YOUR VOICE
"Quen, tapos na ba 'yan?"
Tanong ni Ate Han sa akin. Kinusot ko ang mga mata ko at humikab. Kanina pa ako rito.. but still I know I can do this! Fighting! Bumaling ako kay Ate Han ng maramdaman kong tinapik niya ang balikat ko. Napatingin ako sakaniya at nakita siyang binabasa ang mga natapos ko na. Umangat ang labi ko ng mapansing nakita siyang nakangiti at tumatango.
"Woah..."
Manghang sambit niya saka tumingin sakin. Nagtaka naman ako at nagtaas kilay. Is there something wrong here? May mali ba sa edit ko?
"Is there a mistake?"
"No, no... no. It's just that, seriously Quen, ikaw ba ang nag edit nito? Perpekto. Wow, everything is detailed now compared to what it was before. You got it most, Quendrin."
Ngumiti na lamang ako sa sinabi ni Ate Han at tumingin ulit sa computer screen. Agad kong sinave ang files at ikinopya sa flash drive na nakakabit sa CPU. Nabigla ako nang inabutan ako ng fries ni Ate Han kaya napatingin ako sakaniya.
"Mamaya na 'yan. Kanina pa nagsimula ang programme sa baba."
Napakagat ko na lamang ang aking ibabang labi at tumayo sa swivel chair. Kumuha ako ng fries sa box na hawak niya at isinubo ito.
"Why you didn't tell me? Nasa baba na rin ba sila Kuya?"
"Yes. Madami ng bisita roon. Let's go."
Napatingin ako sa suot ko. Now what? Magmumukha ba akong ewan mamaya? I don't want to look like a high-class outsider. I'm less special... at parang ako lang yata ang naiiba dito.
"Don't worry, magbibihis ka muna."
"I don't have extra shirt or dress. Hindi ako nagdala."
Tumingin si Ate Han sa dala kong maliit na slingbag at bahagyang ngumisi atsaka bumaling ulit ang mga mata sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad ako palabas.
"Borge's 1978?"
Manghang tanong ko habang hawak ang shirt na inabot sa akin ni Ate Han dito sa restroom. The shirt is simple but the print in between makes it elegant.
"Suotin mo na iyan! Dali."
Ani ni Ate Han at bahagyang sinulyapan ang kanyang wristwatch. Agad niya akong tinulak papasok ng dressing room kaya napabuga ako ng hangin. Tinitigan ko muna saglit ang tshirt atsaka ito ipinalit sa suot kong checkered at napagtantong kasya naman pala sa akin.
Nagthumbs up naman sa akin si Ate Han at ngumiti kaya nginitian ko siya pabalik. Sabay kaming naglakad patungo sa venue. Hindi ko alam pero bigla akong inatake ng kaba. Agad naman kaming sinalubong ni Kuya Rix na nakakunot noo. I'm sure he has been waiting for us. God, ang dami na nila rito. More or less, there are hundreds of them.
"Hoy, bakit ang tagal mo?"
"Tss, maka-hoy 'to."
Sinamaan ko ng tingin si Kuya Rix. Nag tiim bagang lang siya at umismid. Naglakad siya papasok roon sa function hall habang sumunod naman kami ni Ate Hannah sakaniya. Bahagya akong nag iwas ng tingin nang may iilang bisita ang napatingin sa akin.
Naglakad kami nila Ate Han sa bandang gilid ng harapan. Umupo kami sa harap ng stage katabi sila Mother Terresa na nakangiting tumingin sa amin.
Pinasadahan ko ng tingin ang function hall. Halos lumuwa ang mga mata ko sa dami ng mga bata na nakaupo sa kani-kanilang pwesto. Umangat naman ang gilid ng aking labi ng makita ang mga disenyo, balloons, lights at iba't-ibang porselana sa paligid lalong lalo na sa stage, may mga nakapalibot na maliit na chandeliers sa kisame.
"Goodevening everyone! First of all, Borge's Orphanage wanted to thank all of you for coming in this big event. Thus, we will start this night with some pleasurable and heartfelt message from our beloved Mother Terresa!"
Pumalakpak ang lahat. Napatingin ako kay Mother Terresa na kasalukuyang tumayo sa kanyang upuan at naglakad sa hagdan pataas ng stage. Nagsimula siyang batiin kami at inilahad ang kanyang mensahe. Isa na roon ang pagiging apo ng may ari ng orphanage na ito at limangpung taong paninilbihan rito.
"... including Hannah. Thanks Hannah for being a good and one of the consistently active sponsor in this orphanage."
Narinig kong bahagi ng mensahe na sinabi ni Mother Terresa. So it's true. Ate Han is one of the officers here... and being Rix's girl, Rix has also a right para makialam rito. Hindi man lang sinabi sa akin noon pa ang tungkol sa orphanage na ito.
"Ate Han, washroom muna ako."
"Sure, just hurry up. Mags-start na ang dinner."
Tumango ako at tumayo na roon. I think I need some retouch also. Naglakad ako papalabas ng function hall at dumiretso sa restroom. I'm starting to get starve. Mabilis lang akong humarap sa malaking salamin ng restroom at nag retouch ng powder at lipgloss. Pagkatapos non ay agad akong lumabas roon. Biglang tumunog angphone ko kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Hello? Sino ito?"
"Hey, Quen this is Mom. Nasaan ka ba ngayon? "
Umarko ang kilay ko sa sinabi ni Mom. Inilayo ko ng kaunti ang phone sa aking tainga at pinindot ang loudspeaker.
"Nasa orphanage, my. Bakit?"
"I thought kasama mo si Rix? They're on their date... atsaka anong orphanage ba 'yang pinagsasabi mo?"
Napabuntong hininga na lamang ako sa tanong ni Mom. Probably, she and Rix have not talked about this. I'm sure Henrix never hesitated not to obtain permission from my Mom. That scumbag, mababatukan ko talaga siya mamaya ng wala sa oras.
"Chill, Mom. I'm with Kuya Henrix. Nasa orphanage kami nila Ate Han ngayon. Borge's 1978."
"Oh, you guys come home early, okay? Patay kayo sa akin. Hindi man lang kayo nanghingi ng curfew."
Ngumuso ako at napabuntong hininga na lamang sa kawalan. Magsasalita na rin sana ako ng biglang nag call ended ang tawag. Napailing ako at inilagay na lamang ang phone sa slingbag. Naglakad ako pabalik ng function hall at nakita ang mga bisita na nakaupo sa kani-kanilang seats habang hinihintay ang mga waiters na mag serve sa kanila. Laganap na ang tugtog ng musika sa paligid.
"Quendrin, dito ka sa tabi ko."
Ani ni Ate Han sa akin. Tumango na lamang ako at umupo sa tabi niya. Nakita kong kumakain na si Kuya Rix sa harap namin. May nakalapag naring pagkain sa harap ko. Seriously, bakit ngayon ko lang napansin na kami lang pa lang tatlo ang nasa table na ito?
"May extra chair pa ba dito?"
"Wala na po, Ma. Bakit po? Wala po ba kayong mauupuan?"
Rinig kong tanong pabalik ni Ate Han kay Mother Terresa. Hindi ko na sila nilingon at ibinaling ang atensyon sa pag kain lalo na at gutom na ako.
"Oh, no need, Ma. Doon nalang ako sa backstage. Nandoon rin naman sila Dawin."
Halos mabilaukan na ako sa pagka-kain. Natigilan ako at muntik ng mabitawan ang kubyertos na hawak ko. Pakiramdam ko biglang huminto ang bawat galaw ng paligid. Napakagat labi na lamang ako. That... that voice!
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
General FictionStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...