Kabanata 67

56 7 0
                                    

BIRTHDAY

"Naman, Ate Han! Mga pang debut iyang pinapili mo sa akin e!"

Reklamo ko nang dalhan ako ni Ate Hannah ng mga gown na pang debut. Napahalukipkip ako habang tinitignan iyon. Maganda sana kaso 21 na ako e.

"Ano ka ba! Bagay naman sa iyo lahat e. Ako na rin ang maglalagay ng make up sa iyo."

"Ano? Mag m-make up pa ako? Pwede namang hindi, Ate!"

Halos tumaas na ang boses ko sa sinabi. Humalukipkip si Ate Han at nagkasalubong ang kilay.

"Gusto mo bang magmukhang patay mamayang gabi?"

Taas kilay na tanong niya. Ngumuso ako at umiling atsaka pinagpatuloy ang pagsusuklay ng buhok. Mamayang gagabi na ang handaan para sa kaarawan ko dito sa amin. Napagpasyahan rin ni Daddy kagabi na gawin iyon sa malaking harden sa likod ng bahay namin dito. Maluwang doon at kasya sa isang handaan. Malapit rin iyon sa swimming pool namin kaya malaya akong nakakaligo roon minsan at tatambay din sa harden. Hindi ganoon kalawak ang halaman na mayroon kami doon, hindi gaya nung sa Borge na masyadong occupied ang harden. Mas maganda din dito kumpara doon sa amin.

"Pwede rin naman ito 'yung suotin mo oh."

Sabi ni Ate Han at ipinakita sa akin ang strapless pink na ball gown. Simple lang ito pero hindi ang tipong gusto kong suotin. I prefer a simple cocktail dress para hindi magmukhang nagdedebut.

"Ate Hannah, 21 na ako." Ani ko na bahagyang naiinis na.

Ang aga aga kanina ginising agad ako para dito tapos pagdilat ko debut gown lahat ang nakita ko. Si Daddy kasi e. Gusto niya iyong bongga dahil engrandeng kaarawan ang mangyayari mamaya.

"Haay! Ikaw na nga lang pumili. Dadalhin kita sa fashion boutique namin." Aniya.

Napatingin na ako sakaniya dahil sa sinabi niya.

"Sainyo lahat ng ito?"

Tanong ko. Tumango siya at ibinalik lahat ng iyon sa malaking box. Bahagya naman akong nakonsensya. Kinuha ito ni Ate Hannah sa fashion boutique at dinala papunta rito sa amin kanina pa. Ibig sabihin mas excited at mas nag effort pa siya sa event ngayon kaysa sa akin.

"Teka nga! Huwag mo munang ilagay lahat sa box. Diyan nalang ako pipili ng susuotin ko mamaya."

Sabi ko. Bahala na nga. Nag angat siya sa akin at ngumiti.

"Huwag na, napipilitan ka lang e'."

Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. 'Saka naman na pumayag na ako doon pa siya umayaw.

"Ano ka ba, Ate Han! Sige na.."

Sabat ko at bahagyang huminahon ang boses. Lumapit ako sakaniya at tinignan ulit ang mga gown na dinala niya rito. Iba't-iba ang disenyo nito at lahat magaganda. Maraming porselana ang nakadepina roon at nakaakit pagmasdan. Halata talagang pang debut ang hitsura lahat. Siyam na gown ang dinala niya papunta rito.

Natigilan ako nang may napagtanto.

"Yung mommy mo ba gumawa nito lahat?" Tanong ko.

Ang gaganda! Pang professional talaga ang dating! Bakit ngayon ko lang napansin lahat to?

"Hindi. Siya lang ang nagdesign. Pero 'yung gown galing lahat iyan sa Australia at Paris."

Nanlaki ang mga mata ko. Kaya pala.

"For all purpose lahat ng iyan." Aniya.

Tumango na lamang ako.

"Pero, Ate Han hindi talaga ako pwedeng pumili dito e. Magmumukha akong timang nito mamaya." Sabi ko.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon