OUR INFINITE BLUES
"Okay ka lang ba?"
Napatingin ako sa naglahad sa akin ng kamay. Halos mamilipit ako sa sakit ng likod ko. Malakas ang impact ng pagkakabagsak ko. Agad kong nakita ang mukha ni Tyler na puno ng pag aalala. Tinanggap ko ang kamay niya kaya tinulungan niya akong tumayo.
"I'm sorry. Ano bang ginagawa mo dito?"
Nagtatakang tanong niya. Hindi ko siya inimikan imbis ay tinitigan ko siya. Napakagat labi ako at pinigilang tumulo ulit ang luha ko.
"Hindi tayo magkamukha."
Tuluyan nang pumiyok ang boses ko at napaiyak. Naalala ko lahat ng nangyari. Masyado akong naging harsh sakanIya. Iyon pala dapat hindi ko siya tinatrato ng ganoon dahil kadugo ko siya. Hindi siya umimik. Natigilan ako nang dumampi sa aking kabilang pisngi ang kanyang malamig na palad.
"Half-siblings."
Ani niya. Napatakip ako ng bibig nang makitang pumikit siya ng mariin at unti-unti kong nasilayan ang luha sa pisngi niya. Yumuko siya at bahagyang tumawa ng mapakla. Bumitaw siya at tumalikod. Tuluyan nang nagsiagos ang luha ko nang marinig siyang humikbi. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa sitwasyon niya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Hindi ko alam kung bakit at papaano. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako.
"Damn this life! I'm living in a hell! I can't believe this! I really cant!"
Hindi lang ikaw, Tyler. Hindi lang ikaw ang kayang tanggapin ang mga nangyayari ngayon. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Nakita kong napahilamos siya ng mukha at tumawa ulit ng mapakla.
"The girl I love and wanted to be with is the same girl who is not meant for me! Damn!"
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mas lalo akong nabigla nang bahagya siyang lumuhod at sinuntok ang lupa. Rinig na rinig ko ang suntok niya kaya agad ko siyang inawat.
"Tyler, stop that."
Patuloy ang agos ng luha ko habang pinipigilan siya ngunit hindi siya nagpaawat.
"Why the hell I am suffering like this? May mali ba akong nagawa? Dapat ba na hindi nalang ako nabuhay dito sa mundo at tumira na lamang sa impyerno? 'Cause I've been experiencing hell right now and I can't get a damn air to breathe anymore!"
Sigaw niya. Sinubukan kong hawakan ang braso niya ngunit hinawi niya lang ito at patuloy na sinusuntok ang sementadong lupa na kinatatayuan namin. Kitang-kita ko ang mga patak ng dugo na dumadaloy sa kamao niya. Wala akong ibang nagawa kung hindi bahagyang lumuhod sa likod niya at niyakap ang baywang niya habang nagbabaka-sakaling tumigil siya.
"Tyler, please stop. You are hurting yourself!"
Sigaw ko kahit pumipiyok na ang boses ko. Naramdaman kong tumigil na siya pero ramdam ko pa rin ang hikbi niya. Ilang segundo kaming nanatili sa posisyon namin hanggang sa naramdaman kong hinawakan ni Tyler ang kamay ko na nasa baywang niya. Naramdaman ko ang patak ng tubig sa braso ko. Umaambon na at natitiyak kong uulan ito.
"Stand up, Quen. Don't show me that you are weak enough. You're my strength Quen, so you better be stronger than me, more than enough of my weakness on you."
Ani ni Tyler sa mahinang boses. Nag aalangan akong tumayo pero sa huli ay unti-unti akong tumayo at bumitaw sakanya. Nakita kong tumayo rin siya at humarap sa akin. Tinignan ko lang siya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.
"Bakit ikaw pa, Quen? I've been longing for you in so many years but I'll end up like this? Seeing that you're my sibling?"
Malumanay at mahinahong ani niya. Tinignan ko ang mga mata niya at hindi siya inimikan. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Mahal niya ako? Pero paano? Bakit ako pa?
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
General FictionStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...