Kabanata 55

50 8 0
                                    

                   BESTFRIEND

Kinaumagahan ay sabay kaming pumunta sa simbahan ni Kuya Henrix at Mom. Hindi sumama si Dad dahil may aasikasuhin pa raw siya sa trabaho niya. Mabuti narin 'yon dahil hindi yata magandang pumasok ng simbahan na ganoon ang sitwasyon.

"Hindi pa rin ba kayo nagkaayos ni Dad?"

Tanong ni Kuya Henrix sa akin. Hindi ako sumagot. Kasalukuyan kaming nasa Barkadahan Grill ni Kuya Rix at Ate Han. Dumiretso agad kami dito pagkatapos magsimba para kumain ng tanghalian.

Umuna ng uwi si Mom dahil inimbita siya ng dati naming yaya na si Yaya Felly sa Pryce Plaza kung saan ginanap ang birthday party nito.

"Hayaan mo na. Magkakaayos rin sila. We just have to accept that time bounds with a long process of acceptance. "

Sabi ni Ate Han. Sumisimsim ako ng iced tea at pinagpatuloy ang pagkain.

"After all, it is not entirely Dad's fault. Kagustuhan mismo ni Tyler na magpakalayo layo muna kay Mr. Okinawa. We could not blame him, his father betrayed him so much." Paliwanag ni Kuya Rix.

Hindi parin ako umimik. I have no guts to say anything. Masyado ng preocuppied ang utak ko sa mga problema.

"I guess Tyler's idea is wrong. He should have shown up himself to Mr. Okinawa. Dad niya pa rin iyon. Siya ang nagpalaki sakaniya. He maybe has the right but he does not have the manner at all. He even changed his surname."

Inis na ani Ate Han. Nag angat na ako ng tingin sa kanilang dalawa. Hinawakan ni Kuya Rix ang kamay ni Ate Han para kumalma siya. Nakayukom na ang palad nito. Napaangat ang gilid ng labi ni Kuya Rix habang tinitignan si Ate Han.

"Chill, my queen!" Tawa ni Kuya.

Nagbuntong hininga ako at kinuha ang alcohol sa bag ko. Parang nawalan yata ako ng gana na kumain pa. Tatlong serve lang yata ang nasubo kong rice.

"Busog ka na?"

Tanong ni Ate Han. Matipid akong ngumiti at tumango. Hinintay ko sila ng ilang minuto atsaka namin napagpasyahang lumabas na doon.

"Gusto mo?"

Napatingin ako kay Ate Han sa tabi ko. May inabot siyang chocolate sa akin. Agad ko naman itong tinanggap. Itinagilid at isinandal ko ang aking ulo sa bintana ng sasakyan ni Kuya Rix.

"Saan tayo pupunta, Henrix?" Rinig kong tanong ni Ate Han kay Kuya.

"High Ridge tayo." Ani Kuya.

Bahagya namang nagising ang diwa ko sa sinabi niya.

"Talaga, Kuya?" Tanong ko.

Naramdaman ko ang sabay na pagsulyap nila sa akin. Sa front mirror nakatingin si Kuya sa akin habang nagmamaneho habang si Ate Han naman sa tabi ko. Nasa likuran kaming dalawa.

"Sumigla ka bigla, ha? Ang tamlay mo kanina." Sabi ni Kuya.

Humalukipkip ako at umismid. Tumawa naman si Ate Han sa gilid ko. Ilang minuto ang lumipas saka kami nakarating sa High Ridge. Umuna akong lumabas ng sasakyan at agad na nilanghap ang sariwang hangin sa paligid. Nang maiayos ni Kuya sa parking lot ang sasakyan ay atsaka kami tumuloy sa loob ng High Ridge.

May sumalubong sa amin na waitress at agad kaming tinanong kung ano ang oorderin namin. Kami na mismo ni Ate Han ang naghanap ng seats habang nasa counter naman si Kuya.

"Ate Han, doon lang ako sa gitna, ha?"

Itinuro ko ang harapang bahagi ng High Ridge kung saan kitang kita ang malaki at malawak na view ng Cagayan de Oro. Tumango si Ate Han.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon