Kabanata 28

77 11 0
                                    

                                                                    WARNING: FRIENDLY ADVICE

"Ate Hannah, kilala niyo pala ang mga Okinawa?"

Bahagyang napawi ang ngiti ni Ate Hannah at napalitan ng nagtatakang mukha. Mabilis siyang tumango. Nakaramdam agad ako ng kaba. Hindi pwede ito.

"'Yung parents ni Lex ang new business partners ng kompanya nila, the Okinawas. That's why I invited them to the party. Bakit? Is there something that bothers you about it, Quen?"

Natigilan ako. Tama ang hinala ko. Nandito silang lahat. Pakiramdam ko ang liit ng mundo kasi ang pamilyang Okinawa pa talaga ang may koneksyon sa pamilya ng mapapangasawa ni Ate Hannah. Masama ang kutob ko sa party na ito ngayon.

"No, nothing bothers me. I'm just─"
"Oh, you know them? Alam mo bagay kayo nong isa sa mga anak ni Mr. Okinawa."

Kinikilig na sabi niya pero binalewala ko iyon nang bigla kong maalala si Dad.

"Kasama ba ng Dad mo ang Dad ko ngayon?"

Tanong ko kay Ate Hannah. Luminga linga siya sa paligid at itinuro ang mesa nila Tito at Tita. Tumingin ako roon at nakitang wala si Dad ngunit andoon si Tito Hayden. Nakita ko rin ang paglapit ni Mom sa akin.

"Have you seen your Dad?"

Mahinang ani ni Mom. Hindi ito masyadong narinig ni Ate Hannah dahil sa malakas na tugtog ng DJ kaya umiling nalang ako at hinarap na lamang si Mom.

"I'll find Dad."

"No its okay, Quen. Enjoy the party. Baka nasa paligid lang 'yung Dad mo."

Ani ni Mom.Hindi nalang ako umimik. Ngumiti si Mom at lumapit na lamang doon sa table nila Tita Helena. Kinalabit ako bigla ni Ate Hannah. Napatingin ako sakanya. Nandito pa rin pala siya.

"Are you okay? Anung pinag usapan niyo ng Mom mo?" Nag aalalang tanong ni Ate Hannah. Ngumiti na lamang ako at umiling.

"Goodluck sainyong dalawa ni Kuya, Ate Hannah." Nag aalangang ngumiti si Ate Hannah.

"Yeah, ofcourse. Goodluck sa amin ni Lex."

Sabi niya at pilit na ngumiti. Hindi niya ba alam na alam ko na lahat ang pinag usapan nila ni Kuya? Bumuntong hininga ako kaya agad na napatingin si Ate Hannah sa akin. Hawak niya pa rin ang isang baso ng wine.

"You know what Ate Hannah? Kung gusto mo talagang maging maayos ang lahat sainyo ni Kuya Rix sana hindi mo nalang hinayaang palampasin ang engagement party na ito. Sana kanina pa lang, sinabi mo na sa aming lahat ang katotohanan. Kasi after all what you did, Ate Hannah pipilitin kong tulungan at suportahan kayong dalawa ni Kuya Rix. Ililihim ko lahat at hahayaan ko kayong magmahalan ng palihim ni Kuya kahit masakit man isipin na tutol talaga ako sa ginagawa niyo ngayon. Hindi ito ang tama, Ate Hannah. Hindi ito ang tamang paraan para makamit ang malaya niyong pagmamahalan. Hindi ito ang tamang paraan para sa inyong kinabukasan. Habang nabubuhay pa kayo sa kasinungalingan, may mga bagay talaga na dadating at dadating upang kayo ay hadlangan atsaka niyo lang malalaman na hindi kailanman ang pag ibig ay matuturuan. Maghihintay at maghihintay pa rin kayo ng tamang panahon upang ito ay makamtan."

Mahabang ani ko. Natigilan si Ate Hannah. Agad niya akong niyakap at saka ko lang naramdaman na humihikbi siya.

"P-pero hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, Quen. Hindi ko na alam. Mahal na mahal ko ang Kuya mo, Quen. Sobra... sobra na halos umabot na sa puntong hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Hindi ko na alam."

Mahinang sabi niya. Bahagya kong ipinilig ang ulo ko para hindi mahalata ng mga taong mapapatingin sa amin na umiiyak ang niyayakap ko.

"Hindi na iyan ang tama, Ate Hannah. Marami ang masasaktan sa ginagawa mo. Hindi mo inamin sakanila ang totoo. Ate Hannah, engage ka na kay Kuya Lex-engage ka na at iyan ang parating tatandaan mo. Paano nalang siya? Alam kong alam mo na nararamdaman mo talaga na mahal ka niya sobra pa sa pagmamahal mo kay Kuya Rix, Ate Hannah. Mas sobra pa. Paano na siya kung malalaman niyang may mahal ka palang iba gayong nilihim mo sakaniya? Paano nalang ang pamilya niya? Naisip mo ba ang mararamdaman niya? Naisip mo ba kung ano ang magiging reaksyon ng lahat kung malalaman nila ang totoo? Naisip mo ba kung ano ang gagawin nila sa'yo pagkatapos ng mga kasinungalingan mo? Naisip mo ba na baka gantihan at saktan ka nila? Naisip mo ba ang magiging reaksyon ng Mom at Dad mo? Naisip mo ba na baka tuluyan na silang madamay sa isyu na ito? Naisip mo ba ang mangyayari sa inyo ni Kuya pagkatapos nito? Naisip mo ba na baka hindi niyo na magawang magsaya sa huli dahil sa mga nangyari? Naisip mo ba iyon, Ate Hannah? Naisip mo ba. Oo, maaaring boto ako sainyo ni Kuya. Oo, maaaring tulungan at pagtakpan ko kayo pero sana maisip mo na tutol ako sa ginagawa niyo. Iba na tayo noon at ngayon Ate Hannah. Iba na ang takbo ng mundo at hindi na magiging katulad noon. Kung mabigat noon, mas mabigat ang mga pangyayari ngayon. You guys are living in greed, Sana isipin niyo rin ang ibang tao. Sana isipin niyo na dapat bago pa kayo ikasal ni Kuya Lex sa susunod na buwan, masosolusyunan niyo na ito. 'Cause all I can give for the two of you now is the support and loyalty."

Agad akong bumitaw sa pagkayakap kay Ate Hannah. Pinunasan niya ang pisngi niya at ngumiti sa akin. Kahit umiiyak siya, halata pa rin ang pagiging maganda niya.

"Thank you, Quen. Your the best. I'll do everything to fix this mess."

Ani niya. Ngumiti na lamang ako at tinapik ang balikat niya. Tinalikuran ko na siya at naglakad na paalis doon. Kailangan ko pang hahanapin si Dad. Lumabas ako sa gate ng bahay nila Ate Hannah. Malaki at maluwang ang bahay nila kaya dito ngayon inilunsad ang engagement party nila ni Kuya Lex. Gabi na at malapit nang mag 9PM sa wristwatch ko.

"No! Hindi ako naniniwala diyan sa sinasabi mo! How come na naging anak mo si Tyler?"

Napantig at bahagya akong natigilan sa narinig kong ingay. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon hanggang sa mapadpad ako sa parking lot. Halos manlaki ang mata ko nang makita si Mr. Okinawa kasama si Tyler at 'yung Tito niya na katabi ni Dad at dalawa naming abogado kasama si Attorney Centerde.

What the? Anong nangyayari dito?

Nagtago ako doon sa gilid ng isang sasakyan na medyo malapit sakanila. Palihim akong sumulyap-sulyap doon at nagbabaka sakaling malaman ko ang pinag uusapan nila.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon