EQUITY
"Quendrin... Quendrin.."
Naaalimpungatan ako ng may humaplos haplos sa ulo ko. Napadilat ko ang aking mga mata at nakitang si Ate Hannah iyon. Natigilan ako at pinikit uli ang mga mata taPs dumilat na naman. Nakangiting pinagmasdan niya ako. Hindi ako makapaniwalang nakapasok siya dito sa kwarto ko.
"Hindi ka pa ba gigising? Ngayon ang Fair niyo, hindi ba?" Sambit niya na ikinalaki agad ng mga mata ko.
"Crap."
Napamura ako sa sarili at agad na bumangon sa kama. Umupo ako at bahagyang narinig ang tawa ni Ate Hannah sa gilid. Tinignan ko ang wristwatch at nakitang malapit na mag alas nuebe. Nasulyapan ko si Ate Hannah na umiling iling at tumayo na roon.
"Mag ayos ka na. Isang oras nalang ang natira at magsisimula na ang fair. "
Sambit niya at hinagisan ako ng tuwalya. Natigilan ulit ako ngunit agad na nag angat ng tingin sakaniya .
"Anong oras ba magsisimula? 10AM?" Obviously, Quendrin. Tumawa siya.
"Exactly, kaya maligo kana at kumain para makaalis na tayo. Sasabay ka ba sa amin ng Kuya mo?" Sabi niya.
"May pick-up ba?"
Tanong ko at napahaplos na lamang ng mukha. Inaantok pa ako. Bandang ala-una na ng madaling araw na ako nakatulog kanina dahil tinapos ko pa 'yung proofread na ipapasa ko kay Sir Oldivas mamaya para sa Fair. I need to double time.
"Gusto mong mag school bus?"
Natatawang ani ni Ate Hannah sa gilid habang naglalagay ng pulbo sa mukha niya sa harap ng salamin. Tumayo ako roon sa kama at inayos ang dalawang comforter na nakalatag doon. Pakiramdam ko wala akong gana ngayon.
"No, Ate Hannah. Commuting is better. I just thought maybe someone used the car. Probably, si Dad."
Wala sa sariling sabi ko. Humagikhik lang siya at pinagpagan ang damit niya na napaulanan ng pulbo. Naglakad ako papuntang bathroom ng aking kwarto at pinaandar 'yung ilaw.
"No. I just saw a MUX outside your house. Gagamitin natin ang sasakyan ng Kuya mo kung sasama ka sa amin."
Sambit niya. Tama ang hinala ko. Baka trip na naman ni Dad ang bumili ng sasakyan ngayon. Tapos wala rin namang gagamit. Standby mode. Lalo na at wala pa siya dito sa Cagayan de Oro. Dad loves purchasing cars too. Iyon ang namana ni Kuya Henrix sakaniya . Even those latest released cars, talagang pagkakaguluhan nila iyon. Magkasundo talaga silang dalawa. Minsan nga nakikipaghamon pa itong si Dad sa field race doon sa Rafters Philippines. But they'll eventually cancel the deal afterwards. They don't love sports.
"Umuna na kayo ni Kuya Rix. Susunod na ako." Mahinahong sabi ko at isinuot ang kapares na sandals sa tapat ng cabinet.
"Sigurado ka?" Tumango lamang ako at humikab.
"Dalian mo. Madami ka pang routines na kailangang gawin. Kakain ka pa." Sambit niya.
"I'll hurry." Sabi ko at pumasok sa bathroom.
"Sige, alis na ako. Text me kung nasa XU ka na." Sambit niya at pinihit ang pinto pabukas ng kwarto ko.
"Text me then if the program has already started." Mahina kong sabi. Taas kilay niya akong nilingon. Tumawa na lamang ako at umiling iling.
"Dalian mo!"
Natatawang sabi niya 'saka tuluyang lumabas roon. Ilang minuto akong nagbabad sa bathroom at naligo. Ang PE shirt at jogging pants ng school namin ang isinuot ko. Mas komportable ako dito kaysa sa uniporme. 'Saka wala namang kaso doon dahil Fair ang pupuntahan namin. Agad rin akong bumaba ng hagdan pagkatapos magsuklay ng buhok. Nadatnan ko si Mom sa sala na may kausap sa phone niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/70461449-288-k868951.jpg)
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
General FictionStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...