Kabanata 44

68 10 0
                                    

HOME VISIT: PART 2

Nagbuntong hininga ako ng mapansing marami pala talagang apartment rito. I don't know kung bahay pa rin ba tawag dito dahil sa mga itsura nito. Parang angat-moderno talaga. Kinuha ko ang phone sa aking bulsa at binuksan ang aking SMS. Naalala ko yung block number na binigay sa akin ni Tyler.

"Block 24. "

Sambit ko. Nag angat ako ng tingin at nagsimulang naglakad para hanapin ang bahay ng Tito ni Tyler. Masyadong tahimik ang lugar na ito at walang katao-tao pero bawing-bawi naman sa ganda at kalinisan.

Tumungo ako sa isang malaking bahay na may mailbox sa gilid. Nakita kong may block number na nakasulat sa gilid ng bintana. Naiiba yata ang bahay nito dahil walang gate.

"Block 13."

Ngumuso ako at naglakad papaalis roon. Naglakad pa ako sa unahan. Baka malapit na ako. Natigilan ako sa paglalakad ng makitang may apat na lane pala rito. Damn! Saan ako dadaan?

"Kaliwa, kanan, o straight lang?"

Tanong ko sa sarili. Napahaplos ko ang mukha ko at tumungo ulit sa aking phone. Dinial ko ang number ni Tyler. Hindi pa nag ilang minuto ay agad niya itong sinagot.

"Hello?"

Nagitla ako. Malumanay ang boses niya. Ngayon pa ba siya nagising? Sinulyapan ko ang wristwatch ko at nakitang alas dies y media na.

"Tyler, saan ba ang inyo? May apat na la—"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang nag call ended 'yung tawag. Kunot noo akong napatingin sa aking phone at mahinang napamura. Deadbattery na pala ako.

"Damn."

Pabagsak kong nilagay sa bag ko ang phone. Nagbuntong hininga ako.

"Bahala na nga!"

Ani ko at naglakad. Lumiko ako sa kaliwa at nagtungo sa isang malaking bahay na may gate. Lumapit ako roon.

"Kung malayo ang numero, babalik ako roon sa pinanggalingan ko."

Ani ko sa sarili. Tinignan ko ang block number.

"Block A- 21"

Umangat ang gilid ng aking labi. Paniguradong nandito lang iyon. Binilang ko ang bahay na nasa gilid nito.

"Kung ito 21. Edi 22 yung katabi... Iyon naman ay 23... tapos.."  Ani ko habang tinuro turo ang katabing mga bahay.

"Gotcha. 24."

Naglakad ako sa unahn at nilapitan ang malaking bahay na may gate. Ito na siguro yung bahay nila. Lumapit ako at nakitang iba ang numero kumpara sa inaasahan ko. Kumalabog ang aking dibdib.

"Block A- 249"

Nanlaki ang mata ko. Bakit ganito? Baka nagkamali na naman ako? Bakit 249 ang laking numero non. Goodness. I'm lost. Naglakad ako paatras at humarap doon sa daanan ng biglang may bumusenang kotse sa likuran ko.

Halos mapatalon ako at lumabas ang aking puso sa gulat. Kunot noo akong tumingin sa likuran at handa na sanang singhalan ang muntikang makabangga sa akin. Ilang metro lang ang layo mula sa akin.

"Hey, are you nuts? Bakit ka humaharang-harang dito sa daanan? Paano kung nasagasaan kita? Mamomroblema pa ako sa katangahan mo!"

Nanlaki ang mata ko ng makitang may lalaking lumabas sa kotse. Naka shades ito at galit na humarap sa akin. Halatang kasing-edad ko lang ito. Aba! Siya pa itong may gana akong sigawan!

"Hey! Ang lakas yata ng tama mo, ano? Anong harang harang iyang pinagsasabi mo? E' ikaw kaya itong biglang bumusina sa akin! 'Saka isa pa hindi ako tanga. Kapal. Ang laki ho ng daan oh!"

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon