Kabanata 20

116 11 1
                                    

EXTENSION

"Sir ito na po 'yung order mo."

Mga putragis. Magsama kayong dalawa. Napabuntong-hininga nalang ako sa kawalan. Kinuha ni Tyler ang order niya. Tinulungan siya ng isang crew para dalhin 'yung mga in-order niya. Sinulyapan ko siya bago siya tumalikod nang tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngiting mapang-asar.

"Use your charms, lady."

Sabi niya at kinindatan ako. Napaawang naman saglit ang bibig ko tsaka ako umirap sa kawalan. Charms 'yung mukha niya, tss. Nag order nalang ako at pumunta na doon sa seat kung saan andoon si Sabreen. Maya-maya pa'y dinala na ng crew ang mga orders namin.

"Salamat."

Ani ni Sab doon sa crew. Ngumiti lang ang lalaki atsaka umalis doon.

"Siya nga pala, bakit hindi mo sinabi na nag jo-jollibee rin pala ang isang Okinawa?"

Tanong ko kay Sabreen. Nakita kong muntik siyang mabilaukan sa tanong ko. Inabutan ko naman siya ng tubig saka niya ito ininom.

"Hindi ko alam. Itanong mo kay Hyder."

"Close kayo?"

"Hindi. Mahal ko siya."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ang tapang naman ni Sabreen para mahalin ang Hyder na iyon. Hindi sila bagay kung ako ang magsasabi. Anak iyon ng mamatay tao 'saka ang yayabang. Pareho lang sila ng Tyler na iyon.

"Mahal ka rin ba?"

Tanong ko. Hindi siya umimik at tumingin na lamang sa bandang gilid ng likuran ko. Tinignan ko ang sinulyapan niya at halos manlaki na ang mata ko nang makita si Hyder na kumakain habang nakikipag usap sa kaharap niyang si Tyler. Si Tyler naman ay nakatingin ba siya sa akin?

Nabigla ako nang nagtaas siya ng kilay at nagkunot-noo. Agad niyang iniwas ang kanyang paningin at tumingin kay Hyder. Silang dalawa lang ang kumakain sa table at halos lusawin na ng mga babaeng nakatingin sakanila sa paligid. Pati 'yung nasa cashier. Nagkibit balikat nalang ako at kumain nalang ulit.

"Sabreen, salamat ulit sa treat ha?"

Ani ko kay Sabreen paglabas namin ng Jollibee. Kitang kita ko na madilim na ang kalangitan at gabi na. Tumango si Sabreen at niyakap ako. Natigilan naman ako sa ginawa niya.

"Atlas! You called me by my name. I like the way you say Sabreen."

Kinindatan niya ako. Napatawa naman ako sa sinabi niya. Mabait rin naman pala tong si Sabreen, kailangan mo lang maging mahinahon sakaniya at ituring siyang kaibigan. Tinignan ko ang wristwatch ko. 8PM pa ng gabi pero pakiramdam ko masyado ng madilim ang paligid.

"May susundo ba sayo, Quendrin?"

Ani ni Sab. Umiling ako.

"Quen nalang Sabreen." Simpleng sabi ko.

"Sige, anyway, pumunta ka sa gymnasium this Monday, 4pm, okay? It's about the Mr and Miss Xavier Competition. Marami ka pang dapat malaman doon tas doon na rin mai-finalize lahat. Pati 'yung magiging partner mo at iba pa."

Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. Nagpaalam siya sa akin na umuna na ng uwi dahil malapit lang daw ang bahay nila dito sa Xavier University at lalakarin na lamang niya. Inimbita niya akong pumunta roon ngayon sa bahay nila ngunit tumanggi agad ako kasi kailangan ko na ring umuwi.

Naglakad ako doon sa may waiting shed at pumasok doon. Magpapasundo nalang siguro ako kay Kuya Henrix tutal wala nang jeep na dumadaan. Kung mayroon man, punuan naman. Kukunin ko na sana ang phone ko sa bulsa nang may biglang tumakip sa bibig ko.

"Huwag kang gagalaw!"

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon