Kabanata 32

71 11 0
                                    


AFTER

"Job well done, Miss Madriza. You have got the highest rating in files proofreading. I'm really proud of you."

Napangiti ako sa sinabi ni Sir Oldivas habang nakipagkamayan sakaniya. May tumapik naman sa balikat ko kaya bahagya akong napatingin sa likuran. Nginitian ako ni Maxie at Jean kaya ngumiti rin ako pabalik. Naramdaman ko naman ang pagpalakpak at pagpuri nila Troy sa aking likuran.

"Salamat, Sir. Kung hindi naman po dahil sa tulong niyo ay hindi ko makakamit ang achievement ko ngayon."

Finally, I'm happy to deal with my dream. Ang pagiging isang head officer ng Xavier University ay hindi ganoon kadaling makamtan. Hindi ko akalaing ganito pala ang pakiramdam na tinitingalang prodegy ng lahat. Para bang tinalbugan ko ang isang Cum Laude lalo na at pangarap ko ang maging isang magaling at batikang proofreader ng paaralan. Nagkaroon din ako ng business partnership sa Xavier University na makapagtayo ng isang chemistry laboratory malapit sa unibersidad after I finished my course.

"Well, it was all because of your ravishing efforts and undying self-motivation."

Ani ni Sir Oldivas kaya napangiti ako. Dinaluhan ko ng yakap si Sir at nagpasalamat sakaniya. I am sure this will bring a prolific triumphance to my life after I will graduate. Hindi ko na kailangang makipagsapalaran pa upang makahanap ng trabaho. Xavier University. This school is my self-motivation. This will be the last year of my college days. I hope I could eminently endure everything.

"You're a remarkable blessing, Quen."

Bahagya akong tumawa at napailing sa sinabi ni Sabreen na kanina pa nasa gilid ko habang nakikipag usap sa dalawang chief executive officers at board of directors ng Xavier University.

"No, I'm not Sir. "

Natatawang ani ko at kumunot noo. Ngumiti lang si Sir at nagtaas ng kilay habang siniko naman ako ni Maxie. Napatingin ako sa mga lalaking papalapit sa pwesto namin na kapwa estudyante rin rito.

"Ang gwapo."
"Sino sila?"

Ani ni Sab at Jean habang nagbulung bulungan. Napatingin ako sa mga mukha nila at napagtantong pamilyar sila sa akin. Tumingin sa akin ang lalaking nasa gitna ng dalawang lalaki at napakunot noo. Nagtaas baba ang aking dibdib nang may maalala ako.

"Oh? Anong ginagawa niyo dito?"

Tanong ni Sir Oldivas sakanilang tatlo.Humalukipkip ang lalaking nasa gilid at nilapitan si Sir. Nagkagat labi ang isa habang nakatingin sa akin kaya bigla akong inatake ng kaba. Namukhaan niya siguro ako kaya nag iwas ako ng tingin.

"Third brought us here. Magpapaalam sana kami para pumunta ng Arje Resort ngayon, Dad."

Ani noong lalaki kaya napatingin ako sakanya. I remembered him. Siya 'yung lalaki na Treyz ang pangalan. Hula ko triplets silang tatlo.

"What?"

"Shut up, Treyz. Si Tedd ang nagsabi at hindi ako. Hang out with the gangs."

Agad na sumagi sa utak ko ang panahon kung saan ko sila nakita. In my own viewpoint, that night was worse though and it even became worser after my intriguing encounter with Tyler. Naalala ko na naman ang gabi kung saan hinanap ko siya, kinompronta at hiningian ng tawad. Napabuntong hininga ako nang sumagi sa isip ko ang mukha ni Tyler na nahihirapang umiyak at pinipilit indahin ang sakit na kaniyang natamo mula sa katotohanang hindi niya na kailanman mailalayo sakaniya. Ang katotohanang hindi siya isang Okinawa kung hindi, isang Madriza kagaya ko. Hindi ko lubos maisip na isang taon na pala ang nakalipas simula noong mangyari iyon. Pagkatapos ng mga pangyayari ng gabing iyon, hindi ko na siya muling nakita. Wala na rin akong balita sakaniya. Noong tinanong ni Sabreen si Hyder kung nasaan ang kapatid nito, sinabihan lang siya na huwag ng makialam sa sarili nilang problema.

"If it's about the band rehearsal, I am in."

Ani ni Sir Oldivas kaya napangiti ang tatlo. Nag fist bump si Tedd at Third habang tumango naman si Treyz. Umawang ang labi ko nang marinig na may banda pala sila. Oh really? Bakit hindi ko sila napapansin sa music hall?

"Maaagang celebration party. Pakiramdam ko mananalo pa rin tayo. Sa regionals, to be exact."

Palihim akong napaismid sa sinabi nila. Hindi naman ganun kataas ang confident nila, hindi ba?

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon