Kabanata 54

55 9 0
                                    

RUTHER THE GREAT

"Hindi naman kami lumipat. Bumili lang ako ng apartment dito dahil nagkataon na malapit ang pagta-trabahuan ko dito."

Sabi ni Ruther habang nakalagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang maong na pants. Sabay kaming naglakad ni Ruther sa park habang nag uusap. Ngayon ko lang nalaman na natapos niya na pala ang kaniyang pag aaral sa kolehiyo doon sa Liceo de Cagayan University. Kakalipat niya lang kahapon matapos malaman na natanggap siya bilang landscape architect sa isang kompanyang malapit dito sa amin.

"Buti ka pa. Sa kurso ko kasi ay hindi ganoon. Sakatunayan nga, masteral na ako sa kurso ko e'. Dream ko kasi na doon lang din mag trabaho sa Xavier University pero kailangan nila ng mga students na may masters degree sa BS in Chemistry kung kaya pinagsisikapan ko ang pag aaral ko ngayon. Nakapagtayo rin ako ako ng Bio-Chem laboratory doon malapit sa school and fortunately, sinusuportahan naman ako ng XU."

Sabi ko. Sabay kaming umupo doon sa bench ng Morning Glory Park. Maluwang at malaki ang parke dito sa Havianna Hills Subdivision kaya madalas ay maraming tao ang naririto lalo na ang mga batang naglalaro tuwing umaga.

"Oh, so you love writing? Nagsusulat ka ba ng romance genre stories or mga action comedy?"

Tanong niya sa akin. Napailing naman ako at napaangat ang gilid ng labi.

"Not purely all about writing, but thorough editing especially school files." Pagtatama ko sakaniya.

"That means your school would be your job itself?" Aniya.

Tumango ako at humalukipkip. Pinasadahan ko ng tingin ang parke. Maraming mga flowering plants na nakahilera sa gilid at may mga puno rin kung saan pinalilibutan ng mga batang naglalaro ng tagu-taguan. May mga nakita rin akong nakaupo sa bermuda grass habang kumukuha ng mga litrato at nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa mga kasama nila. Napangiti ako. I love the view of this beautiful place.

"Yes. After this year, mananatili pa rin ako sa Xavier University. Direct na ang trabaho ko roon. Hindi ko na kailangan mag apply sa ibang kompanya. I'm the chosen one, indeed." Sabi ko.

Bahagya naman siyang tumawa kaya napatingin ako sakanya.

"How lucky! Just like Henrix, he's already a manager right?" Aniya.

Ngumiti lang ako. Hindi ko akalaing magiging ganito ang pakikitungo namin ni Ruther sa isa't-isa matapos ang hindi magandang pagtatagpo namin sa Bellvue. Napaisip naman ako.

"Tara! Puntahan natin si Kuya. I'm sure he wants to see you."

Sabi ko at tumayo roon mula sa kinauupuan. Nag angat naman ng tingin si Ruther 'saka idinapo ang tingin sa baba. Tinignan ko siyang kinuha ang phone sakaniyang bulsa. May tinitignan siya rito.

"Nandoon ba ang Kuya mo ngayon? Working hours ngayon 'diba?" Aniya saka tumayo na rin doon.

"Weekends ngayon. Mamaya pang hapon ang duty ni Kuya."

Ani ko at naunang maglakad paalis sa parke. Napasulyap ako sa playground na may mga batang naglalaro doon. Napangiti ako. I miss my childhood days where you don't have to worry about anything but how you could escape your parents after your neighborhood friends ask to play fun with you.

"Sigurado ka ba talagang nandoon ang Kuya mo ngayon?"

Paninigurado niya kaya napalingon ako sakaniya. Nagdadalawang isip ang mga mata niya. Ngumuso ako at humalukipkip.

"Oo nga sabi e. "

Nagkibit balikat siya at nilapitan ako. Napairap na lamang ako sa kawalan. Sabay kaming naglakad papunta sa bahay namin.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon