TRUTH
Ilang araw ang lumipas matapos nangyari ang pinakamasamang bangungot sa buong buhay ko. Ilang araw din akong nawalan ng gana. Wala akong ganang matulog, kumain at gumalaw sa aking sarili. Ilang araw akong nagmukmok sa aking kwarto at walang ibang ginawa kung hindi ang umiyak minu-minuto. Hindi ko alam na magiging ganito pala ang tama sa akin ng pagkawala ni Sabreen.
Hindi ko alam na hindi ko pala kayang mawala siya ng biglaan sa buhay ko. Pinagsisihan ko ang mga araw na hindi ko siya napagtuunan ng pansin bago siya nawala ng isang iglap. Nakakamatay ang sakit na nararamdaman ko. Nakakamatay.
"Paalam, Sabreen. Babalikan kita ulit dito bukas. I love you so much, Sabreen."
Sabi ko habang nasa harap ako ng puntod niya sa Oro Gardens. Napahalukipkip ako at bahagyang pinunasan ang basang pisngi. Ilang araw ng maga ang mga mata ko dahil sa kaiiyak. Walang humpay ang pagluha ko kay Sabreen. Hinihiling na sana makakaya ko pang bumangon pagkatapos nito at mamuhay ng masaya muli na wala si Sabreen sa piling ko.
"Tara, alis na tayo. " Ani Tyler sa tabi ko.
Napalingon ako sa kanya. Nakatitig siya sa lapida ni Sab at seryosong ang aura na nakapamulsa. Hindi ako pumunta ng libing ni Sabreen noong nakaraang araw dahil alam kong maglulupasay na naman ako sa sakit at hinagpis na nararamdaman. Kaya si Kuya Rix na mismo ang nagsabi na sumama nalang ako kay Tyler na dadalaw din dito. Napilitan akong sumama kahit gusto kong ako lang ang pupunta.
"Bye, Sab. God bless."
Rinig kong ani ni Tyler. Nagbuntong hininga ako. Lumingon siya sa akin at napagpasyahang umalis na kami. Sabay agad kami na nagtungo sa labas ng Oro Gardens at sumakay sa sasakyan niya.
"Sakay na." Ani niya nang mapagbuksan niya ako ng pinto. Tahimik akong sumunod at agad na nalanghap ang mabangong amoy ng kanyang kotse.
Sumakay na rin siya at inayos ang kanyang seatbelt. Nag seat belt ako nang bigla siyang magsalita.
"Gusto mo bang mag lunch sa labas?" Ani Tyler. Napatingin ako sakaniya.
Nakita kong nagkagat labi siya at idinapo ang paningin sa manibela.
"Saan naman?"
Kaswal na tanong ko. Umandar na yung kotse kaya ibinaling ko ang paningin sa labas ng bintana. Babalik ako dito. Babalikan kita rito, Sabreen.
"Sa Cabula River Grill malapit sa Lumbia. May bago silang mga putahe doon ngayon. May standard quality rin ang grill sila." Aniya.
Hindi ako umimik. Buong biyahe akong tahimik at walang kibo. Pakiramdam ko lutang na lutang ang isip ko ngayon. Hindi rin umimik si Tyler habang nagmamaneho. Maya maya pa'y nakarating na kami sa pupuntahan.
"Nandito na tayo." Aniya kaya napalingon ako sa labas.
Pinarada ni Tyler sa gilid ang kotse. Nauna akong lumabas at nilanghap ang sariwang hangin. Naramdaman kong lumabas rin si Tyler sa sasakyan at hinanap agad ako ng paningin. Nang makita niya ako ay agad ko siyang nilapitan.
"Tara?" Ani ko sakaniya.
Umangat ang gilid ng kanyang labi at tinanguan ako. Sabay kaming naglakad at pumasok roon. Maya maya pa'y tumambad sa amin ang malawak na swimming pool, ang mga magandang cottage sa gilid at isang malawak na food area kung saan may nagtitinda at bumibili ng pagkain.
Nagbayad ng entrance fee si Tyler saka kami naglakad papunta sa isang maliit na daanan.
"Watch out!"
Rinig kong sabi ng isang babaeng naliligo. May biglang dumaang bata na tumatakbo sa gilid ko dahilan upang muntik na akong mahulog sa pool.
"Hey." Sambit ni Tyler at agad akong nahigit papalapit sakaniya at napasubsob sa kanyang dibdib kaya tuluyan akong nakaiwas sa pagkahulog.
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
General FictionStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...