SURNAME
Agad akong pumara ng taxi ng makalabas ng Xavier University at sumakay para makauwi na. Hindi ko na inabalang hintayin si Kuya Henrixz Nagtext kasi sa akin si Mom na nasa bahay ni Dad pagkatapos kong magtanong sakaniya. I'll talk to him.
Nabigla ako ng tumunog ang phone ko sa bag. Nakita kong may mensahe doon galing kay Sir Oldivas at Sabreen.
MR. OLDIVAS:
I'll see you on Monday. Pumunta ka rito sa XU. Proofread details again. Go home, safely.
SABREEN:
Pupunta ka pa ba rito ngayon sa bahay?
Halos napamura ako sa aking sarili. Nakalimutan kong pupunta pala dapat ako ngayon sakanila.
Nagtipa ako ng reply.
QUENDRIN:
Sab, sorry. Something happened. I'll do it next time. I promise.
Tinignan ko ang wristwatch ko. Alas dos y media na ng hapon. Sumulyap ako sa bintana ng taxi at nakitang malapit na kami sa village.
"Manong dito lang po.."
Ani ko. Agad naman itong inihinto ng driver sa gilid ng yellow box katabi ang crossing. Nagbayad ako at diretsong lumabas ng kotse. Naglakad ako papunta sa bahay namin at binuksan ang gate. Sinalubong ako ng isa naming yaya na nagdidilig ng mga halaman sa gilid.
"Bakit ang aga mo yata, Quen? Kumusta ang Fair?" Aniya.
Isinara ko ang gate at hinarap siya.
"Okay lang naman, ya. Maagang natapos ang fair Nandiyan na ba si Dad sa loob?"
Tanong ko. Tumango si yaya. Nagpaalam agad ako na pumasok na ng bahay. Agad kong nakita si Mom sa sofa at nanonood sa flatsreen. Gulat ang mukha niyang napatingin sa akin.
"Ang aga mo yata anak? Kumusta ang fair?"
Tanong ni Mom. Lumapit ako sakanya at nagmano saka siya hinalikan sa pisngi. Pinasadahan ko ng sulyap ang sala. Saan si Dad?
"Okay lang naman, Mom. Masaya."
Lumingon si Mom sa likuran ko at nagtaas kilay. Nag angat siya ng tingin sa akin. Nagtaka naman ako.
"Nag away ba kayo ng Kuya Rix mo?" Tanong ni Mom.
Napakunot noo ako.
"Huh?" Wala sa sariling sabi ko.
"Bakit hindi kayo magsabay ng uwi? Nasa XU pa rin ba siya?" Tanong ni Mom.
Tumango ako. Tinanggal ko ang aking slingbag at inilapag iyon sa sofa. Tumingin ako sa TV at nakitang The Divergent ang pinanood ni Mom. Tumingin ako kay Mom.
"Hindi kami nag-away. Mag d-date pa silang dalawa ni Ate Han kaya nauna na akong umuwi."
Alibi ko. Umupo ako sa sofa at tinanggal ang sapatos ko. 'Saka pa lang ako nakaramdam ng antok at pagod. Halos araw-araw na akong hindi nakakapaghinga ng maayos dahil sa pagiging abala.
"Nasaan si Dad, Mom?" Tanong ko. Lumingon sa akin si Mom saka bumaling ulit sa TV.
"Nasa garden."
Tumayo ako at naglakad papunta sa gilid ng pinto. Inilapag ko ang sapatos ko roon sa itaas ng shoes cabinet. Tatalikod na sana ako ng masulyapan ko ang dalawang lalaki sa labas ng pinto na papasok dito sa bahay.
Si Dad at Tyler na nag-ngingitian at nag uusap. Natigilan ako. Anong ginagawa niya dito?
Unang napatingin sa akin si Tyler atsaka si Dad. Napawi ang ngiti ni Tyler. Pareho silang natigilan nanc makita ako. Agad akong nilapitan ni Dad saka sumunod si Tyler sakaniya.
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
Fiksi UmumStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...