OKINAWA
Napatingin kaming lahat kay Mr. Okinawa sa tapat ng pintuan.
"Ito na ang mga ebidensyang nakuha ko, Sir."
Nakita kong may binigay na mga papeles si Mr. Okinawa sa mga pulis. Natigilan ako at napatakip ulit ng bibig.
Oh God! Oh God! I can't believe.this mess!
"Anong ebidensya ang pinagsasabi niyo ha?"
Nagwawala na mura ni Dad. Hinawakan siya ng dalawang pulis na nasa gilid niya. Ramdam na ramdam ko ang unti-unting paninikip ng dibdib ko.
"Siya nga.."
Rinig ko ani ng isang pulis. Kapwa sila nagtatanguan. Sumulyap sila kay Dad at lumapit. Napatingin ako sa hawak ni Mr. Galleno. Isang posas. Nanlaki ang mga mata ko.
"Anong gagawin niyo sa kanya ha?!" Singhal ko. Nagsiagusan ulit ang luha ko.
"Miss, matagal na siyang may warrant of arrest sa amin. Kaya lang naibasura ito dahil sa mga ebidensya na nagkulang at ibang mga witness na taong ginamit niya noon ay nakatakas sa kulungan. Ngayong nahuli na namin siya, sa presinto na tayo magharap-harap muli. Sa ngayon, ikukulong na namin siya." Baritong ani ng pulis.
"No way! You can't do that to him! Bitawan niyo ako!"
Bulalas ni Tyler na pawang galit na galit habang may nakahawak rin na pulis sakanya upang pigilan siya sa paglapit kay Dad. Agad na nag huramentado ang buong sistema sa mga narinig ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Inabot sa akin ng isang pulis ang mga papeles. Nanginginig akong tinignan iyon. Tumambad sa akin ang kontrata na nagsasaad na patayin si Lolo. May pirma doon sa mga kasabwat ni Dad at pirma rin niya. May papeles rin ng mga larawan na may litrato kung saan nandoon ang mukha ng mga taong iyon.
Biglang bumagsak ang sistema ko sa sunod na nakita. Napasinghap ako at tila ba'y nalagutan ng hininga. Bumuhos ang luha ko at napatakip ng bibig. Papeles kung saan may larawan ni Lolo na pinatay siya at katabi nito ang mga pumatay sakanya.
Tila ba'y may kumuha ng litrato sakaniya kung paano siya pinatay. May pahayag doon sa ibaba kung saan may sulat kamay ni Dad ukol sa pangakong walang makakaalam nito at mabibigyan ng malaking halaga ng pera ang pumatay kay Lolo.
At ang pirma niya.
Ngayon, alam kong totoo na ito.
Nabitawan ko ang mga papeles at napahagulgol ng iyak. Parang tumungo lahat ng dugo ko sa ulo. Galit akong napatingin kay Dad na nagpupumiglas sa posas na ilalagay sakaniya.
"No way! You can't do this to me!" Ani Dad
Tinitigan ko si Dad. Then a certain thought hit me, hindi kami magkamukha ni Dad. Kahit kaunting anggulo ng mukha ko ay walang namana mula sakaniya. The jaw and the shape of our face is not the same. I have a cleft chin and heart-shaped nosetip. I also have an angled jaw and fair skin. My eyes are defined deeply and hawked. My lips are not the same as Dad. Malayong malayo sakaniya.
Nilapitan ko si Dad at nagpakawala ng malakas na sampal sa mukha niya. My heart leaped. Taas baba ang dibdib ko at sumabay sa pag agos ng aking luha.
"Quendrin!" Sigaw sa akin ni Tyler.
"Hey, miss.." Awat sakin ng pulis.
"I can't believe in you Dad! Nakaya mong gawin ito sa aming lahat! Nakaya mong magsinungaling at magtago ng kasamaan sa loob ng ilang taon! Nakaya mong patayin si Lolo! All this time, plinano mo lahat ng ito? Pati yung sa korte?! Ha?! Sana pala hindi nalang gumaling ang paa mo! Fuck! You're such a demon Dad! Goodness! Hindi ako makapaniwalang naging ama ko ang isang tulad mo! You're the worst person I've known!"
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
BeletrieStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...