Kabanata 19

102 11 0
                                    

SIGN OF THE TIMES

"Please welcome the final candidates of Mr. and Miss Xavier University!"

Rumampa agad kaming mga final twenty contestants para sa Mr. and Miss Xavier University. Hindi ko akalaing sa dinami dami ng nag audition dito ay isa ako sa mga nakuha gayong wala naman akong mukha at talentong hinarap sakanila kanina maliban sa pagpapakilala ko lamang sa aking sarili. Agad akong sumampa sa backstage pagkatapos nang rampa namin sa stage. Nakita ko namang nilapitan ako ni Sabreen na malawak ang ngiting ipinakita. Tinignan ko ang wristwatch ko. Malapit nang mag alas siete y medya. Kaya pala kanina pa ako gutom na gutom.

"Hey congratulations, Quendrin!"

Ani ni Sabreen sa harap ko. Tumango nalang ako at tinignan ulit ang wristwatch ko. Nabigla ako nang akbayan ako ni Sabreen at inakay palabas doon sa gymnasium. Nakita ko ang pagsalubong sa amin ng mga kasama niya na nakasuot ng pang soccer.

"Sab! I-treat mo siya."

Ani noong babae na kulay pula ang buhok.

"Oo nga, Sab! Libre mo na rin kami."

Sabi rin noong isa at sabay silang nag apiran. Napatikhim nalang ako kaya napatingin sila sa akin.

"Sorry guys, pero ang ating pambato ng Miss XU muna ang uunahin ko."

Ani ni Sabreen. Napanguso naman ako at balak sanang umangal nang tuluyan niya na akong hinila palabas ng gymnasium.

"Wait saan tayo pupunta?"

Natigilan ako nang mapadpad na kami sa Jollibee.

"Ililibre kita! huwag ka nang umangal, okay?"

Nakangiting ani niya. Pinigilan ko ang sarili ko na hindi matawa pagpasok namin ng Jollibee. Alam ba niyang hindi ako kumakain sa mga ganitong kainan? Mom and Dad prefer Tita's Hobbles Dune restaurant for me.

"Anong sa'yo?"

Tanong ni Sabreen. Umiling nalang ako at kinuha ang credit card sa bag. Tutal mukhang wala na talaga akong magagawa kasi gutom na ako at ayaw ko nang humanap pa ng restaurant doon sa labas.

"Ako nalang ang mag oorder, tapos ikaw na humanap ng seats natin."

Ani ko. Bahagya siyang natigilan sa sinabi. Nabigla ako nang tumawa siya at tinapik ang balikat ko.

"Akala ko kasi tatakbo ka palabas,  iyon pala papayag ka."

Binigyan ko siya ng isang matipid na ngiti bago pumila doon sa counter. Kakaunti lang ang taong andito lalo na at Saturday night ngayon. Mahirap kasi pag Linggo dahil makikipagsiksikan ka pa sa marami, idagdag mo pa 'yung mga batang paslit na nakikipagsiksikan rin.

"Two orders of/Two orders of─"

Natigilan ako nang may nakasabay ako sa pagsasalita doon sa counter.

"Ma'am, Sir, sino po 'yung nauna sa inyong dalawa?"

Napatingin ako sa katabi ko. Muntik nang malaglag ang panga ko ng makitang si Tyler iyon. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Binigyan niya ako ng isang malamig na tingin bago sumulyap ulit doon sa babaeng nasa counter.

"Two orders of C1, a─"

"Hoy, ano ka ba! Ako ang nauna dito!" Singhal ko sakanya. Napatingin naman siya sa akin at nagkunot noo.

"Miss, s-sya po ang nauna e." Ani noong babaeng cashier.

What the hell? Nagtatanong ka kanina kung sino ang nauna sa amin tapos sasabihin mong siya ang nauna?

"Nevermind her, Miss Cashier. Just take my orders."

Pumula ang pisngi noong babae. May binigay siyang card ng order list niya kaya bandang nahawakan ng babae ang kamay niya. Kulang nalang tumili 'yung babae dahil nangingiti ngiti siya. Seriously, she is a filthy bitch to my sight.

"Hoy, ikaw! Kung pumila ka nalang kaya tutal kaunti lang naman ang mga tao dito! Hindi 'yung humahanap ka ng paraan para makasingit pa!"

Singhal ko sakanya. Nanlaki ang mata niya at humalukipkip. Naramdaman ko naman ang mga tingin ng mga taong napatingin sa amin.

"Alam mo ba na ang daldal mo masyado? E' kung ako kaya ang magpatikom ng bibig mo diyan para manahimik ka?" Umigting agad ang bagang ko sa sinabi niya.

"Bakit? Natamaan ka? Sapul ba? Saan banda? Sa pwet o sa gilagid?"

Sarkastikong tanong ko. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya. Narinig ko namang bahagyang tumawa ang mga pumipila dito sa cashier's area.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon