Kabanata 50

56 9 0
                                    

BEG OR BURY

Umupo ako sa bench. Tumabi sa akin si Mr. Okinawa. Pinasadahan ko ng tingin ang field. Halos kaunti lang ang studyante sa paligid. May mga naglalaro naman ng soccer doon sa gitna.

"Quendrin."

Taas-baba ang dibdib kong lumingon kay Mr. Okinawa. Nakita ko ang mukha niya na para bang may kailangan siya sa akin. Mas lalo akong kinabahan.

"Ano po 'yung pag uusapan natin?" Kaswal na tanong ko.

I didn't bother to smile. Tinitigan ko ang mga mata niya. Hindi ko alam ang nilalaman non. Pero pakiramdam ko pamilyar sa akin ang mata niya. Ngayon ko lang siya natignan ng ganoon kalapit.

"Gusto ko lang humingi ng tawad saiyo sa lahat lahat ng nagawa ko. Gusto kong humingi ng tawad saiyo dahil sa nangyari at sa pamilya mo." Aniya.

Natigilan ako. Hindi ako makapaniwala na sinasabi niya ito sa harap ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang nakakaya niyo pa itong sabihin sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sa tuwing naalala ko ang nangyari noon, galit at poot parin talaga ang nararamdaman ko sakaniya. Hindi madali ang pinagdaanan ni Dad noon. Apektado ang buong pamilya namin. Simula sa aksidente at mga laban nila sa korte? Nadedemonyo ang isip ko tuwing naalala ko iyon. We deserve justice but all they did was to block our sight and enshroud everything as a cruel prejudice.

But then, past is past, I should learn to get over from it. Maayos na ang lahat. Nagkaayos na sila ni Tyler sakabila ng ginawa niya. Tapos na ang lahat at wala na akong balak lumaban pang muli. Ayaw kong hadlangan ang gulo na natapos na kahit alam kong hindi pa rin natatahimik ang kaluluwa ko hanggang ngayon.

"Past is past, Mr. Okinawa. Maayos na ang lahat. Napatawad ko na po kayo. Ang importante nagkaayos na rin kayo ni Tyler."

Sabi ko. Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. Maya maya pa'y nag-iba ang aura niya at idinapo ang tingin sa kawalan. Nagbuntong hininga siya.

"Sana nga.." Mahinang aniya.

"Huh?"

"Sana nga magkaayos pa kami."

Natigilan ako sa sinabi niya. Halos mapasinghap ako sa gulat nang nilingon ako ni Mr. Okinawa na nangingilid ang luha sa mga mata niya. Bigla akong kinutuban ng masama sa hindi malamang dahilan.

"Po? Akala ko ba nagkaayos na kayo?"

Naguguluhang tanong ko. Nag angat siya ng tingin sa akin at umiling. What?

"But Tyler told me na nagkaayos na kayo."

Bahagyang tumaas ang boses ko sa sinabi niya. It's impossible. Is he kidding me? Nakita kong nagtiim-bang si Mr. Okinawa. Inatake ako ng kaba.

"He said that?" Aniya.

Kunot noo akong tumango. Pakiramdam ko parang may mali dito. Pakiramdam ko parang may hindi tama.

"Damn it."

Mura ni Mr. Okinawa at napahaplos ang mukha. Naguguluhan ako. Walang akong naiintindihan ngayon. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Na hindi totoo ang sinasabi ni Tyler sa akin?

No! That's freaking impossible!

"I never teached him to lie like this. Kailan niya ba ako mapapatawad? Hindi porket Madriza na siya— damn it. I know he is still mad at me because I never agreed to change his surname. Oh come on, may karapatan pa rin ako sakanya. Nasa sainyo na siya pero ganito pa rin ba?"

Halos lumuwa ang mata ko ng makitang tuloy tuloy ang pag agos ng luha ni Mr. Okinawa patungo sakaniyang pisngi. I never seen any man crying like this. Ni hindi ko pa nga nakitang umiyak si Dad. Pakiramdam ko may biglang gumuho sa aking sistema. His tears are true.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon