Kabanata 33

73 9 0
                                    


STRIPPED

"Actually, those triplets are not just good in looks yet also on their innermost attributes. I think less than a percent. Nakakatakot ang mga iyan pero kaya pa rin tunawin ng mga mata natin."

Napabuga ako ng hangin at napairap sa sinabi ni Sabreen habang humagalpak naman siya ng tawa. Napailing na lamang ako at kumuha ng isang slice ng pizza. Agad akong napatingin sa kaliwa at nakita sila Treyz na kumakain sa kabilang mesa. Napansin kong sumulyap ang lalaki kaya agad kong idinapo ang aking paningin kay Sabreen.

"They are less special for me. Sikat ba talaga sila rito? I really have not noticed them before. Hindi ko nga rin alam na mga anak pala sila ni Sir."

Ani ko at isinubo ang pizza. Greenwich is really a  solacement for stress eating. Nakakabawas ng pagod at anxiety. Nagtaas na lamang ng kilay si Sabreen at ngumuso. Agad kong inabot ang milktea sakaniya na kanina pa hindi iniinom. Nagkibit balikat si Sabreen at tumingin ulit sa pwesto nila Treyz.

"Yes, they are his virtuous sons. Among the three of them, I would competently choose to date Treyz."

Napatingin ako sa mesa nang magkambal at nakitang kumakain si Treyz at Tedd habang nakasandal naman sa upuan si Third na nakanguya ang bibig at nakatutok ang mga mata sa Ipad niya. Kitang kita ko rin ang mga sulyap at ngiti ng mga babae na nasa paligid nila. Napairap na lamang ako sa kawalan.

"Akala ko ba kay Hyder ka? Mahal mo siya, 'diba?"

Tanong ko sa mababang boses at pinunasan ang aking ibabang labi na nadaplisan ng ketchup galing sa pizza gamit ang tissue. Napatingin naman sa akin si Sab at nakakunot noo habang namumula ang pisngi. Tumaas ang kilay ko at napailing na lamang.

I don't have an adverse grudge against Hyder. It's just that I don't have a favorable impression about him. Kumusta na kaya ang dalawang iyon? Halos mag iisang taon ko na silang hindi nakikita. The last time I saw him was on the engagement party of Ate Hannah and Kuya Lex. Tyler, well, nevermind. Something is urging me to strip off my heart out of my body. I hate to admit, however, there is a huge part of me that is missing him. All about him and I don't even know the reason why I do.

Simula noong umalis siya at nangibang bansa sila ng Tito niya ay hindi ko maiwasang maiyak ng lubos at masaktan sa nangyari. Kung sana nga ay hindi nalang sa pamilya namin ito nangyari, mas maging madali siguro ang lahat para sa akin. Hindi pa nga kami nakaahon at tuluyang maka move on sa nangyaring kaso sa korte laban sa pamilyang iyon pero biglang gumuho ulit ang mundo namin nang malamang kapatid namin ni Kuya Henrix ang isang laking Okinawa na lalaki.

"Infatuation and passion are two different matters. Note that, Quendrin. Magkaiba iyon."

Nakasimangot na ani ni Sab kaya napailing na lamang ako at nagkibit balikat.I never tried to have one, kaya hindi ko alam ang pakiramdam ang magmahal at mahalin lalong lalo na ang magmahalan.

"You are insane about him, aren't you?"

"Ofcourse. It's our fifth monthsary tomorrow so you should go and nonchalantly formulate some surprises for us."

Agad ko siyang inirapan sa sinabi niya. Tumawa naman siya at nag peace sign sa akin. I still could not believe na naging sila ni Hyder. Whatever the motive is, he should never leave a pious punctuation mark in their relationship as a sign of cutting the vows that have been once exchanged. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nagtagal silang dalawa samantalang nababalitaan ko sa ibang mga students ng Xavier University na madaling nagsasawa si Hyder.

Usually, three days lang ang itinatagal ng mga recent relationships niya. I see how Sab loves him but I don't have any miniscule idea about Hyder's feelings. He is too opaque about himself. Half of my cognitive guts believe that he loves Sab but the other half screams the otherwise, especially na halos linggo-linggo silang nag aaway. I don't know. It's just that hindi ko rin gawain ang manghimasok sa buhay ng iba. Pero pag umabot sa puntong si Hyder ang masama rito, hindi ako magdadalawang isip na makipagpatayan sakaniya lalo na pag si Sab ang pinag uusapan. I'm too protective of my bestfriend.

Well, if they are really meant for each other, then they would end up together. Simple form of colloquial expression without any explanation to measure its reliability. Feelings do change when mutuality breaks down like a malleable glass. Feelings are bound to replacements. Our feelings are prone to changes and falling apart.

Nakangiting umiling na lamang ako at napadapo ang tingin sa magkambal. Napansin kong nakatingin sa akin si Treyz kaya nagtaas ako ng kilay. Agad namang lumamig ang tingin niya at nag iwas ng paningin. Don't tell me hindi pa rin siya nakamove on sa ginawa ko sakaniya pagkatapos nila akong 'muntikang gahasain'? May balak ba silang gantihan ako? I'm not even threatened a bit.

"Saan ba sila nag re-rehearse, Sabreen?"

Tanong ko kay Sab habang hindi pa rin tinatanggal ang paningin sa kanila. Tumikhim naman si Sabreen kaya napatingin ako sakaniya.

"Music hall, ofcourse. Actually may live jamming sila sa Palliation Restaurant bukas. All are for free, pati ang mga pagkain. Reservation lang ang kailangan. I hope you'd come."

"Why would I? Manager ka ba nila?"

Pasarsastiko at natatawang ani ko kay Sab. Agad namang bumusangot ang mukha niya kaya nagtaas kilay na lamang ako. Magaling ba talaga iyang banda ng magkambal na iyan? Ganito na ba kaadik si Sabreen sakanila?

"Sabreen."

Napatingin ako sa likuran ni Sab at nakita si Hyder na papalapit sa amin. Halos malagutan ako ng hininga ng mapagtantong ngayon ko lang siya nakitang muli. Still, magkamukha pa rin sila ni Tyler kahit hindi sila magkapatid.

"Hyder, you're here."

Nakangiting ani ni Sab sakanya. Lumapit naman si Hyder sa pwesto namin at kinalabit ang balikat ni Sab at hinalikan sa pisngi. Agad ring napatingin sa akin si Hyder. I don't know what's inside his eyes right now. Hindi ko man lang nakitang nagulat siya ng makita ako. Although, it's been months since we have last seen each other. Hindi ko naman kasi siya nakikita at napapansin dito sa Xavier University lalong lalo na nasa back portion ng school ang building nila. I am a self-restricted and aloof person.

"How are you, Quendrin?"

Bahagyang umawang ang labi ko at napatingin sa kanya. Nakasilay sa akin ang mapang-asar na ngiti niya. Then, I finally fathom the idea that our feelings are still mutual. Hatred, all this time around.

"I'm fine. How about you? How's your Dad and Tyler?"

Kaswal na tanong ko. Bahagyang dumilim ang awra ni Hyder at malamig akong tinignan. Tumikhim si Sab sa tabi niya ngunit hindi ito nakapigil sa mainit na titigan namin ni Hyder. He's still an irritating pea. Bahagya siyang umismid at inakay patayo si Sab kaya napahalukipkip ako.

"Quen, una na muna kami ha? May pag uusapan pa kami. Thanks, besty."

Tumango na lamang ako sa sinabi ni Sab. Nakita ko ang palihim na pag irap ni Hyder sa kawalan at pag iwas ng tingin sa akin. Agad namang umiba ang reaksyon niya at ngumiti ng bumaling ng tingin sakaniyasi Sab. You perilous freak! Get lost!

"Gotta go, Quen. I'll send your regards to my Dad and definitely to Tyler. I'm sure you'll be happy on his comeback."

May halong sarsastiko na sabi ni Hyder atsaka sila sabay na lumabas ni Sab sa Greenwich. Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita. Kumurap ako at wala sa sariling napasandal sa aking kinauupuan. Magbabalik na siya? Kailan?

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon