HOME VISIT: PART 3
"Ang tahimik naman dito."
Nakahalukipkip na sabi ko atsaka kami sabay na pumasok ni Ruther sa backgate, Katulad rin ito doon sa frontgate, masyadong tahimik at walang katao-tao pero sa tingin ko mas malala dito. Kakaunti lang ang mga bahay pero mas doble naman 'yung laki at ganda ng mga mansions.
"Talagang tahimik. Uptown e'."
Sabad ng katabi ko. Palihim na lamang akong umirap sa kawalan at nasulyapan siyang nilalaro ang susi ng kanyang kotse gamit ang daliri. Patuloy kaming naglakad.
"Saan ba ang Block 24 dito?" Tanong ko.
"Nasa unahan pa iyon."
Aniya. Nagbuntong hininga ako. Humanda talaga itong si Tyler sa akin mamaya. Hindi niya talaga ako sinabihan tungkol dito.
"Dapat hindi lang basta-bastang block ang tawag diyan. Main Block dapat."
Dagdag pa niya. Uminit agad ang ulo ko.
"Kasalanan ko bang iyon lang ang sinabi sa akin ni Tyler!"
Singhal ko. Bahagya siyang natigilan at napatingin sa akin. Kunot noo ko siyang inismiran. Umuna akong maglakad kaya agad niya akong sinabayan.
"Tyler? Siya ba 'yung kaibigan mo na pupuntahan mo rito?" Aniya.
"Oo." Sambit ko.
Hindi siya umimik pagkatapos non. Mga ilang minuto kaming naglakad na walang nagsasalita kaya napalingon na ako sakaniya.
"Sigurado ka bang alam mo kung saan iyon?" Inis na tanong ko ng mapansing kanina pa kami naglalakad.
"Sino ba namang hindi makakaalam sa bahay nila Tito Harvey. E' siya ang may-ari nitong Bellvue e!"
Aniya kaya nanlaki ang mga mata ko at napaharap sakaniya. What? Ang Tito ni Tyler ang may ari ng Bellvue Homes?
Bago pa ako makapag react ay hinila na ako ni Ruther sa tapat ng isang malaking gate. Nanlaki ang mga mata ko. Kulay bughaw ito at katumbas ang laki ng gate sa tatlong bahay. Nahagilap ko rin ang numerong biente kuatro sa gilid ng gate.
"Ito na 'yun?"
Manghang tanong ko kay Ruther. Tumango siya. Ito na talaga siguro iyon. Nag angat ako ng tingin kay Ruther at nginitian siya.
"Thank you. 'Saka... sorry rin pala kanina." Ani ko.
Tinapik niya lang ang ulo ko at tumango.
"Anytime. It's okay, basta huwag kang magpapasagasa sa susunod." Aniya.
Magpapasagasa talaga? Tss!
"Oo na. Salamat ulit. Nice meeting you." Ani ko ulit.
"No worries. Sige, una na ako. Pupuntahan ko pa si Lola." Aniya.
"Lola mo ba talaga iyon?" Ngiting sabi ko na para bang nagdadalawang isip.
"Yes. Tagarito rin kami noon pa."
Aniya ulit. Tumango ako. Agad naman siyang nagpaalam na aalis na.
"Till we meet again!" Natatawang pahabol ko.
Ngumiti lang siya atsaka naglakad papalayo palabas ng back gate. Hindi naman ganoon kasamang tao si Ruther. Sadyang mapang-asar lang talaga siya at ang talim niya magsalita kaya naiinis agad ako sakaniya. Same expression that I show whenever Kuya Hendrix is tailing around. Bununtong hininga ako at napailing habang nakaangat ang gilid ng labi. Kinuha ko 'yung jacket ni Tyler sa bag ko at inamoy iyon. The scent of downy is still here.
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
Fiksi UmumStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...