Kabanata 71

53 8 0
                                    

MEMORIES

"Daddy, para saan ito?"

Nabigla ako nang may inabot na envelopes si Daddy sa akin dito sa sala habang nanonood ako ng Allegiant. Nag angat ako ng tingin at nakita si Daddy na inilipat sa ibang channel ang flatscreen.

"Invitation letter sa engagement nila Hannah at Henrix ngayong Linggo. Hannah told me to give also these two letters to Ruther and Tyler."

Sabi ni Daddy at bahagyang lumapit sa pwesto ko atsaka inabot ang dalawang invitation letter sa akin. Kumunot naman ang noo ko at tinignan iyon.

"Pero bakit ako? Pupuntahan ko ba sila sa mga bahay nila?"

"Yes." Aniya.

Nagkasalubong ulit ang kilay ko. Bakit ako?

"E' diba Daddy bawal ako lumabas ng mag isa?"

Tanong ko. Matagal na akong pinagbabawalan ni Daddy o kahit sinong taong malapit sakin na lumabas ng bahay na mag isa.dahil sa kondisyon ko. Even if I'm a little bit recovered from the amnesia, iyon pa rin ang palaging tagubilin sa akin ng doktor. I'm always praying for a lifetime recovery.

I don't want to suffer anymore.

"I thought you don't go alone somewhere like Xavier University or whatsoever. Tyler told me. You're okay with it, right? Sandali lang naman."

Kumalabog naman ang puso ko. That Tyler! Sinabi niya pala kay Daddy na pumunta ako sa Xavier U nang mag isa?

Bumuntong hininga ako at tinanggap ang invitation letter.

"Okay fine, I'll give these to them later." Sabi ko.

"Sige, aalis muna ako. I have my duty hours by now."

Sabi ni Daddy at kinuha ang kanyang wallet sa gilid ng flatscreen. Inabot ko rin ang kanyang phone sakanya na nasa gilid ng sofa na kinauupuan ko.

"Sure, bye. Love you."

Sabi ko at hinagkan siya sa pisngi.

"Love you too. Mag iingat ka mamaya."

Sabi niya at tumango atsaka lumabas ng bahay. Tumayo ako sa sofa at kinuha ang phone sa bulsa ko. Tinawagan ko ang sim number ni Ruther. Dalawang beses itong nag ring saka ito nasagot.

"Ruther, where are you?"

Pambungad ko agad.

"Quendrin.."

Rinig kong sambit ni Ruther. Naglakad ako papaalis doon sa sala at pumunta sa kwarto. Bahagya kong napagtanto ang tinig sa boses ni Ruther.

"Kagigising mo lang ba?"

Kunot noo na tanong ko. Tinignan ko ang wristwatch at nakitang alas diyes y media na ng umaga. Matagal ba siyang natulog kagabi?

"Actually nagising ako sa tawag mo. But, it's okay. Ano nga pala ang sadya mo?"

Napapaos na boses aniya. Umupo ako doon sa kama at idinikwatro ang paa. Pakiramdam ko inaantok ako sa boses ni Ruther.

"I just wanna give you the invitation letter of Ate Hannah and Kuya Henrix para sa engagement party ngayong linggo."

Sabi ko at humikab. Tinignan ko ang mga invitation letters na hawak ko ngayon. Maganda ang pagka-disenyo ng envelope. Kulay maroon ito at napapalibutan ng mga guhit-porselana.

"Saan ba gaganapin?"

Tanong niya. Binuksan ko ang isang letter at nakita ang venue roon. Umangat naman ang gilid ng aking labi.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon