THE INVITATION
"Goodmorning, Daddy."
Ngiting bati ko kay Daddy nang makarating ako sa kusina. Nadatnan ko siyang kumakain sa mesa ng mag isa. Nag angat siya ng tingin sa akin.
"Goodmorning din baby. Halika kumain ka na rin."
Nakangiting sabi ni Daddy at tinapik ang upuang nasa tabi niya. Lumapit ako roon.
"Nasaan si Hyder?"
Tanong ko kay Daddy nang makaupo. Ramdam ko ang pagbaling niya sa akin at pagdapo ulit ng kanyang paningin sa kinakain.
"As usual, nasa trabaho niya. Maaga ang schedules niya tuwing weekends." Aniya.
Kumuha ako ng kubyertos at naghain ng pagkain. Sa loob ng tatlong taon na nakasama ko siya, ang kanyang pagluluto ang paborito kong talento niya. High class.
"Dy, may girlfriend pala siya?" Tanong ko.
Bahagyang natigilan si Dad. Tumikhim ako at ipinagpatuloy ang pag kain. I guess it's really true, indeed.
"Sabreen." Aniya.
Totoo pala talaga ang sinabi ni Ruther. Matalik kong kaibigan si Sabreen noon na girlfriend ni Hyder. I hate this right now. I conclude that it's hard to move when you can't even remember a single thing about your past.
"Nga pala anak, birthday mo na bukas. Anong plano mo?"
"I have no plans yet."
"Do you want a grand celebration? Beach or what?" Aniya ulit kaya napatingin na ako kay Daddy.
"Why not here in our house just like last year?"
Tanong ko. Ayaw ko ng masyadong engrande sa kaarawan ko. Sapat na sa akin na kahit dito lang sa bahay basta kasama ko lang ang mga taong malapit sa puso ko lalo na si Daddy. I want my birthday to be simple but meaningfully happy.
Tumawa bahagya si Dad.
"Well, it's your choice then. I already made the invitations. Hindi pa sigurado ang venue pero nilagay ko na roon na pumunta nalang sila dito sa bahay." Aniya.
Kumuha ako ng tubig sa pitsel na nasa mesa at nagsalin sa baso. Ininom ko ito at bumaling kay Daddy. Nakita kong tapos na siyang kumain. Inilapag ko ang baso at napaisip saglit.
"This time we'll invite other people. Like Ruther, Tyler, your Mom Athina and anyone else you have known. Hindi kagaya nong huli na tayong tatlo lang ni Zackel at mga yaya natin."
Napahawak ako sa aking ulo at napapikit ang mga mata. Umiikot ang paningin ko. Pakiramdam ko may pumasok na imahe sa utak ko. Isang cake at mga kandila.
"Araaay!" Daing ko sa sakit.
"Teka anong nangyari sayo, anak?"
Naramdaman kong nataranta si Dad. Hinawakan niya ang balikat ko. Ramdam ko ang kaba sa boses ni Dad. Hinilot ko ng bahagya ang sentido ko. Inabutan ako ng tubig ni Daddy kaya agad ko itong ininom. May kinuha siyang pamaypay sa tabi ng refrigerator at pinaypayan ako.
Maya maya pa'y kumalma na ako. Ito yata ang pangalawang beses na nangyari sa akin.
"What happened to you?"
Takang tanong ni Dad. Umiling ako at nag iwas ng tingin.
"Nothing, Dad. Something glitched on my mind. A little memory."
Mahinang ani ko. Nanghihina ako. Ito rin 'yung naramdaman ko noong nakaraan nang may sumagi sa isip ko. Mga letra sa mga papel at computer sa harap ko. Damn. What's happening to me?
![](https://img.wattpad.com/cover/70461449-288-k868951.jpg)
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
General FictionStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...