Kabanata 26

86 10 0
                                    

CLANDESTINE

Walang gumalaw sa aming dalawa. Nanatiling magkalapat ang aming mga labi na tila ba'y ayaw bumitaw ng mga ito sa isa't-isa. Hinapit ko ang baywang niya at hinila ito papalapit sa akin. Agad niyang pinulupot ang kamay niya sa leeg ko. Bahagya niyang ginalaw ang kanyang mga labi. Hindi ako pumalag imbis, bumitaw ako. Bumitaw ako sa halik niya. Tumingin siya sa mga mata kong nagtataka. Nanatili pa rin ang mga kamay ko sa baywang niya habang ang mga kamay niya ay bumaba patungo sa balikat ko.

Tinignan ko ang mga mata niya.Ang kulay bughaw na mata niya na mas lalo akong pinaibig. Ang mga mata niya na pinaka paborito at hindi ko pagsasawaang pagmasdan araw-araw. Ang mga mata niya na sana ang sinisigaw ay ako. Sana ako pa rin, Hannah. Sana ako nalang. Hahalikan niya sana ulit ako ng pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paglapat ng dalawang daliri ko sa labi niya.

"I respect you a lot, Hannah. So... stop teasing me as if you are still a single woman."

Sapul sakaniyaang sinabi ko kaya nalaglag ang panga niya. Kitang kita ko sa mata niya ang pagkagulat sa sinabi ko. Ramdam ko ring nasaktan siya doon. I'm sorry, Hannah. Marahan akong bumitaw sakaniya at umatras. Tumalikod ako at maglalakad na sana paalis nang magsalita siya na talagang ikinaguho ng mundo ko.

"Let this night pass, Henrix. Please let it pass, because after this, history will repeat again and I do hope it would. W-were still on the same page, Rix. We are still and would always be."

Mahinang sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Para itong umulit-ulit nang pasok sa utak ko. Titingin na sana ako sa likuran nang napansin kong tumatakbo na pala siya palayo. Naiwan akong nakatunganga at pinagmasdan na lamang ang pag alis niya. Minsan mo na akong iniwan pero hindi ko inakalang ako pa rin pala ang laman ng puso mo.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon