ME TO YOU
HENRIX HOVARD MADRIZA'S POINT OF VIEW
"Please, Hannah? Mag usap tayo kahit saglit lang, 'yung tayo lang dalawa, please?"
Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa pag alis. Tinignan niya lang ito at kinuha mula sa akin. Hinarap niya ako at ginamitan ng malamig na tingin.
"Anong pag uusapan natin?"
Tanong niya. Bumuntong hininga ako. Sinadya ko talagang pigilan siya sa pag alis dahil pupuntahan niya raw ang fiancee niyang si Lex. Sinadya kong umalis muna doon sa swimming pool at sundan siya.
"Doon tayo sa garden niyo please."
Mas mainam kung nasa garden kami. Gusto ko nang tahimik na lugar. Gusto ko ring masolo ang babaeng pinakamamahal ko.
"Pero pupuntahan ko pa─"
"Saglit lang naman. please?"
"Mag s-start na 'yung eng─"
"Please?"
Pumayag ka nalang Hannah, please. Saglit lang naman ang hinihingi kong oras saiyo. Gusto kitang makausap. Dahil noong huling nagkita tayo sa bahay, hindi man lang tayo nag kausap. Kahit man lang sa huling pagkakataon na ito bago ka tuluyang mawala sa buhay ko, nais kong marinig ang boses mo. Dating masigla at masayahing boses na minahal ko ng lubos hanggang ngayon. You never knew how much it excruciatingly tortured my heart the moment you told me that you already have a fiancee. Bumuntong hininga si Hannahnah at naunang maglakad. Napangiti ako. She still could not forthrightly neglect my request. She is still the kindhearted Hannah that I love the most in this world.
"Spill it, Rix. Pupuntahan ko pa si Lex."
Ani niya nang umupo na kami sa isang bench sakanilang garden. Tumikhim muna ako.
"Uhm ano.. 'yung ano... "
Kumunot ang noo ni Hannah at humalukipkip. Nag iwas ako ng tingin. Akala sobrang dali lang para sa akin na gawin ito. Ilang beses ko pa itong minemorya sa harap ng salamin. Sobrang naninibugho ang puso ko nang malamang ikakasal na siya, ngunit alam kong wala na akong ibang magagawa pa kung hindi ipagdasal sa Diyos na sana maging maligaya siya sa bagong buhay niya... kasama ang bagong mahal niya. Gusto kong ipagbigay-alam sa kaniya na kahit masakit sa akin ang lahat dahil siya pa rin ang isinisigaw ng puso ko ngayon, hangad ko pa rin ang bukod-tanging kasiyahan niya.
"Y-yung ano-"
Pinutol niya agad ang sasabihin ko kaya nanlaki ang mga mata ko.
"'Yung ano nga? You are wasting my time, Rix."
Umigting ang bagang ko sa sinabi niya. Tumayo siya kaya agad akong nagsalita. Ramdam ko ang pagyaning ng buong mundo ko at parang nanumbalik lahat ng mga masasakit na alaalang nangyari sa aming dalawa. Wasting? Was that the right term for this interruption or was that the answer to my unwavering anguish before? Have I ever wasted her time during thoese moments that we were still together?
"Ang lakas mo namang tratuhin ako ng ganyan pagkatapos mo akong iwan."
Matabang na sabi ko. Malamig siyang tumingin sa akin at inirapan ako.
"Hindi ka pa rin ba nakamove on, Henrix? That was already four-"
Tumayo ako at hinarap siya. Pinutol ko ang sinabi niya.
"Yeah, freaking four years Hannah! Apat na taon mo akong iniwan. Pagkatapos mong umalis ng walang paalam, babalik ka ngayon ng bigla-biglaan? Yes, tell me that I wasted your time right now, Hannah. Tell me that I'm wasting your time because of your fiancée. Yet have you had any idea about what was really wasted, Hannah? Do you know what it was? Iyon ay ang pagmamahal ko sa'yo sa loob ng tatlong taon na magkasama tayo. Sinayang mo 'yung pagmamahal ko saiyo. Sinayang mo lahat. Ni hindi mo man lang ako pinaglaban sa pamilya mo.Tapos uuwi ka dito para ipakilala sa amin ang finacee mo? Ipakilala pati sa akin? Sobrang nasaktan na ako sa ginawa mo noon kaya please huwag mo ng dagdagan ngayon. You don't know how much it hurts me knowing that you already have a fiancee!"
Pumiyok ang boses ko pagkatapos ko sinabi lahat ang gustong sabihin ng puso ko sakanya. Marahas kong pinunasan ang luha ko. Nakita ko ang paghilamos ni Hannah sa mukha niya. Nang bumitaw siya ay agad kong nakita ang mga luhang nag uunahan sa pisngi niya. Nanlaki ang mata ko at agad na niyakap siya.
"I'm sorry, Hannah. I'm sorry. I just love you very much. I really love you, Hannah Hazel Luxtic, every now and then."
Humikbi si Hannah sa sinabi ko kaya mas lalo ko siyang niyakap. Ayaw kong makakita ng babaeng umiiyak lalo na ang taong mahal ko.
"I'm so sorry, Rix. I'm very so─"
Pinutol ko ang sasabihin niya. Huwag kang magsasabi ng mga bagay na mas ikakasakit ko Hannah dahil kapag hindi na kayanin nitong puso ko baka tuluyan akong mawala dito sa mundo at sa kabaong ang huling hantungan ko.
"No, it's okay now, Hannah. It's fine because this is love. Someone suffers and someone smiles. That is why, I beg you to smile Hannah, and just let me run away and suffer."
Ani ko. Natigilan ako ng bumitaw si Hannah sa yakap ko. Pero mas lalo akong natigilan nang nilapat niya ang magkabilang palad niya sa pisngi ko at mariin akong hinalikan sa labi.
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
General FictionStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...