Kabanata 46

55 9 0
                                    

HOME VISIT: PART 4

"Ikaw lang ba mag-isa dito? Nasaan na 'yung Tito Harvey mo?"

Tanong ko sakaniya. Kumuha ako ng chopstick sa mesa at doon itinusok ang pansit na nasa harapan ko. Pinasadahan ko naman ng tingin ang mga nakahain sa mesa. Bacon, eggs, tuna, hotdog, cornbeef, pancit at steak, adobo, chicken at spaghetti. Napakarami naman yata ng inihanda niya. Hindi ko naman mauubos ito.

"Nasa trabaho niya."

Simpleng sabi niya. Tinignan ko siya habang kumakain. Ngayon ko lang siya nakitang kumain at sa mismong harap ko. Ang pormal niyang tignan sa bawat galaw niya. Halatang pinalaking sosyal talaga.

Paano kung hindi ko lang siya half brother kung hindi biological brother talaga sa simula't sapul pa? Would he still be the same? Would things remain? Will his feelings stay?

Pero nakakasigurado akong kung naging magkapatid kami noon pa, hindi siya masasaktan sa mga naranasan niya bago nagpuntang Italy. He would never suffer. Hindi rin siya mahuhulog sa akin noon. Pero tapos na. All has been done. Nagawa na. All we need is just a little acceptance.

"Saan ba siya nagt-trabaho?" Tanong ko.

"Isa siya sa mga stockholders ng NC Culinary Corporation which is in North Carolina. Bale, ang main branch dito sa Cagayan de Oro ay sa Cruishine."

Sambit niya kaya tumango-tango ako. Kaya pala ganito kayaman ang Tito niya. Hindi ko talaga akalaing sila ang may ari ng Bellvue Homes. Kaya pala natahimik si Ruther kanina nang mabanggit ko ang pangalan ni Tyler. Alam niya pala na ganito kakilala at karespetadong tao ang Tito Havey ni Tyler.

"Cruishine Culinary Company, ba?"

Tanong ko. Agad naman siyang tumango habang patuloy pa rin sa pag kain.

"I've heard a lot from that branch. Ang yaman ng kompanya na iyan ay katumbas sa pinagsamang yaman ng South America at Europe pagdating sa Culinary, especially in North Culinary Corporation." Sabi ko.

"They also hire chef professionals through North Carolina kaya nga minsan ay napapag utusan si Tito Harvey na magpuntang United States. Teka, bakit may alam ka rin?" Aniya na nakangiti.

Tumawa ako.

"Kilala ko ang manager ng Cruishine. Si Dexxon Blare Tee. Close friend rin namin iyon ni Kuya Henrix. That guy is really fortunate in this lifetime." Sabi ko.

"Ganoon ba."

Aniya at hindi na umimik ulit. Kumuha ako ng tubig sa pitsel at ininom ito. Napansin kong natahimik siya kaya kunot noo akong lumingon sakaniya.

"Ayos ka lang?"

Tanong ko. Nag angat siya ng tingin at tumingin sa akin. There is really something inside me that quavers every time he looks into my eyes.

"Ha? Ah. Oo, medyo nawalan lang ako ng gana." Sabi niya.

"Bakit? Teka, masama ba pakiramdam mo ngayon?" Nagtatakang tanong ko.

"Wala. Wala, okay lang ako. Kumain ka muna diyan. Pupuntahan ko muna yung maids namin."

Aniya ulit at tumayo sa kinauupuan. Tinignan ko na lamang siya na naglalakad papalayo. Napadapo ang aking tingin sa hapagkainan.

"Paano ko mauubos lahat ng ito?"

Ani ko sa sarili. Masyadong madami naman kasi itong niluto ni Tyler. Pero grabe, mas bihasa pa yata siyang magluto ng mga pagkain kaysa sa akin.

"Pwede na siyang maunang mag asawa kaysa sa amin ni Henrix."

Natatawang sambit ko. Mukha akong timang dito. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha ang aking plato at kubyertos na gamit. Agad ko itong idiniretso sa lababo nila. Kahit lababo lang, ang ganda na. Malinis pa. Grabe. Naghugas ako ng kamay at kinuha ang sanitizer sa aking bag atsaka pinaulanan ang palad ko.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon