Kabanata 43

52 10 0
                                    

HOME VISIT

"Kuya Rix, pwede ko bang hiramin ang kotse mo? Saglit lang. May importante kasi akong pupuntahan."

Sabi ko kay Rix. Kasalukuyan siyang nanonood ng The Allegiance sa sofa namin. Nag angat naman siya ng tingin sa akin habang may hawak na remote sakanyang kamay. Sa totoo niyan, ayaw ko talagang mag commute papunta kila Tyler. Malayo iyon dito sa amin at medyo delikado ang daan papunta roon sa Bellvue Homes. Hindi ako sanay na pumupunta punta sa uptown lalo na't hindi ako taga roon.

"Saan ka pupunta?"

Tanong ni Kuya Rix sa akin habang nakakunot noo. Sumulyap siya sa flatscreen saka tumingin ulit sa akin. Ngumuso ako at humalukipkip.

"Basta. Pahiram naman Kuya oh." Sambit ko.

"Nasa kwarto ko yung keys. Huwag 'yung Innova ko!"

Aniya at pinandilatan ako. Tumango na lamang ako at naglakad papuntang hagdan. Bigla kong nakasalubong si Mom na nakatingin sa suot ko. Huminto naman siya sa harap ko.

"Goodmorning, Mom. " Ani ko kay Mom at nilapitan siya.

"Goodmorning rin, nak."

Sabi ni Mom at niyakap ako. Niyakap niya rin ako pabalik. Nang bumitaw siya ay pinasadahan niya ako ng tingin. Mom doesn't know about this.

"Saan ang lakad mo?"

Tanong ni Mom. Sumulyap naman ako sa sarili ko. I'm wearing a maroon checkered and black pedals. Isang slingbag lang rin ang dala ko na may lamang jacket ni Tyler. Nag angat uli ko ng tingin kay Mom.

"Sa Xavier U lang. Mom. May meeting lang kami sa mga proofreaders."

Ani ko para hindi na humaba pa ang usapan. Tumango na lamang si Mom saka nilagpasan ako. Umakyat na ako sa hagdan at pumasok roon sa kwarto ni Kuya. Ikalawang beses pa ako nakapasok dito sa kwarto ni Rix. Mostly, si Mom lang ang bumibisita rito.

"Naglilinis ba si Kuya ng kwarto niya?"

Natatawang tanong ko sa sarili. Nagkalat ang mga binder niya sa sahig at mga school papers. Nakalatag din roon ang mga art papers at iba pang materyales sa school. Umiling-iling na lamang ako at lumapit roon sa maliit na cabinet na nasa tabi ng kama niya. Binuksan ko ang cabinet at tumambad sa akin ang dalawang susi sa kanyang kotse. Natigilan naman ako ng makitang may mga litrato doon nila ni Ate Han doon. Napangiti ako. Kuya Rix is really an idiot lover!

Agad akong lumabas roon sa kwarto niya habang hawak ang Vios keys at nilugay ang aking buhok. Nadatnan ko si Mom sa sofa na nakikipag usap kay Kuya Rix. Nagpaalam ako sakanila saka dumiretso sa garage namin.

Biglang tumunog ang aking cellphone nang makapasok na ako sa kotse, Titignan ko kung sino ito at napagtantong may tawag galing kay Sab. Pinaandar ko ang kotse at pinatakbo saka sinagot ang tawag ni Sab.

"Hello Sab? what's up?" Usal ko.

"Quen, saan ka?" Aniya. Napakunot noo naman ako ng may mapansin sa boses niya. Is she okay?

"Are you crying?"

Ano kayang problema nito? Hindi parin ba sila nagkabati ni Hyder? Palagi nalang ba silang ganito?

"Wala ito." Aniya na ikinakunot noo ko.

"Anong wala ito? Goodness, Sab. Wake up, okay? Palagi nalang ba kayong ganyan ni Hyder? Honestly, I want you to break up with him. Walang patutunguhan niyang relasyon niyo kung palagi kayong ganyan."

Bahagyang singhal ko sakaniya. I can't take off the limitations anymore. Sobra na sila. I don't know why I'm acting like this when it comes to Sab and Hyder's relationship but believe me or not, I don't like this. Sobra na.

"I don't know."

Mahinang aniya. Napamura na lamang ako ng mahina at napahigpit ang hawak sa manibela. Ayaw ko talagang makialam sa relasyon ni Sab at Hyder pero paano nalang kung ganito palagi 'diba? Nagbuntong hininga ako,

"Sorry."

"No , it's okay. Naiintindihan kita."

Sabi niya. Nagkagat labi ako. Inilayo ko ng kaunti sa aking tainga ang phone at pinindot ang loudspeaker.

"Until when, Sab?" Mahinang tanong ko.

"Hindi ko alam. Pagod na pagod na ako, Quen."

Aniya saka ko narinig ang sunod sunod niyang paghikbi. Napakagat ko ang aking ibabang labi. Stupid, Sabreen. You're really a weak woman.

"Sssh. Stop crying. Saan ka ngayon?"

Tanong ko sakaniya. Hindi siya umimik sa kabilang linya. Ang tanging narinig ko lang ay ang pag iyak niya, Bumuntong hininga ako. I swear, kung makikita ko lang iyong Hyder na iyon.. patay siya sa akin.

"Magkita tayo bukas."

Ani ko kay Sab atsaka inexit yung tawag. Hindi ko alam kung paano ako makakatulong kay Sabreen sa ngayon pero alam kong malaki ang tiwala ko sakanya. I hope there's a part of her that would choose to contemplete what I've said.

Lumingon ako sa labas at napansing nasa crossing lane na ako. Lumiko ako sa kabilang lane at nakita sa unahan ang malaking gate sa gilid na may nakalagay na Bellvue Homes. It must be here.

Pinark ko sa gilid ng malaking gate ang sasakyan. Agad akong lumabas sa Vios at pinasadahan ng tingin ang lugar. Ngayon ko lang napansin na mas gumanda ang lugar na ito ngayon kaysa noon. Huli kong pumunta rito ay 'yung nag uptown trip kaming mga Red Cross Youth volunteers noong high school pa lang ako.

This place is perfect. Tanaw na tanaw ko sa loob ang nag gagandahang apartments at naglalakihang condominiums sa loob. Halata talagang mayaman ang mga nakatira rito. Naglakad ako sa pintuan ng malaking gate nang may humarang sakin. Kunot noo akong napalingon kung sino iyon.

"What?"

Ani ko at napagtantong isang lalaking security guard ang humarang sa akin. Natahimik ako at napalingon sa gilid. Nakita kong may guardhouse pala rito.

"Miss, taga rito ka po ba? Bawal po ang outsider dito."

I'm not into what he said but on his face. Parang ngayon lang yata ako nakakita ng ganito ka gwapong guard. He looks like a teenager.

"May sadya po ako." Ani ko. Kumunot lamang ang noo niya at umiling-iling.

"Halika po rito." Aniya.

Sinabayan ko siya sa paglalakad papuntang guard house.

"Anong sadya mo?"

Tanong niya habang may kinuhang record book at telepono. Goodness! Kailangan ba talaga ang ganyan sa mga ganitong home village?

"Tyler Okinawa."

Tumango siya at parang may dinial doon sa telepono. Nagbuntong hininga na lamang ako at humalukipkip. Ilang minuto ay binaba na niya ang tawag pagkatapos niyang makipag usap kay Tyler. Palihim akong napahinga ng malalim.

"Okay na?" Bahagyang nababagot na tanong ko.

"Ilista niyo muna 'yung pangalan niyo dito. Address and phone number."

"I'll give a calling card. Just keep it. Kompleto iyan."

Kaswal na sabi ko at inabot sakaniya ang calling card na nasa bag ko. Tumango siya. Agad ko naman siyang tinalikuran at pumasok na sa gate.

"Youngster."

Mahinang sambit ko sa sarili at ngiti ngiting inikot ang mga mata sa kawalan. Naglakad ako papasok sa Bellvue Homes.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon