THE DEPARTURE
"You know what? Kanina ka pa namin inaantay dito."
Dali dali kong nilagay ang bag ko doon sa may benches. Tagaktak ang pawis ko nang pumunta dito. Tirik ang araw ngayon dahil 12PM ng tanghali na.
"Quendrin, hinahanap ka ni Sir Oldivas kanina para sa pag-proofread ng mga festival internal documented files dito sa university. He needs you to handle it."
Napasapo ko ang aking noo nang mapagtantong sa akin na naman mapupunta lahat ng major tasks. Graduating student na ako dito. I've been doing editing for straight four years and honestly, its difficult and time-consuming. Lalo na't buong school ito nakabase ay kalakip na nito ang school press kung saan naging myembro rin ako. Damn, too bad, even though I didn't went to a prestigious university just to apply as an editor in chief in the future.
"Pwede bang iba nalang?"
Tanong ko na parang nagsusumamo na. Pinasadahan ko ng tingin ang field. Marami nang nakahilera na mga booths. Iba't-ibang diskarte ang ginawa ng iilan sa mga booths na itinayo nila.
"So what do you expect us to do? Tell him that you won't?"
Napatingin ako kay Maxie. Nakapamaywang na siya at tinaasan ako niya ako ng kilay. Katabi niya si Dashielle at Jean. Walang hiyang mga kaibigan ito. Ni hindi man lang marunong tumulong sa kaibigan nila.
"Well, nevermind. I'll just go. Wait for me here."
Ani ko sakanila. Umalis na ako doon at tumungo sa West Building kung saan matatagpuan ang main office ng school press. Nandoon ang office ng Sir Oldivas namin. Natigilan ako nang may dalawang babae na lumapit sa amin.
"Miss, hindi ba ikaw 'yung main organizer ng festival?
Tanong ng babae na kasing edad ko lang. Mamutla-mutla ang mukha niya pero maganda siya. Katabi nito ay isa ring babae na black beauty. I guess mga taga third year level sila kasi hindi ko sila namumukhaan sa building namin.
Tinanguan ko sila.
"Well then, kailangan ka po namin. Kami rin ang mga sponsors ng fest. Sumama ka Ate doon sa quadrangle. Mag s-start na 'yung program."
Ani ng katabi niya. Muntik ko nang tinaas ang kilay ko. What are they blabbering about?
"Mauna na kayo. Pinapatawag pa ako ni Sir Oldivas."
Ngumiti sila at tumango. May binigay sila na brochure sa akin. Nagkibit balikat nalang ako at umalis na doon. Pagdating ko sa office ni Sir ay sinalubong agad ako ng isa sa mga secretary niya na halatang busy rin at may inaasikasong trabaho. Kinausap niya muna ako sa mga documents na ip-proofread ko. Napasulyap naman ako sa office table. Nakayuko si Sir at halatang natutulog. Napailing nalang ako.
"Kaunti lang naman ito. Atsaka isa pa wag mong kalimutang sumunod mamaya sa gymnasium."
Sabi ni Secretary Thea at kinindatan ako. Ngumiti nalang ako at pumwesto sa harap ng desktop. Kailangan kong matapos ito.
"Sec. Pwede paki-hinaan ang aircon bago ka umalis?"
Ani ko. Tumango siya at kinuha muna ang mga gamit at bag niya sakaniyang table. Humarap ako sa computer at binuksan ang cpu. Binuksan ko ang google drive kung saan ako magtitipa at nag-rename muna ng file. Pinasadahan ko ng tingin ang files sa table at tinignan iyon isa-isa.
Twenty pages per college department ang kailangan kong iproofread. Madaming grammatical and typographical errors kaya napahilot na lamang ako sa aking sentido. Hindi pa kasama nito ang pag fully breakdown sa contents regarding the theme atsaka 'yung choice of words. at walang label ang ilang files. Buntong-hininga akong napabaling ako sa aking wristwatch. Tingin ko aabutin ako ng maghapon nito.
Kahit masakit na ang ulo at mga mata ko tiniis kong tapusin muna ito. Nakaramdam ako ng gutom ngunit binalewala ko muna iyon. Sumulyap ako sa wristwatch ko. 3PM na.
"Hmmm.."
Napalingon ako sa office table. Tulog pa rin si Sir Oldibas. Tinapos ko lahat ng dapat na iproofread ko. Mga ilang minuto pa nang ini-off ko ang desktop at umalis doon sa aking kinauupuan. Pahikab na gumising si Sir Oldivas at natigilan nang makita ako.
"Uhm.. Sir nasa hard drive na po lahat ng files."
Sabi ko at nilagay 'yung maliit na flash drive sa table niya. Kinuha niya naman ito at may chineck na papers sa table niya.
"Thank you, Ms. Madriza. Makaalis na. Don't forget to attend the festival and enjoy the rest of your day."
Nginitian ako ni Sir Oldivas. You don't have to tell me because I've been wanting to storm outside the room the moment I stepped my foot here earlier. Tumango nalang ako at umalis doon. Hindi nga ako nakasali sa pag organize ng preparation kanina, napagod naman ako sa pagpo-proofread. An evident exemplification of misfortune.
"Hoy, babae bakit ngayon ka lang? "
Nadatnan ko sila Maxie na umiinom ng tubig sa may bandang water despenser malapit sa stage ng gymnasium. Hindi nalang ako umimik at kumuha ng isang soda can sa vendo machine.
"Kanina pa ba nagsimula?"
Tanong ko sakanila. Napatingin sa akin yung mga batchmates kong lalaki. Kinuha ko ang university shirt ko at pinagpagan ito. Kailangan kong suotin ito.
"10mins before you came."
Tumango ako sa sinabi ni Troy na katabi ni Dashielle. Pinasadahan ko muna sila ng tingin pati doon sa stage. May mga organizers na nagsasalita na ng welcome address para sa event. Halos punuan na rin ang mga bleachers at natabunan na ng nakakabinging hiyawan at palakpakan ang buong paligid. Dumiretso ako sa labas ng gymnasium at naglakad sa hallway dala ang tshirt na may nakaprint na 'Xavier University of Cagayan de Oro'.
"Shit."
May nakabunggo akong lalaki sa balikat niya. Malakas ang impact nito kaya muntik na akong mapamura ng malakas. Muntik na rinakong sumalampa sa sahig kung hindi ko lang nalapat ang kamay ko sa may bandang pader na nasa gilid ko.
"Hoy, lalaki! Mag ingat ka naman!"
Gulantang na singhal ko sakaniya. Abot-abot ang tahip sa aking dibdib dahil sakaniya. Natigilan ako ng lumingon siya sa akin. Muntik nang malaglag ang panga ko ng makita ang hitsura niya.
Tagarito ba siya sa university namin? Or just an outsider? Ba't ang sobrang gwapo niya?
Napatingin ako sa kabuuan ng mukha niya. Nanindig ang balahibo ko. Hindi ko alam pero kinutuban ako sa hindi malamang dahilan.
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
General FictionStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...