BORGE
"What are you doing here? Sinong kasama mo?"
Tanong agad ni Tyler nang makalapit siya sa akin. Agad na kumalabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Umiba ang aura na nakita ko sakaniya. Para siyang nainis nang makita ako.
"Ha?"
Wala sa sariling nasambit ko. Bahagyang nanliit ang mga mata niya at tumingin sa aking likuran. Bumaling ulit siya sa akin at nagkunot noo.
"Wala kang kasama. Bakit ka nandito?" Aniya.
Napalunok ako. Ayaw kong malaman ito ni Daddy pag nagkataon na isumbong niya ako. Dinamay ko pa ang pangalan ni Ruther. E' sa gusto kong umalis nang mag isa.
"W-wala. Binisita ko lang si Sir Oldivas."
Nauutal na sabi ko at hilaw na ngumiti. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko. Hindi siya sumagot imbis ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papaalis. Nanlaki ang mga mata ko.
"Teka, saan tayo pupunta?"
Hindi siya sumagot. Hinila ko ang kamay ko at pilit na tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin kaya natigilan siya.
"Stop it, Quendrin.'"
Naiinis na aniya at kukunin ulit sana ang kamay ko nang agad kong hinawi iyon. Kumunot lalo ang noo niya at inis na humarap sa akin.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin?"
"I'll take you home, alright?" Aniya.
"In your home?" Takang tanong ko.
Natigilan siya at nagkunot noo. Bahagyang pumula ang kanyang tainga kaya napatitig ako roon. Nagkunot noo siya at umiling.
"Huwag na matigas ang ulo, Quen." Aniya.
Nagkasalubong ang kilay ko at humalukipkip.
"At bakit naman? Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ko kanina?"
Inis na pasarkastiko ko. What's the matter with him? He is annoyingly meddling with my own business. Ganito ba siya sa akin noon?
Natigilan siya at tumingin sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. Bumilis ang kabog ng puso ko kaya napaiwas ako ng tingin.
What was that?
"Pumunta ka rito na ikaw lang mag isa? Are you even thinking? Paano kapag nalaman ito ng Daddy mo?"
"Sasabihin mo sakaniya? Ganoon? Then go, tell him."
Mahinahon ngunit naiinis na tugon ko. Wala na akong takas dito pero bahala na nga.
Lesson learn: Don't do it again, Quendrin.
Nakita kong umigting ang bagang niya. He is mad. Napahaplos niya ang kanyang mukha at nginusuan ako.
"Halika na, iuuwi na kita sainyo." Aniya sa mahinahong paraan.
"No, thanks, I can handle myself." Pagtanggi ko.
Napatigil ako nang pumikit siya ng mariin at nagkagat ng labi. Nang dumilat siya ay nakaangat ang gilid ng bibig niya. He's grinning. Halos tumindig naman ang balahibo ko sa nakita.
"Iuuwi kita sa bahay niyo o iiuwi kita sa amin? Pili ka." Aniya.
Nanlaki ang mata ko. Tumawa siya ng bahagya at mas lalong lumapad ang ngisi.
"Ofcourse wala!" Angil ko agad.
Nagtaas siya ng kilay.
"So you want the third option?" Aniya na ikinakunot noo ko.
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
Ficção GeralStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...