Kabanata 31

76 11 0
                                    

FAREWELL

TYLER TEXAS RENESIS OKINAWA'S POINT OF VIEW

"Sumama ka nalang kaya sa akin sa Italy, Ty?"

Agad na pambungad sa akin ni Tito Harvey pagising ko. Tinignan ko ang wristwatch ko at nakitang 11AM na pala. Bigla akong napahawak sa sikmura ko dahil bigla itong kumalam. Tinignan ko si Tito Harvey na nakakunot-noo. Kapatid siya ni Mom Gea at isa sa mga Tito na pinakamalapit sa akin.

"Why would I?"

Tanong ko kay Tito Harvey at umalis na doon sa kama at niligpit ang unan at kumot ko. Nasulyapan kong humalukipkip si Tito Harvey.

"Doon ka nalang mag fourth year college. Ako na bahala sa'yo. Alam kong nahirapan ka sa mga nangyari ngayon Tyler─"

Pinutol ko ang sasabihin niya at seryoso siyang tinignan.

"Nahirapan ako dahil hindi mo rin sinabi sa akin─"

Nanlaki ang mata niya at pinutol rin ang sasabihin ko.

"Huwag mo akong idamay diyan. Si Gea ang kapatid ko, hindi ang Dad mo. Hindi kami close ng Dad mong iyon at hindi ko alam na ampon ka lang pala niya."

Umismid nalang ako sa sinasabi niya. Naramdaman kong nilapitan ako ni Tito at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"I'm serious here, Tyler. Gusto mo pa rin bang manatili dito? Sa anong dahilan? Dahil ba sa kapatid mo?"

Kumunot ang noo ko at umirap sa kawalan. Ngumuso si Tito at ngumiti. Hinawi ko ang kamay niya.

"Half siblings."

Pagtatama ko. Magsasalita na sana si Tito nang sabay kaming napatingin sa teleponong nag ring sa ibabaw ng maliit na cabinet ko.

"Ako na ang sasagot."

Pagpresinta ni Tito at kinuha ang telepono. Nagkibit balikat nalang ako at kinuha ang towel na nakasabit sa hanger ko.

"Steve? Oo, nandito si Tyler. Bakit? Ganoon ba? Talaga? Edi magandang balita iyan. Well, I'll tell him kung papayag siya. Okay, bye."

Napatingin ako kay Tito Harvey. Nakangiti siyang nilapag telephone doon sa cabinet ko. Tumingin siya sa akin.

"Anong sabi?"

Tanong ko. Bumuntong hininga si Tito at nagsalita.

"Papayag ka raw bang magpalit ng apelyido? Oo o hindi mo nalang ang hinihintay nila, Tyler. Hindi ka titigilan non kapag hindi ka nagpalit ng apelyido. You'll be officially a Madriza."

Ani ni Tito na ikinatigil ng mundo ko. Hindi yata kayang maproseso ng utak ko ang sinabi niya. Magpapalit ng apelyido? Para saan pa?

"Pag magpapalit ka ng apelyido. Papayag silang sumama ka sa akin sa Italy for three years."

Ani ni Tito. Pag pumayag ako, tuluyan nang mawawalang bisa ang pagiging Okinawa ko. Mawawalang bisa na ang pagiging magkapatid namin ni Hyder at magiging magkapatid na kami ni Henrix at Quendrin. Damn that girl. Hindi niya alam kung paano niya ako pinahirapan kagabi pero ngayon buo na ang desisyon ko.

Maybe we are really not meant to love each other. I do not want to live in the world of incest. Ilang beses na akong nagsakripisyo at nagtiis sa mga nangyayari ngayon. Lalong lalo na sa amin ni Quendrin pero minsan talaga sa buhay kailangan mo ring sumuko. Kailangan mo ring magpahinga. Kailangan mo ring magpakatatag. Kailangan mo rin matutunang tumayo sa sarili mong paa. Para hindi ka na mamumuhay sa sakit. If things are cannot be. Then don't push yourself into it. Let that thing push you closer to it. Bumuntong hininga ako at isang tango ang pinakawalan ko sa harap ni Tito. Gumuhit sa mga labi niya ang ngiti.

"Well then, pack your things up. Aalis na tayo mamaya."

Ani ni Tito Harvey. Tumango na lamang ako at tumalikod. Naramdaman kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito galing sa aking bulsa. Isang message ang natanggap ko. Binuksan ko ito at binasa ang mensaheng galing kay Quendrin.

From: Quendrin

Let's talk please? Meet me.

Natigilan agad ako sa text niya. Nanlamig ang kamay ko at naramdaman ang pagbilis ng tibok ng dibdib ko. Siya lang talaga ang babaeng nakakagawa nito. Bumuntong hininga ako at nagreply sakaniya.

To: Quendrin

Aalis kami.

Wala pang limang segundo nang magreply agad siya.

From: Quendrin

Stay.

Natigilan ako. Hinimas ko ang ibabang labi ko at nagdadalawang isip sa irereply ko sakaniya.

To: Quendrin

Para saan pa?

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Hindi ko talaga alam kung bakit siya pa ang taong mahal ko. Hindi ko talaga alam kung bakit baliw na baliw ako sakanya. Hindi ko alam kung bakit sakaniya pa.

From: Quendrin

No, stay. Pipigilan kita.

Reply niya. Napangiti ako. Pero hindi na 'yung dating ngiti na pinapakawalan ko. Ngiting puno ng sakit at lamig. I think it is time to let you go, Quendrin.

To: Quendrin

Pigilan mo ako dahil pipigilan rin kita, Quen. Magpigilan tayo.

Reply ko sakaniya. Inilagay ko agad ang phone ko sa bulsa at napahilamos ng mukha. Unti-unting pumatak ang luha ko sa pisngi at bumuntong hininga.

No goodbye, Quen. Not even a farewell kiss. Not even a love for incest.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon