Kabanata 24

89 11 0
                                    

HEIGHTS OF BURNING DESIRE: PART 2

"Go away."

Inatake ako ng kaba pero pinilit kong magpakatapang sa harap ni Tyler. Wala akong ka ide-ideya kung bakit sila nandito o kung ano ang pakay nila. Iba na kasi ang storya kapag mga Okinawa ang pinag uusapan. Alam kong kakabit nito ang pamilya naming na nakatali sa mga kamay nila.

"So may binabalak talaga kayong masama?"

Singhal ko. Nanlaki ang mga mata niya. Nagkunot noo ako. Isa pa Tyler, kung hindi ka sasagot susuntukin talaga kita. Mas lalong kumunot ang noo ko nang pumula lalo ang tainga niya.

"Wala! I said go away kung ayaw mong magbalak ako ng masama ngayon."

Buong mukha na ang pumula sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako ng may isang lalaking nasa mid-thirtees ang edad ang sumulpot sa likuran niya. May katangkaran ito at hindi ko kilala kung sino.

"Miss, nasa kabilang room ang restroom ng mga babae. Umalis ka na kung ayaw mong gawin ng pamangkin ko ang masamang balak niya."

Sabi noong lalaki at ginulo ang buhok ni Tyler. Naguguluhang tumango nalang ako at umalis doon. Naalala ko na naman ulit 'yung pinagsasabi naming dalawa kanina ni Tyler.

Hindi ko alam pero napahinto ako sa paglalakad nang may nagpagtanto sa mga pinagsasabi ni Tyler sa akin kanina. Uminit ang buong mukha ko at napalingon muli sa likuran ngunit nahagilap kong wala na sila roon ng lalaking kasama niya. Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko parang kumalabog ang puso ko. Nagpipigil ba siya kanina? Nagpipigil siyang suntukin ako o nagpipigil sa ibang dahilan? Ganoon ba ako ka slow? Pero malay ko ba kung mayroon o wala silang binabalak na masama, hindi ba?

Umiling-iling nalang ako at dumiretso ng restroom sa mga babae.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon