Kabanata 13

147 12 1
                                    

                 ROLL THE DICE

"Bakit ngayon ka lang?"

Tanong agad ni Maxie pagpasok ko ng room. Medyo marami na sila ngunit wala pa ang guro namin. Hinihingal hingal akong pumunta sa seat ko habang sinusundan ako nila Dashielle.

"Late akong nagising kanina."

Ani ko. Nilagay ko ang bag ko sa upuan at umupo sa tabi roon. Tinabihan ako ni Jean na kasalukuyang hinahawakan ang binder niya.

"Nag study ka na ba?"

Napatingin ako kay Dash na nasa kabilang gilid ko. Nakahalukipkip siya at tinignan ako. Napahimas ko ang aking ibabang labi at nanlaki ang mata nang may maalala. May quiz kami ngayon sa Biochemistry I.

"Goodmorning, class!"

Natigilan ako saglit at napatingin sa pintuan nang makita ang Professor namin.

"Goodmorning Professor Shawn!"

Bati rin ng mga kaklase na nakatayo sa kani-kanilang pwesto. Hindi pa ako nakapag aral kagabi. Kasalanan ko bang retarded ako?

"Goodmorning Ms. Madriza."

Nakatikhim na sabi ng Professor sa akin. Nanlaki ang mata ko at agad napatayo doon sa upuan. Nabalik ako sa katinuan ng makitang nakatingin lahat sa akin. Siniko naman ako ng katabi kong si Maxie at sinamaan ng tingin.

"Pardon, Sir."

Ani ko. Hindi sya umimik at binalik ulit ang tingin sa mga kaklase namin. Nakahinga agad ako ng maluwang ng pinaupo niya na kami. Agad kong kinuha ang binder ko sa bag at binuklat ang pahinang pinaglagyan ko ng mga aralin sa Biochemistry I.

"Before we take our quiz, let me introduce to you, your new classmate for this block."

Ani ni Professor Shawn kaya napatingin kami sakaniya. Lumabas siya doon sa room at parang may sinenyasan na studyanteng papasok sa room namin.

"I hope that person would fit our class. I hate feeble-minded idiots."

Narinig kong bulong ni Jean. Tinawanan lang siya ni Dashielle na nakipag high-five kay Maxie. Hindi ko nalang sila pinansin at itinuon ang buong atensyon ko sa binder ko.

"Okay class, meet your new classmate."

Ani ni Sir ngunit hindi ko sya tinignan. Nakatingin parin ako sa binder ko. Medyo hindi naman ganun kahirap i-analyze to.Sa tatlong taon na pag aaral ko dito sa Xavier University paborito ko rin ang pag aaral sa siyensiya.

Bachelor of Science in Chemistry major in Biochemistry ang course na kinuha ko ngayong kolehiyo. Nasa dugo na ng pamilya namin ang bihasa sa mga leksyon tungkol sa science lalo na si Mom at Kuya Hendrix. Balak ko nga sanang kumuha ng kursong Bachelor of Arts in Psychology, kaso hindi pumayag si Mom.

Narinig ko ang bahagyang pag ingay at pagtili ng mga kaklase ko.

"Holy cult, ang gwapo niya."

"Taga Xavier U ba siya?"

"Siya na ang lalaking hinahanap ko."

"Ate, mahihimatay na yata ako."

Natigilan ako ng sikuhin ako ng mga katabi ko. Agad kong tinapunan ng masamang tingin si Jean at Maxie na nakangiti na ng malapad.

"Look at him, Quendrin Ysabelle. Ang gwapo niya."

Ani ni Jean. Hindi pa rin ako tumingin doon sa harapan. Inirapan ko lang siya at ibinalik ulit ang tingin sa binder. Nabigla naman ako ng sumabay sa malalakas na tili ng mga kaklase ko si Maxie at niyuyugyog ang balikat ko.

Tumingin agad ako sa harapan na nakaigting ang bagang at nakayukom ang panga. Agad akong suminghal sa kanila.

"Ano ba naman kayo, hindi ba kayo nagsasawa sa mga gwapong nakikita niyo sa unibersidad na ito? Napaka ignorante niyo naman. Tumahimik nga kayo kasi mag aaral pa ako!"

Natahimik ang lahat sa sigaw ko. Kinuha ko agad ang binder ko sa table at tinakpan ang mukha ko. 'Yung katamtaman lang na makikita ko pa rin ang nakasulat sa binder ko.

Narinig ko agad ang bulung-bulungan ng mga kaklase ko ngunit hindi ko nalang ito pinansin. Mind your own business foxes. Do not meddle with the life of an enfuriated tiger.

"Miss Madriza hindi ka pa ba nasanay sa ganito? 'Tsaka isa pa, kasalanan ba namin kung hindi ka nag-aral? Wala kang karapatang magsabi ng ganyan sa harap namin dahil problema mo iyan. Huwag mo kaming idamay. Learn how to respect lady! Now, better leave in this class and study outside kasi magsisimula na ang pa-quiz ko. Leave!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Prof at napatingin sakanya. Nakaigting ang bagang niya at nakaturo ang daliri nya sa akin. Napakurap-kurap ako at para bang bumigat ang aking pakiramdam. Nagsisi ako kung bakit napakadaldal nitong bunganga ko.

Sa pagkakataong ito, napalingon na ako sa katabi ni Professor Shawn. Muntik nang lumuwa ang mata ko nang makita kong sino iyon. 'Yung lalaking bumangga sakin sa hallway, 'yung lalaking nadampot ko ang ID niya sa CR ng korte at 'yung lalaking anak ni Sir Okinawa.

Nakita ko rin ang paglaki ng mata niya na nagtama ang aming paningin. Probably, ngayon niya lang ako nakita ulit. Umismid sya at nag iwas ng tingin. Napa igting ang bagang ko at tumingin kay Professor Shawn na masama ang tingin sa akin.

"Hear me, Madriza? I said leave!"

Muntik na akong mapatalon sa sigaw ni Professor Shawn. Siniko naman ako ni Jean at tinanguan ako. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

Marahas kong kinuha ang bag ko at ang binder ko. Agad akong naglakad sa gitna ng aisle papuntang pintuan. This is intensively humiliating for me. Patay ako nito pag pinatawag ako sa guidance office.

Naramdaman ko agad ang luha sa pisngi ko kaya pinunasan ko agad ito. Naramdaman ko rin ang mga tingin ni Tyler sakin bago ako lumabas doon. I'll better go to hell.

Hindi man lang ako tinulungan ng mga kaibigan ko. Sila pa mismo ang nag udyok na umalis ako doon. Sabagay, wala naman talaga akong ka-close doon sa room. 'Yung kaibigang totoo o kahit kaklase man lang na kaya akong ipagtanggol. I do not need them, anyway. I would rather comfort myself alone than to let others comfort me with their onerous lies. I would rather do the things that makes me happy than to do things out of someone else's happiness.

Sa loob ng tatlong taon dito sa Xavier University puro aral at pagsisikap lang ang nararamdaman ko. Puro sakripisyo at kapakanan sa pag aaral ang inaatupag ko kaya palagi akong abala. Ni wala isang tao na nagsabi sa akin na magpahinga muna o 'yung taong magsasabing tutulungan niya ako. Wala ni isa. Lahat nalang sinasakripisyo ko. I never felt loved nor supported in this school and it hurted me more than what I expected.

******

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon