Kabanata 68

42 8 0
                                    

CHRISTMAS VACATION

TYLER TEXAS RENESIS MADRIZA'S POINT OF VIEW

"Merry Christmas everyone!"

Naalimpungatan ako nang may sumigaw sa loob ng kwarto ko. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita si Tito Harvey na binubuksan ang bintana sa kwarto.

"Ano ba, Tito..."

Sambit ko. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at unti-unting bumangon roon sa kama. Humikab at bahagyang humalukipkip. Ang lamig. Hindi ko pala na off ang aircon kagabi.

"Ikaw Ty ha, nasa Italy na tayo pero ang antukin mo pa rin. Gumising ka na diyan. Pasko na o'. Pupunta pa mamaya rito sila Stacey."

Ani Tito at kinuha ang gel na nasa ibabaw ng cabinet ko. Tinaasan ako ng kilay ni Tito saka lumabas sa kwarto ko. Kararating lang namin dito sa Italy kahapon ni Tito. Dumiretso agad kami dito sa Willson Base kung saan nandito 'yung bahay namin.

Kinuha ko ang phone ko na nasa aking tabi. Nakatulog agad ako kagabi dahil sa sobrang pagod sa byahe papunta rito. Tinignan ko iyon at walang mensahe na naroon. Pumunta ako sa aking SMS at nagtipa ng group message.

Merry Christmas! - Tyler

Napangiti ako. Pasko na. Araw na ng noche buena at masayang salo-salo ng pamilya. Biglang nagvibrate ang phone ko kaya napatingin ako roon.

Merry Christmas too! - Quendrin

Kumalabog ang puso ko. Mas lalong lumapad ang aking ngiti. Siya lang talaga ang babaeng nakakapaggawa nito sa akin araw-araw.

Nagtipa ako ng text sakaniya.

I'm in Italy. - Tyler

Ilang saglit pa ng magreply siya.

Take care! Enjoy sa noche buena mamaya. - Quendrin

Inilapag ko ang phone sa kama at napahaplos ng mukha. Napaisip ako bigla.

Paano kung bumalik ang mga alaala ni Quendrin? Magiging maayos pa ba ang lahat? Ano ang magiging reaksyon niya? May magbabago ba sakaniya?

Tumayo ako roon sa kama at nag ayos ng sarili. Kumain muna ako at naligo atsaka nagbihis ng puting tshirt. Nang makarating ako sa sala ay doon ko nadatnan si Stacey kasama ang Mom niya.

"Tyler!"

Masigla at nakangiting salubong sa akin ni Stacey. Agad kong napansin ang buhok niya na naging makurba. Mas lalo rin siyang tumangkad at pumuti.

"Stacey, kumusta ka na?"

"God! I miss you so much, Tyler! How's your stay in Phillippines?"

Aniya at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik. Inaamin kong nangulila talaga ako sakaniya sa loob ng tatlong taon na napalayo ako dito sa Italy.

"So far okay naman. I miss you, too." Sabi ko.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at ngumiti sa akin. Nasulyapan ko si Tita Stella na papalapit sa amin. Nagpaalam si Stacey na lumapit muna doon kay Tito Harvey.

"Tyler.."

Ani Tita Stella at nilapitan ako. Bahagya niya akong niyakap.

"Tita.."

"Kumusta ka na?"

Aniya nang bumitaw sa akin.

"Okay lang po. Kararating lang namin dito kahapon ni Tito Harvey. Saan po si Tito Carl?"

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon