Kabanata 15

127 13 0
                                    

                        STATUS

"Nasaan sila Mom at Dad?"

Tanong ko agad kay Kuya Henrix nang madatnan ko siya sa sala na nanonood ng Supernatural. Napansin ko kasing wala si Mom at Dad kanina pa noong umuwi ako dito.

"Nag out of town patungong Davao Oriental. May reunion daw silang pupuntahan. Mga three days lang yata sila doon."

Tumango ako sa sinabi ni Kuya Henrix at naglakad papuntang kusina. Nagugutom ako. Kailangan kong kumain ngayon dahil hindi ako nakapagdinner kagabi. Nakatulog agad ako sa kwarto ko pag uwi nung mga 6PM pa. Kumuha ako ng isang royal can sa refrigerator nang marinig kong nagsalita si Kuya Henrix.

"Balita ko hindi ka raw naka-take ng test. Tinawagan pa ako ng Professor mong bakla kahapon, sinabi niyang pupunta raw ako ng guidance bukas."

Muntik ko nang mabuga ang ininom ko. Nakakainis talaga ang Professor kong iyon. Humahanap talaga siya ng paraan para makabiktima ng lalaki na hindi nahahalata. Naglakad ako papuntang sala at imabutan si Kuya ng royal can. Tinignan niya muna ito atsaka kinuha.

"Oo hindi ako nakasali kahapon dahil— basta! Long story. Ang alam ko lang umandar na naman ang pagiging madiskarte ng nakakainis na professor na iyon! Porket may bago lang kaming kaklase na lalaki."

Ani ko na nakakunot noo habang nakatingin sa pinanood ni Kuya Henrix. Ang gwapo ni Dean at Sam. Sana tagarito nalang iyan sila sa Pilipinas. Nabigla ako nang nag-iba ang channel na pinanood ni Kuya. Tinignan ko siya at malamig ang tingin niya sa flatscreen. Umirap nalang ako sa kawalan. Ang hirap talaga espelli-ngin ng lalaking to. Weather weather mode kasi siya palagi.

"Huwag ka kasing basta-basta magreklamo sa harap ng klase. Hayaan mo nalang sila. Palibhasa kasi ang daldal ng bunganga mo lagi. Kung magdala ka nalang kaya ng shoeglue palagi?"

Sarkastikong ani habang nakatingin parin sa flatsreen. Nagtaas nalang ako ng kilay at bahagyang bumuntong hininga. May punto naman talaga si Kuya. Dapat siguro bawas-bawasan ko muna ang pagiging madaldalin ko kasi isang malaking itlog na grado lang ang mapapala ko.

"Haay, basta huwag ka nalang sumipot bukas sa guidance. Si Professor na bahala doon. Kainis siya."

Sabi ko at tinungga ulit ang royal na iniinom ko. Bahala si Professor Shawn Mantigue sa buhay niya no. Bakit pa kasi may mga lalaking masaltikin ang ugali dito sa mundo? Hindi ba nila alam na madami na silang taong nasasaktan? Sa iba-iba at marami pang paraan? Sarap ipalamon sa lupa.

"Sino namang nagsabing pupunta ako bukas? Kahit kailan o saan pa 'yan, hindi ako pupunta. Problema mo iyan kaya solusyunan mo."

Napanguso at umirap ako sa sinabi ni Kuya Henrix. Akala ko pa naman tutulungan ako ng mokong na ito. Magsama sila nong Professor kong iyon.

Magsasalita na sana ako ng may biglang kumatok sa pintuan namin. Pumasok si Manang Levia at nilapitan kami na may bahid na ngiti sa mukha niya.

"Sir Henrix, Ma'am Quendrin, si Madam Hannah nasa labas po naghahanap sa inyo."

Natigilan ako. Mas lalo na si Kuya Henrix. Tinignan ko siya at biglang sumeryoso ang mukha niya. Sinabihan nya agad si manang na papasukin ito dito sa loob. Bigla akong inatake ng kaba at excitement. Kaba dahil hindi ko alam ang mangyayari pag magkaharap ulit si Ate Hannah at Kuya Henrix. Pareho silang mag-ex couple. Excitement naman dahil sa wakas makikita ko na ulit si Ate Hannah sa apat na taong nasa Australia pa siya at abala sa trabaho niya roon.

"Quendrin! Henrix!"

Nabalik agad ako sa katinuan ng makita si Ate Hannah Haze Luxtic nakaayo sa pintuan at nakangiting tinawag kami ni Kuya Henrix.

"Ate Han!"

Hiyaw ko at patakbong nilapitan siya at niyakap ng mahigpit. Namiss ko talaga ang babaeng ito. Siya kasi ang tinuturing kong kapatid na babae noong magkasintahan pa sila ni Kuya Henrix. Naghiwalay noong pinapunta sa Australia si Ate Hannah ng mga magulang niya roon upang makapagtrabaho at makapiling ang pamilya nya. Kahit labag iyon kay Ate Hannah, iyon narin ang napagkasunduan nila ni Kuya Henrix. Sayang talaga kasi umabot nang tatlong taon ang relasyon atsaka nagkahiwalay. Apat na taon din namin siyang hindi nakita nung nasa Australia na siya.

"Kumusta ka na? Ang laki mo na, Quendrin. Last time noong nagkita tayo thirteen years old ka pa yata noon."

Bumitaw ng yakap si Ate Han sakin at pinagmasdan ako ng tingin. Pinasadahan ko rin siya ng titig. Malaki ang ipinagbago ni Ate Han. Ang morena niyang balat naging maputi na. Naging curly rin ang shoulder level hair niya na dating mataas at straight. Mas pumilantik rin ang pakurbadang kilay niya at mas lalong nakapagpaganda sakaniya ay ang kaniyang left dimple na bumagay sakaniyang napakagandang mukha.

Para talaga siyang goddess na ipinanganak at namuhay sa Mount Olympus. Nakakainggit ang gandang mayroon siya lalo na 'yung katangkaran niya. She has a deep blue eyes. A sophisticatedly hawked and beautiful pairs of elegant sight.

"Namiss kita ng sobra, Ate Han."

Emosyonal na sabo ko. Naiiyak ako sa harapan niya. Naalala ko na naman kasi 'yung mga nangyari noong kasama pa namin siya. Gusto kong maulit lahat ng masasayang alaala na iyon lalo na sa relasyon nila ni Kuya Henrix. Pareho nilang mahal na mahal ang isa't-isa noon, ewan ko nalang ngayon.

"Ikaw rin naman e. Namiss rin naman kita."

Sabi niya at ngumiti. Ngumiti rin ako at nabigla ako nang ginulo niya ang buhok ko at inakbayan ako. Natigilan ako nang napadpad na kami sa harap ni Kuya. Marahan kong hinawi ang kamay ni Ate Han sa balikat ko.

I must leave them now. They need privacy.

****

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon