Kabanata 64

51 7 0
                                    

FORGET ME NOT

QUENDRIN YSABELLE OKINAWA'S POINT OF VIEW

"She is Sabreen Vallerie Algesis. The most special bestfriend of yours."

Ani Ruther at pinunasan ng bahagya ang lapida nito. Napahalukipkip ako sa lamig ng hangin na umiihip. Nakita kong may nilagay siyang bulaklak roon na binili namin kanina. Sinindihan niya rin ang kandila sa tabi nito.

Sinulyapan ko ulit ang lapida. Namatay siya tatlong taon at dalawang linggo na ang nakalilipas. Ibig sabihin bago ako nagka-amnesia ay pumanaw na siya.

"Wala ka pa rin bang naalala sakaniya?"

Napalingon ako sa tanong ni Ruther. Nakaupo na siya sa isang sementadong upuan habang nakatingin sakin. Nag iwas ako ng paningin. Bumuntong hininga ako at umiling.

Naninikip ang dibdib ko sa nararamdaman. Pinipilit kong makaalala ngunit walang sumasagi sa utak ko. Umiikot ang aking paningin at sumasakit ang ulo ako tuwing mataman akong nag iisip sa mga bagay na hindi ko na naalala.

Ani nila Ruther, malaki ang naging epekto sa akin ng aksidente lalo na at madami raw akong naranasan na problema noon. Hindi na nila isinaysay ang lahat dahil alam ko sa sarili ko na, nakaraan na iyon. Hindi na kailangang balikan pa. Ang importante nakabangon na ako ngayon.

Ngunit nakabangon na ba ako? Ni isang memorya ko kay Sabreen wala akong maalala. Ang mga litrato niya ay hindi pamilyar sa akin. Ni isang alaala ko sa aking unibersidad na inaaralan ay wala akong maalala kaya pinili na lamang ni Daddy Yui na huwag muna akong pumasok sa Xavier University kahit nandoon daw ang trabaho ko.

Wala rin akong maalala sa mga taong malapit sa akin maliban nalang sa mga taong nagpakilala na sa akin kung sino sila sa buhay ko gaya lamang ni Ruther. Sila ni Daddy ang naging sandigan ko sa mga oras na kailangan ko ng taong sasagip sa akin. Sila ang naging malapit sa akin ngayon.

Minsan ay sa Forest View Subdivision ako nag s-stay kung saan doon nakatira si Daddy at ang kapatid kong si Hyder. Minsan naman ay sa Havaianna Hills gaya kahapon.

Simula noong magkamalay ako, hindi ko akalaing ganito pala ang nangyari sa akin. I've been so scarred before but it felt like nothing happened to me. Ito na siguro 'yung pakiramdam na mag ka amnesia.

"Sana bumalik na 'yung mga alaala mo, Quen." Ani Ruther.

Napatingin ako sakaniya. Nakatingin siya sa puntod ni Sabreen. Nakasanayan ko na ang pamuna nila na ganyan sa akin. Na sana bumalik na 'yung mga alaala ko. Na sana maalala ko na ang mga nangyari noon. Na sana bumalik na sa dating gawi ang lahat.

"I'm trying Ruther.. I'm trying." Mahinang sabi ko.

How I wish I could. Madaming tanong ang namamayani sa utak ko ngayon ngunit hindi ko alam kung saan doon ang uunahin ko lalo na't alam kong walang patutunguhan ang mga katanungan ko.

"Sorry, we pressured you a lot. I'm sorry, Quendrin."

Bumaling ako kay Ruther. Nakita kong nakatitig na siya sa akin. I saw a bit of sadness in his eyes. Tumayo siya sa pagkakaupo at hinarap ko. Hinawakan niya ang aking magkabilang kamay.

"No, don't be sorry Ruther. Naiintindihan ko kayo sa gusto niyong mangyari. I am no good at this but I will try my best. Gusto ko ring malaman ang nakaraan ko, Ruther."

Buong loob na sabi ko. Binaba niya ang kanyang tingin sa mga kamay kong hinahawakan niya.

"I just.. I just miss the old you." Aniya at napaangat ang gilid ng labi.

"I want it to be back too. Comeback is real, Ruther. Gusto kong malaman ang pinagsamahan namin noon ni Daddy, ni Sabreen, nila Tito Steve at lalo ka na Ruther. Gusto kong malaman ang pinagsamahan natin noon. You're my bestfriend Ruther. Halos kapatid na ang turing ko sayo. I want to know how we started too." Sabi ko.

Nag angat siya ng tingin sa akin. Nagtaka ako sa gulat niyang reaksyon kaya nginitian ko nalang siya. Maybe, he's flattered.

Ngumiti siya pabalik. Nagulat naman ako ng kinurot niya ang pisngi ko kaya napanguso ako at sinapak siya.

"Masakit 'yon!" Sabi ko.

Tumawa siya.

"Mas masakit 'yung una nating pagkikita. Tinarayan mo ba naman ako! Tss." Ngiting iling niya.

"Hala, mataray ba ako noon?" Takang tanong ko. Lumapad ang ngisi niya.

"Talaga! But that attitude made me like you, Quendrin." Aniya.

His words touched the chambers of my heart. He is always a sincere and nice brother to me eversince. Hindi ko pinagsisihang nakilala ko siya. I know I don't remember any detail from the past about how we started, pero nararamdaman kong masaya ako nang magtagpo ang landas namin noon. How much more now?

"I like you more, Ruther."

Sabi ko. Matipid siyang ngumiti. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko at tinapik ang balikat ko. I smiled.

"Anong ginagawa niyo rito?"

Sabay kaming napatingin ni Ruther sa lalaking kararating lang. May hawak itong bouquet ng bulaklak at nakaputing checkered shirt. Seryoso ang mga itong nakatingin sa amin.

"Hyder, anong ginagawa mo dito?"

Takang tanong ko kay Hyder. Malamig lang niya akong tinignan at bumaling kay Ruther. Magkakilala ba sila ni Sabreen?

"You should've not brought her here." Ani Hyder kay Ruther.

Napakunot noo ako sa sinabi ni Hyder? Why would I not? May tinatago ba siya sa akin?

"Sorry. I just want her to visit her friend." Aniya.

"Well, you shouldn't. Know your limits, Ruther. " Sabi ni Hyder na ikinalaki ng mga mata ko. Mahinahon lang ang pagkakasabi niya ngunit ramdam ko ang pagbabanta sa boses nito.

"Hey, it's not his fault, Hy—"

Salita ko ngunit hinawakan ni Ruther ang kamay ko at pinutol ang aking sasabihin.

"Spend your time with your girlfriend. Uuna na kami."

Sabi ni Ruther at hinila ako paalis. Nakita kong tinapik niya pa ang balikat nito atsaka niya ako pinatianod sakanya paalis.

"Hey, why did he speak to you in that treacherous manner? Is there something going on between the both of you?"

Tanong ko kay Ruther nang makasakay na kami sa kotse niya. Nakita kong abala siya sa pag ayos ng seatbelt.

"You're siblings, right? Ask him if you want to know." Aniya.

Nagbuntong hininga ako.

"Iniiwasan lang ako non tuwing nasa bahay ako ni Daddy. Hindi ko alam ang dahilan pero nakakasiguro akong may kinalaman iyon sa nakaraan." Ani ko.

Lumingon bahagya sa akin si Ruther atsaka ibinaling ang paningin sa harap. Ilang saglit pa nang pinaandar na niya ang kanyang kotse at minaneho.

"Sa nakaraan talaga. You hate him before, Quendrin." Paggiit ni Ruther

Napalingon ako sakaniya.

"Ganoon ba? " Nag aalangang tanong ko.

"Ayaw mo sakanila noon ni Sabreen. Tutol ka kay Hyder para sakanilang dalawa kaya ayaw mo sakaniya. You hate him a lot Quendrin na umabot sa puntong siya ang sinisi mo sa pagkamatay ni Sab." Aniya.

"Sab?"

"You call her Sab instead of Sabreen." Aniya.

Nanahimik na lamang ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga sinasabi ni Ruther ngayon. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o malulungkot.

Masyadong magulo ang isip ko kaya 'saka ko nalang muna pagtutuunan iyan ng pansin pag bumalik na ang mga alaala ko.

Pero... Hanggang kailan nga ba?

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon