Kabanata 42

51 10 0
                                    

   REFLECTION OF THE PAST

"Thank God, you answered it."

Hindi ako nakaimik at nag angat na lamang ng labi. Tumikhim siya kaya napatingin ako sakaniya. Don't you know how a gorgeous man is he right now? Biglang sumagi sa utak ko 'yung 'I love you' niya kanina kaya napakuyom ko ang aking palad.

"What do you want?" Kaswal na tanong ko habang nakatingin sakanya.

"Are you busy?"

Ngiting tanong niya. Banda akong natahimik. As much as I don't want this yet there is no way out of from it. I'm already here.

"Sort of but it's okay. Napagod lang ako." Ani ko at tumingin na lamang sa bandang dibdib niya. I don't have the guts to look him in the eyes. Naiilang ako.

"Sorry." Sambit niya na ikinakunot noo ko.

"It's okay, Tyler. "

Ani ko ulit. Ilang segundo pa ng tumahimik siya sa kabilang linya. Napalingon na ako sa kanya at agad naman siyang nag iwas ng tingin.

"Sorry... I just... I just miss you."

Nauutal ngunit mahinang sabi niya. Nagtaas baba ang aking dibdib at natahimik sa sinabi niya. I don't know what to say. Nawawalan ako ng salita.

"Y-you should've talk me on the party. Bigla ka nalang nag walk out non." Nauutal na sabi ko.

Nasilayan ko ang pag angat ng labi niya at umiling iling. Nag iwas ako ng tingin. God. This is wrong. Why do I evidently perceive his attractiveness infront of my skin?

"I just did. That's nothing. Isauli mo bukas yung jacket. Gagamitin ko pa iyon."

Tumango na lamang ako. Mas lalong kumalabog ang puso ko ng makita siya ngayon sa screen.

"Okay. Thanks for that."

Ngumiti ako sakaniya. Tumango lang siya at nginusuan ako.

"No problem. I just helped. Ang tigas kasi ng ulo mo. Nilalamig ka nun tas ayaw mo paring pumasok sa loob ng Hall. Tss."

Hindi ko maiwasang matawa. Umangal  agad ako sa sinabi niya.

"I'm just attracted to the Borge's Garden. Ang ganda dun e'."

Batid ko. Tumikhim siya kaya napalingon ulit ako sakaniya. He just smiled widely.

"Yes. That's my home eversince I was little. That's the orphanage where I came from."

Natigilan ako sa sinabi niya at napaawang ang aking bibig. Orphanage. Noon pa lang nung bata pa siya ay ibinilin siya ni Dad sa orphanage matapos mamatay ang real Mom nito. Nang balikan ito ni Dad ay wala na ito roon. Iyon pala kinupkop na siya ni Mr. Okinawa. That old hag. Hindi porket kamukha ni Tyler ang namatay na kambal ni Hyder ay basta-basta niya nalang kukunin si Tyler even with or without my Dad's formal authorization.

Alam kong mayaman siya at nabubuhay pero wala siyang karapatang gawin iyon dahil hindi niya anak si Tyler. Hindi ko alam ngunit kumukulo ang dugo sakaniya. I hate him. But then, there's a part of me that I also hate Dad. Anak niya si Tyler. Dapat simula't-sapul pa lang pinandigan niya si Tyler imbis na ibilin doon sa Borge's. Bumalik nga siya pero huli na nang malamang nasa kamay na pala ito ni Mr. Okinawa.

Dad is really unbelievable. He should've expected Tyler's reaction pagkatapos malaman nito na ampon siya.

FLASHBACK

"Mom, noon niyo pa lang ba nalaman na may anak si Dad sa labas?" Tanong ko kay Mom.

Tumango siya. Napasalikop ko ang aking mga daliri at napakagat labi. Napapikit ako ng mariin ng makitang lumuluha na si Mom.

"M-mom ba't niyo nilihim sa amin ni Kuya? Bakit niyo nilihim sa akin? Bakit hindi niyo sinabing anak ni Dad si Tyler?"

Pumiyok na ang boses ko nun. Umupo ako sa sofa sa harap ni Mom. Pinipigilan kong umiyak. Pinipigilan kong magalit. Hinawakan ni Mom ang kamay.ko ngunit hinawi ko ito.

"Quen... anak sorry. Matagal na naming nilihim iyon simula nung apat na taon pa lang ang Kuya mo. I swear Quen, labis akong nasaktan nung nalaman kong accidentally na nakabuntis ang Dad mo sa isa sa mga ex niya noon. Itinakwil na rin ito ng pamilya niya matapos malamang nabuntis ito ng Dad mo. Nung time na iyon, buntis ako sa'yo. I always feel horribly hovered with anguish. It's a burden feeling for me Quen kahit na palaging nag so-sorry ang Dad mo sakin at pinaparamdam na ako ang mahal niya. Ako lang ang babaeng mamahalin niya habang buhay. Pakiramdam ko araw araw akong pinapatay lalo na nung malaman kong nanganak na 'yung babae. That baby was Tyler. Namatay ang babae pagkatapos maipanganak si Tyler. Balak sana naming ampunin 'yung bata, but then nalaman kong ibinilin na pala ng Dad mo sa ampunan 'yung bata. Halos sumabog ako sa galit ng malaman ko ang ginawa ng Dad mo. Hindi ata tama iyon! Kailangan niyang panindigan ang bata dahil anak nya iyon, kahit na alam kong..." pinutol ko ang sasabihin ni Mom.

"Dahil ba natatakot kayo kay Lolo? Dahil ba natatakot kayo na malaman niya ito? Dahil ba natatakot kayo sa kaya nyang gawin?"

Tumango si Mom. Damn. Tagapagmana si Dad. Malamang na ililihim nila ang lahat dahil alam niya ang ugali ni Lolo. Basang basa na ang aking pisngi sa mga luhang nag uunahang dumaloy mula sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. Bakit sa amin at sa mga Okinawa pa ito nangyari? Hindi ba pwedeng sa iba nalang?

END OF FLASHBACK

"Sorry, hindi ko alam." Mahinang ani ko kay Tyler.

Nakita kong kumunot ang noo niya at umiling-iling. Napasalikop ko ang magkabilang kamay ko.

"Don't apologize to me, Quen."

Bigla namang sumagi sa utak ko ang sinabi niya. He said that to me last time before he planted a kiss on my lips. Nag iwas ako ng tingin. This is a damn. I don't wanna bring the past back anymore.

Hindi ako nagsalita. Bigla siyang tumikhim kaya napatingin ako sakaniya. Namumungay ang mga mata niya. God knows how magnificent his eyes are. Hindi lang ang mga mata niya kung hindi, ang buong siya.

"Did I creep you out? Pakiramdam ko nabigla kita sa pag videochat ko sayo ngayon."

Agad naman akong umiling. Inayos ko ang aking pagkakaupo sa kama at ikinandong sa aking hita ang laptop. Napatingin ako sa ibabang bahagi ng laptop at nakitang alas syete y media na ng gabi. Tumingin ulit kay Tyler.

"Saan ka ngayon?"

Tanong ko ng mapansing madilim ang background niya. Naka puting v-neck shirt lang siya at naka balandra sa screen ang malapitang mukha niya. Naiilang ako.

"Nasa veranda namin. Madilim rito."

Tumango tango na lamang ako.

"May ip-proofread ka ba talaga?"

Aniya ulit. Bakas sakanyang mukha ang pagkagusto na tumulong sa akin. Nagdalawang isip ba ako kung magsisinungaling ba ako o hindi. Ayaw kong makaisturbo ng ibang tao. I don't want other people to meddle with my own business.

"Mayroon pero kaya ko na iyon."

Sambit ko. Narinig kong may tumawag kay Tyler sa kabilang linya. It must be his Tito Harvey. Iyon ay ang kapatid ng stepmom niya which is Hyder's Mom. Iyon rin ang kasama ni Tyler sa Italy sa loob ng ilang buwan.

"Tito called me for dinner so I guess this ends here."

Tumango ako.

"Thanks for the videochatting. Kakain na rin ako mamaya."

I saw a little peek of smile in his lips. Ngumiti nalang ako rin ng matipid. He's really perfect. An ideal man.

"Early goodnight." Aniya kaya bahagya akong natawa.

"Early goodnight too." Sabi ko atsaka siya tumango at inexit ang tawag.

Nagbuntong hininga ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. How to spell limitations? Damn. Pakiramdam ko mali na ito. I hope this will not happen again.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon