Kabanata 29

81 9 0
                                    

       EVIDENCE

'Nasa amin na lahat ng ebidensya, Mr.Okinawa. Siya ang anak ni Mr. Madriza na nawala doon sa ampunan.'

Natigilan ako. Parang hindi ayaw tanggapin ng tainga ko sa narinig. Sumulyap ako doon at nakitang may ibinigay na papeles si Attorney Centerde kay Mr. Okinawa. Kitang kita ko ang panginginig ng kamay ni Mr. Okinawa habang tinitignan ang mga papeles.

"Fuck! Impossible!"

Ani ni Mr.Okinawa. Napatakip ako ng bibig. Totoo ba ito? Anak ni Dad si Tyler? Akala ko ba dalawa lang kaming anak niya? Kaninong ina ba siya? At anong ampunan? Galing siya sa ampunan? Akala ko ba─

"Ibinilin si Tyler sa ampunan na iyon ng ina niya na kasalukuyang pumanaw na. Steve doesn't know na nabuntis niya 'yung babae. Noong bumisita si Steve sa ampunan, he filed numerous contracts para kunin ang anak niya ngunit kailangan pa ng isang buwan para makumpirma ito at tuluyang makuha si Tyler sa ampunan but after a month, tuluyan nang nawala si Tyler na parang bula doon sa ampunan dahil kinuha niyo siya. You used a huge amount of money just to adopt him! Ginawa niyo iyon dahil kamukha siya ng namatay na kambal ni Hyder. "

Galit na ani ni Attorney Centerde sa harapan nila habang nakahalukipkip. Tuluyan na akong nabingi ang aking tainga sa narinig. Napalingon at nanlaki agad ang mata ko nang sinuntok ni Tyler si Mr. Okinawa. Napatakip ako ng bibig para pigilan ang pagsinghap. Nakita kong inawat ng mga abogado si Tyler. Pinunasan ni Mr. Okinawa ang labi niya at paika-ikang tumayo. Hinawakan ni Dad ang braso ni Tyler ngunit hinawi niya ito.

Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa mga nalaman ko ngayon. Hindi ko alam pero sobra sobra na talaga, wala akong alam na hahantong kami sa ganitong pangyayari. Hindi ko namalayang nag uunahan ng dumaloy sa pisngi ang mga luha na galing sa mga mata ko.

"Anong klaseng tao kayo para ilihim sa akin ang lahat ng ito? Pareho pareho lang pala kayo! You selfish species! Sana hinayaan niyo nalang akong mabulok sa ampunan! Damn! I can't believe this!"

Sigaw ni Tyler na nagpatahimik sa kanilang lahat. Kitang kita ko ang paghikbi niya. Napakagat ko ang labi sa nakita at mas lalong bumuhos ang luha ko. Kung nasasaktan man ako dito, mas pinaka-nasaktan dito ay si Tyler. Wala siyang kaalam alam dito. Ampon siya at si Dad ang totoong ama niya. Kapatid namin siya ni Kuya.

Mariin akong napapikit. Half brother. Bakit ayaw tanggapin ng sistema ko ang mga nangyayari ngayon?

Idinilat ko ang mga mata ko at ang tanging nakita ko ay tumatakbo si Tyler palayo habang naiwang sumisigaw si Mr. Okinawa at tinatawag siya. Napa face-palm lang si Dad. Tulala naman ang dalawang abogado sa tabi niya at ang Tito ni Tyler. Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko alam pero may sariling mundo yata ang utak ko at naisipang sundan si Tyler. Dumaan ako sa mga gilid ng sasakyan na natatakpan nila Dad at hindi nila nakikita. Tinahak ko ang daang pinuntahan ni Tyler. Atsaka ko napagtantong nasa labas na pala ako ng parking lot.

"Tyler nasaan ka?"

Sumigaw ako habang patuloy na naglalakad. Nakakasigurado akong nasa Street pa rin ako nila Ate Hannah pero masyadong madilim at walang katao-tao dito. Hindi ko alam ang lugar na ito. Humalukipkip ako dahil sa hangin na umiihip patungo sa balat ko. Strapped lang ang cocktail na suot ko at hindi long-sleeve kaya mas ramdam ko ang lamig dito sa labas.

"Tyler! Let me talk to you, please!"

Pumiyok na ang boses ko. Patuloy ako sa paghikbi dala na rin ng takot at sakit na nararamdaman ko ngayon. Patuloy ako sa paglalakad at sinusulyapan ang bawat tindahan sa gilid sarado na ang mga ito at wala ng tao.

"Tyler! I just want to talk to you! Saglit lang please. Magpakita ka naman!"

Mas lalo akong humalukipkip dahil umihip na naman ang malakas na Hannahgin. Tumindig rin ang balahibo ko nang maramdaman ang isang patak ng tubig na dumampi sa braso ko. Tumingala ako at napansin ang halos kulay gray na kalangitan. Binalewala ko ito at mas lalong binilisan ang lakad ko. Sigurado akong nandito lang si Tyler sa paligid. Ayaw niya lang sigurong magpakita sa akin.

Bahagya akong natigilan nang mapatingin ako sa isang tindahan sa gilid na malapit sa akin. May tatlong lalaki na nag iinuman doon. Humakbang ako ng konti at pinasadahan ng tingin ang tindahan. Mga lasing ang mga ito at wala dito si Tyler. Mabilis akong tumalikod ngunit huli nang mahagip ako ng tingin ng tatlong lalaki.

"Miss! Ako ba 'yung hinahanap mo?!"

"Ulol! Ako hinahanap niyan, pre!"

"Tyler daw e! hindi ba ako 'yun?"

"Pucha, huwag kang mangarap! Tara lapitan natin."

Umatras ako at nanlaki ang mata nang mabilis pa sa isang segundong nakalapit sila sa akin. Amoy alak sila at paniguradong malakas na 'yung tama nila.

"No! Excuse me."

Ani ko at tatalikod na sana ulit para tumakbo nang marahas na hinuli nang isang lalaki ang braso ko. Takot akong napatingin sakanya. Naningkit ang mga mata niya. Narinig ko naman ang pagtawa nang dalawang kasama niya.

"Bitawan mo ako, Kuya."

Nanginginig na ani ko. Sumeryoso ang mukha niya at tinitigan akong mabuti. Mas lalong humigpit ang paghawak niya sa kamay ko.

"Kuya daw, pre! Aba, sabi ko na nga ba at mukha ka ng si Kuya Kim! Matanda pa sa matanda!"

Ani noong isa at nakipag high five sa kasama niya. Nagpupumiglas ako na bitawan niya ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Napahiyaw ako sa sakit.

"Huwag mo namang saktan o. Hati-hati nalang tayo sakaniya."

"Anong hati-hati? Ako ang mauuna sa kaniya dude!"

"No! Let me go! Bitawan niyo ako!"

Sigaw ko. Umagos na naman ulit ang mga luha sa pisngi ko. Ngumisi lang ng mala-demonyo ang lalaking nasa harap ko. Amoy alak siya at nakakamatay 'yung mga tingin niya. Gusto kong sampalin ang mukha niya at sipain ang gilagid niya. Hayop silang lahat. Hahanapin ko pa ngayon si Tyler.

"Treyz, huwag mo na ngang kausapin 'yan! Gutom na kami ni Third rito!"

"Mas gutom pa ako sa'yo, Tedd kaya ako ang mauuna!"

"Tumahimik nga kayong dalawa d'yan!"

Mas lalong umagos ang luha ko. Natatakot ako sa mangyayari ngayon. Lalo na at  kung anong sigaw at tulong ang gagawin ko wala akong kawala ngayon.

"You're very familiar. May kamukha ka."

Hindi ko pinansin ang mahinang sabi noong lalaki na Treyz yata ang pangalan imbis sinipa ko ang 'below-the-belt' niya kaya napahiyaw siya at napabitaw sakin. Hinugot ko muna ang sarili ko na mabilis na buntong hininga saka humarurot ng takbo.

"Sundan niyo siya!"

Galit na sigaw noong lalaki. Mas lalo akong tumakbo nang masulyapang sinusundan na noong dalawang lalaki. Kahit lasing sila, kitang kita ko rin ang bilis ng takbo nila. Inatake ako ng kaba at binalewala na lamang. Pasalamat ako dahil regional champion na runner ako noong elementary pa lamang. Ilang minuto pa ang lumipas nang makitang wala na ang dalawa. Haharap na sana ako nang may nakabunggo ako na siyang nagpatumba sa akin, dahilan upang sumalampak ako sa daan.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon