Kabanata 63

54 8 0
                                    

NEW BEGINNING

Tatlong taon ang lumipas. Marami ang nangyari. Marami ang nagbago. Marami ang nasaktan sa nangyari noon. Marami na rin ang nakabangon. Marami na rin ang nag umpisa pero ang iba'y nanatili pa. Tila ba patuloy pa silang hinahabol ng bangungot sa nakaraan.

Hindi naging madali ang mga araw na lumipas sa loob ng tatlong taon. Parang sa isang iglap nagbago na ang lahat. Para bang sa isang iglap nabago ang nakaukit sa tadhana. Iba na ang naging takbo ng buhay naming lahat.

I still remain. Sa Bellvue pa rin ako nakatira kasama si Tito Harvey. Walang nagbago sa akin. Walang nagbago sa pamumuhay ko. Walang nagbago sa nararamdaman ko kay Quendrin. Walang makakapagpabago sa nararamdaman ko sakanya. Lumipas man ang ilang taon, alam kong sakaniya at sakaniya pa rin ako babalik. Sakaniya lang ang puso ko. Sakanya lang ako ng buong buo.

Madalas ay bumibisita rin ako sa City Hall Jail para bisitahin si Dad. Lumipas ang tatlong taon ay natutunan ko na rin siyang patawarin sakabila ng lahat ng ginawa niya sa pamilya ni Quendrin. I could not even believe na para lang kaming pinagpalit. Quendrin's biological is my ex-father and vice versa. Iba nga lang ang sitwasyon. Iba ang nangyari. Mas malala ito. Pinakamalala.

"Tyler, how about going back to Italy this Christmas break? I'm sure Stacey misses you."

Napalingon ako kay Tito Harvey na kasalukuyang nagsusuklay ng buhok habang nakaharap sa salamin. Bumuntong hininga ako at inayos ang collar ng tshirt ko.

Stacey has been my friend for almost one year. Siya ang una kong naging kaibigan doon sa Italy. She's a kindhearted and an amiable person evers since nalaman kong mag kapitbahay lang pala sila ni Tito.

"I miss her too. But Tito, how about Dad? I can't leave him here."

Nilingon ako ni Tito. Nakita kong natigilan siya. Inilapag niya ang suklay sa ibabaw ng cabinet at nilapitan ako.

"Makakalabas naman siya roon 'diba?" Tanong ko. Tumango ako.

"Magkakaharap-harap pa ulit sa korte kung walang mag aareglo ng kaso niya." Sabi ko.

Kinalabit ni Tito ang balikat ko. Nag angat ako ng tingin. Tipid niya akong nginitian.

"I'm sure makakalabas siya. Maybe in summer, maayos na ang lahat ng ito. Time will heal all wounds, Tyler. We just need to be patient." Ani Tito.

Tama siya. Hindi madali ang pinagdaanan ng mga taong nabiktima ni Dad lalo na sila Quendrin. Wala silang kamalay malay sa ginawa nito. But I guess, when it's meant to be revealed, it's also meant to be healed. Alam kong maaayos rin ang lahat ng ito.

I never thought that Dad Steve had an attitude like that.

"Ask permission to him kung pwede ka bang mag Christmas Vacation sa Italy. Mga theee days lang naman tayo doon." Sabi niya.

"How about two weeks? Para naman makapag bagong taon rin tayo doon." Apila ko.

"Well, that's more than great!" Aniya.

Tumawa si Tito at umiling iling. Inayos ko ang aking buhok at naglagay ng gel. Kinuha ko ang aking phone sa drawer.

"Sige, alis muna ako. Aayusin ko ang mga papeles para sa temporary leave." Ani Tito.

Tumango ako. Tinapik niya naman ang balikat ko atsaka siya nagpaalam na umalis na. Naglakad ako patungong veranda. Biglang tumunog ang phone ko. May tawag galing kay Stacey. Pinindot ko muna ang loudspeaker atsaka nagsalita.

"Hello?"

"Tyler! My god, I miss you so much! Kumusta ka na? It's been awhile since we had a conversation."

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon