Kabanata 5

217 19 0
                                    

            MANUAL START-UP

"Paano ka nakapunta sa pinangyarihan ng aksidente, Ms. Quendrin Ysabelle Madriza?"

Tanong ni Attorney Guevarra sa akin na siyang mamumuno ngayon sa amin. Pinasadahan ko muna ang mga taong nasa paligid ko. Para yatang nahahati sa dalawa ang korte. Ang kasamaan at kabutihan. Ang impyerno at kalangitan. Yaman laban sa mayaman.

Nandito lahat ng pamilya namin maliban kay Kuya Henrix at sila Tita Maribeth na kapatid ni Dad. Seryoso ang mga mukha nila at mukhang inaantay akong magsalita.

Napatingin rin ako sa kabilang linya ng upuan. Halos lahat rin ng mga taga Shikibara Company andito including Mr. Okinawa na nagmamay-ari nito na siya ring nagpalumpo kay Dad. Kung alam niya lang na kanina ko pa gustong tanggalin ang bungo niya at ipakain sa mga alipores na kasama niya ngayon. Palibhasa yaman lang pinapairal kaya hindi na marunong mag-isip.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko tsaka magsalita. Oras na para ipaglaban ang aking tunay at totoong katwiran.

FLASHBACK

"Dad, may mga anak ba ang mga ka-workmates mo doon?"

Tanong ko kay Dad. Balak kong sumama kay Dad dahil gusto kong makita ang Shikibara Company. Marangya, ekslusibo at engrande sa yaman ito kumpara sa ibang mga kompanya dito sa Cagayan de Oro. Matagal ko nang hiling iyon na sana makapunta doon pero kung sinuswerte ka nga naman, makakapunta ka talaga. My heart is fluttering in anticipation and excitement that I cannot contain my innermost emotions as of this time.

"Yup."

Ani ni Dad at humarap sa salamin habang nagsusuklay. Kinuha ko naman ang phone ko kung may text ba o wala.

"May park ba doon, Dad? Swimming pool? Veranda? Or something?"

Tanong ko kay Dad. Ngumuso si Dad at hinarap ako.

"Ofcourse, yes."

Nangingiting sabi ni Dad. Lumiwanag ang mukha ko at napangiti sa sinabi ni Dad. Akala ko baka maging boring ang pagpunta ko doon mamaya lalo na kung wala akong malilibangan dahil magiging busy si Dad sa trabaho. He'll just leave me there while having fun and fetch me when he's already done.

Walang kaso iyon sa akin dahil mas gusto kong mag explore muna kahit mag-isa lang ako. Tutal hindi naman ako lalabas ng Shikibara Company, maghahanap lang ako ng maliliwaliw doon sa loob. Ilang sandali pa ay lumabas na kami ng bahay at dumiretso sa garahe.

"Dad, nasaan nga pala si Mom at Kuya Henrix?"

Tanong ko kay Dad habang nag aayos ng seatbelt sa loob ng sasakyan. Kanina ko pa hindi nakikita sila Mom at Kuya.

****

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon