okinawa. Halatang galit na galit siya. Mukha wala na akong kawala dito. Masyado silang marami. Delikado rin dahil may hawak silang armas. May isang lalaki ang sumalubong sakin para hawakan ako ngunit tinabig ko ang kamay niya at malakas na sinuntok ang mukha niya.
Pinalibutan narin ako ng mga lalaking katulad nya na may armas na bitbit. Hindi nagpatinag ang lalaki. Bumunot siya ng baril sa bulsa niya at itinutok sakin. Nanlaki ang mata ko. Nakita ko rin ang pagdugo ng labi niya dahil sa pagsuntok ko sakaniya.
"Fuck! Craig wag mong gawin iyan!"
Sigaw ni Mr. Okinawa. Akma na sana akong babarilin nang may nagtakip sa mukha ko gamit ang panyo na katulad rin ng sa kay Dad.
Nagdilim agad ang paligid ko sa aking paningin ngunit bago ako mahimatay nahagip pa ng mata ko ang tatlong putok ng balang kumawala sa baril na tumama sa kanang paa ni Dad. Doon na ako tuluyang nawalan ng malay.
END OF FLASHBACK
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
Fiksi UmumStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...